Chapter 13: Pleaded
TUMAGAL pa si Miko sa poder namin. Kung dati ay gusto niya talagang alalayan ko siya at ang alagaan ay naiinis na siya. Ewan ko ba kung bakit parang nauntog na naman ang ulo niya. Nagsusungit na nga siya sa akin. Psh.
Tapos kapag nandito si Kuya Hart ay hindi niya ipinapakita na kayang-kaya naman niyang tumayo kahit kahit gaano pa siya na-injured talaga.
Sunday ngayon, usually ay puro pang-80’ and 90’s ang kanta na pinapatugtog ko sa studio ko pero parang day-off ko na rin naman ito.
Nasa bakuran ako ngayon at tumatambay lang talaga ako rito. Kasi sa ganitong oras ay masarap damhin ang lamig ng hangin. Malaki ang bahay namin—isang mansion talaga ito dahil dito kami nakatira noong nabubuhay pa ang parents namin. Iyon nga lang hindi siya isang subdivision o kahit na anong village. Probinsya kasi ito at parang nasa loob pa ng kagubatan.
May mga kapitbahay naman kami pero may kalayuan pa siya. Safe naman siya dahil malaki ang tarangkahan namin at sa likuran nito ay may mga niyog kami. May mga tauhan si Kuya para i-harvest ang mga ito.
Sa kabilang bahagi naman ay may pananim kami ng iba’t ibang bulaklak. Minsan ay kami lang ni Ate Zedian ang nagtatanim ng mga iyon kapag may oras kami. May flowershop si Ate Zed, dahil hindi naman siya full-time writer. Freelance lang siya. Minsan ay rito siya natutulog sa bahay namin at wala pa akong info kung sila na ba ni Kuya pero napapansin ko na parang mas naging sweet pa sila.
Ewan ko— Napaigtad ako nang makarinig ako na tila isang aso na tumatahol. Nang naulit iyon ay napatayo na ako at napatakbo sa kung saan.
“Aw! Aw! Aw!” Confirm nga na isang aso!
“Kuya! K-Kuya, may aso!” sigaw ko dahil parang malapit sa akin ang tunog na iyon.
“Aw! Aw! Aw!”
“Kuya Hart! P-Paalisin mo naman po ang aso sa bakuran natin!” tawag ko pa rin sa aking kuya. Bakit ang tagal naman niyang makarinig sa sigaw ko?! Napatalon ako nang may humila sa suot ko g bestida. “Tsu! Alis! Doon ka! Layo, lumayo! Kuya Hart!” Naiiyak na ako dahil nilukob na ako ng takot sa dibdib. Hanggang sa nawalan na nga ako ng balanse pero pinipilit ko pa rin ang gumapang.
“Fvcking Brilliantes! Tigilan mo ang kapatid ko!” asik ni kuya na sumulpot na lamang sa kung saan.
Narinig ko na lamang ang malakas na tawa ni Miko at mas lumakas ang pag-iyak ko dahil siya lang ang nananakot sa akin! Siya ang tumatahol na parang aso! Kasi alam niya na takot ako. Mabilis akong inalalayan ni Kuya Hart at pinagpagan pa niya ang bestida kong madumihan na yata.
“K-Kuya, tang-inang pasyente mo!” bulalas ko at hindi ko na nga talaga napigilan pa ang sumigaw na may mura pa.
“Ang sarap halikan ng labi ng kapatid mo, Daiz. Hanggang sa mamanhid iyan,” seryosong sabi pa ng walang hiyang engineer na ito. Siya pa ang may gana na magseryoso at manuway!
“Tang-ina mo, Brilliantes. Labi mo ang ipapalapa ko sa aso,” laban sa kanya ng kuya ko saka niya ako inalalayan na maglakad.
“Oh, ano’ng nangyari kay Jean?” nag-aalalang tanong ni Ate Zedian.
Sasagot pa sana ng kuya ko nang sumigaw si Miko. “Daiz! Hindi ko pa kayang tumayo! Balikan mo ako rito!” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
“Haist. Ang lakas talaga niyang mang-asar at si Jean pa ang pinagdiskitahan niya,” mahinang saad ni Kuya.
“Sige na, Daiz. Balikan mo na ang pasyente mo baka kung ano pa ang gawin no’n,” ani Ate Zed pero may aliw pa sa boses niya.
Napanguso ako. “Kuya, kaya naman po niyang tumayo, ah. Hayaan mo na siya roon,” ani ko na ikinatawa lang nilang dalawa.
“Sige na, Jean. Dito ka muna. Babalikan ko pa ang tukmol na iyon. Hindi ko naman puwedeng pabayaan iyon, eh.”
“Dalian mo, Daiz. Kakain pa tayo ng meryenda,” ani Ate Zedian at hinawakan niya ang kamay ko kaya sumabay na rin ako sa kanya sa paglalakad.
Sa sala kami pumunta at iniwan na muna niya ako para kunin ang meryenda niya pero nang pumasok na nga ang dalawang lalaki na kasama namin ay tumulong si Kuya kay Ate Zed kaya naiwan na naman kaming dalawa. Kasama ko na naman si Miko.
“Takot ka talaga sa aso, ’no?” tanong niya at nainis lang ako dahil may panunuya pa sa boses niya.
“Kahit na kailan ay nakaiinis ka na talagang engineer ka!” sigaw ko at kinuha ko ang maliit na pillow saka ko iyon ibinato sa kanya. Pero mukhang nasalo naman niya.
“Gusto ko lang talaga na asarin ka, eh,” he reasoned out and I made a facepalm.
“Isip bata ka!” sigaw ko at bigla na lamang tumama sa akin ang unan.
“Hala! Bakit hindi ka umilag?!” natatarantang sigaw niya. I frowned. Kung makasigaw ay akala mo nasaktan ako sa pagbato niya sa akin ng unan.
“Hoy, ano na naman ’yan, ha? Miko, tigil-tigilan mo na nga ang kapatid ko,” sita ng kuya ko sa kanya. Gusto ko tuloy siyang pandilatan. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni ate sa tabi ko.
“Jean, turon ang nasa plato mo, ha? Ano ba ang gusto mo rito? Coffee or juice?” tanong niya.
“Okay na po ako sa juice lang, Ate,” sagot ko at kinuha ko na ang baso na malapit lang sa table ko.
“Jean, oo nga pala. Bago ko makalimutan.”
“Ano po ’yon, Kuya?”
“May seminar kasi kami bukas at next week pa ang balik ko. Nandito naman si Zed pero baka sa gabi na lang siya kung umuwi. Alam mo naman na busy rin siya at ikaw na lang muna ang sasama kay Miko sa hospital para sa physical therapy niya. Nasabi ko naman ang kaibigan ko para asikasuhin siya.”
“Pero, Kuya. Bakit kailangan ko pang sumama sa kanya? Matanda na po siya at kaya na niya—”
“Just enjoy sa seminar ninyo,” sabat ni Miko kahit na hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko sana. Tsk.
“At huwag mo nang pagtripan ang kapatid ko, Miko,” Kuya warned him.
“Okay. Hindi na.” Duda pa rin ako sa sinagot niya sa kapatid ko. Kasi alam kong gagawa at gagawa pa rin niya ng paraan para asarin lang ako. Na nakasanayan ko naman sana pero hindi ko maiwasan ang maiyak kapag natatakot na talaga ako.
“Miko, huwag mo na rin sanang takutin pa si Jean sa aso.” Si Ate Zedian naman ang nagsalita.
“Ang sarap niya kasing asarin, eh. Nakikita ko ang pagtulis ng labi niya,” pagdadahilan na naman niya at tumikhim ang kuya ko.
“Miko,” Ate Zedian uttered his name.
“Okay, okay... Hindi na. Pero bakit? Bakit siya sa takot sa aso?” curious niyang tanong at hindi na lamang ako kumibo pa. Kumain na lamang ako ng turon na hinanda ni Ate Zedian.
“Hayaan mo ang kapatid ko ang magsabi niyan sa ’yo.” Ewan ko kung ikukuwento iyon sa engineer, psh.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain namin ng meryenda at kinabukasan ay akala ko isasama ako ni Miko sa hospital pero hindi.
Sinumpong na naman siya ng kasungitan niya. Bahala siya sa life niya kung ayaw naman pala niyang nagpasama sa akin. Grr.
Kahit makulit siya at nakaiinis kung minsan ay hindi naman ko naman siya tatanggihan kapag kailangan niya ng tulong ko.
Six months na siyang namamalagi sa amin at kilalang-kilala ko na talaga ang ugali niya. Hindi ko lang alam if bakit palagi siyang sinusumpong ng kasungitan niya at hindi siya namamansin.
“Miko, isama mo na lang ako sa hospital,” pangungulit ko. Tatlong araw na siyang umaalis at hindi pa niya talaga ako isinasama.
“No. Just stay here in your house,” seryosong sabi niya at napanguso ako.
“Ba’t ang sungit mo na naman sa akin?”
“Nangako ako sa kuya mo na hindi na kita paiiyakin pa, eh,” sabi niya at napakagat ako sa daliri ko.
“Gusto kitang samahan, eh,” sabi ko pa.
“Ayaw ko. Dito ka na lang.”
“Damot.”
“Hoy, wala akong pinagdadamutan, Miss. Mas maganda kung dito ka na lang,” aniya pa at tumayo naman ako para sana umakyat na sa room ko.
“Miko, gusto mo ba na ako ang mag-s-shampoo sa ’yo?” baling ko ulit sa kanya ng may naisip akong dahilan.
“Sa binti lang ako na may injury. Hindi sa kamay ko, Miss. Kaya ko naman ang sarili ko.” Parang lahat nang sinabi ko sa kanya dati ay bumalik lang sa akin.
“Kainis ka,” mahinang sambit ko.
“I-please mo ako dali. Sabihin mo sa akin. Miko, please... Isama mo na ako sa ’yo... Baby-hin mo naman ako.”
“Ayaw ko! Tse! Hindi na lang ako sasama sa ’yo!”
“Eh, ’di kiss mo na lang ako!” request pa niya.
“Pa-kiss ka sa aso!”
“Sige na nga. Sumama ka na!” Napangisi ako dahil napapayag ko rin siya sa huli.
***
Suot-suot ko na ang baby blue empire dress ko na lagpas tuhod ang haba at flat shoes lang din ang panyapak ko. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng heels. Kung hindi ko naman gugustuhin ang ma-out balance, ’no.
Kinatok ko pa ang guest room namin kung saan ang kuwartong tinutuluyan niya.
“Miko! Ang tagal mo naman. Tara na kaya,” ani ko at kakatok na sana ulit ako nang huminto ito ang kamao ko dahil bumukas na ang pintuan.
“Ba’t ganyan ang suot mo, Donna Jean?” seryosong tanong niya pagkatapos niya akong pasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa. Napanguso ako.
“May mali ba sa suot ko?” inosenteng tanong ko at pinagpagan ko pa ang dress ko.
“Sa hospital kaya ang punta natin. Bakit ang pormal mo masyado?” tanong pa niya.
“Bakit? Ano ba ang dapat kong susuotin?” curious kong tanong.
“Nevermind. Tara na lang,” sabi na lamang niya at marahan na tinapik ang balikat ko. Alam kong nakasaklay siya.
Sumabay na lamang ako sa kanya. May personal driver si Kuya Hart at si Mang Arsenio ang maghahatid sa amin sa hospital.
Nang makarating kami sa hospital ay kumapit agad ako sa laylayan ng longsleeve niya mula sa likuran niya. Natigilan pa siya.
“Hala, parang bata,” natatawang komento niya at mas hinila ko pa ang dulo ng longsleeve niya. “Gusto mo ba ng holding hands, Jean?” he asked me at napangiti ako nang marinig ko ang pangalan ko na binigkas niya. Na hindi na puro Miss lang ang itatawag niya sa akin. Inilahad ko agad sa kanya ang kamay ko. “Wow.”
“I-kiss mo muna ako?” Itinago ko sa likuran ko ang kamay ko.
“Miko. Nasa public place tayo,” salubong ang kilay na saad ko.
“Gusto mo sa madilim na lugar tayo?”
“Takot ka roon,” sabi ko. Wala na rin naman siyang choice kundi ang hawakan ang kamay ko habang mabagal na kaming naglalakad.
Gustong-gusto ko ang init ng palad niya at kung gaano ito kalaki sa akin na kayang-kaya niyang sakupin. Nagbibigay iyon sa akin ng comfort sa hindi ko malaman na dahilan.
“Alam mo, Miko.”
“Hmm?” Ewan ko kung may lambing ba ang tugon niyang iyon.
“Na-meet ko na ang Lolo mo. Si Don Brill iyon, ’di ba?”
“Ha? Kailan mo nakilala si Grandpa?” So, Lolo niya nga iyon.
“Nang araw na...uhm, iyong araw na iniligtas ka namin. Pumunta kasi siya sa bahay-ampunan na parang siya ang founder nito. Isa rin siya sa naka-discover na magaling akong tumugtog ng plauta at ang sabi niya. Gusto ka niyang ipakilala sa akin,” ani ko at narinig ko pa na parang natawa siya pero wala namang pangungutya roon.
“Really? Wait, sinabi niya ba talaga iyon sa ’yo?” tanong pa niya at tinanguan ko.
“Hindi ba ang lolo mo ay mahilig maglaro na parang si Kupido? Pero kayo naman daw ang gagawa ng ways para mapaibig ninyo ang mga babaeng pinipili niya para sa inyo,” paliwanag ko pa.
“Mahusay si Grandpa sa bagay na ’yan. Parang titingnan niya lang ang isang babae at alam na niya kung sino ang makakatuluyan nito.” Nakamamangha naman iyon. Sa dami-dami kasi ng mga apo niya ang gusto niyang makilala ko ay si Miko pa at iyon na nga ang nangyari.
“Ganito ang sinabi niya sa akin, ‘Gusto mo bang i-ship kita sa isa sa mga apo ko? Sabi ko na palabiro siya,” ani ko.
“He’s not like that. Kapag sinabi niya ay—teka lang sinong apo naman ang binanggit niya?” May bahid na galit ang boses niya.
“Hindi ka naman nakikinig sa akin, eh. Ganito iyon, ‘Miko, Miko ang pangalan ng apo ko na gusto kong makilala mo, hija’, iyon ang sinabi niya sa akin,” paliwanag ko pa.
“Wow. Sa lahat pa ng apo niya ay ako pa talaga?”
“Iyan din ang tanong ko,” pagsang-ayon ko naman.
“Wait, gusto mo pala sa iba?” Binitawan naman niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng takot.
“M-Miko! Huwag mo namang bitawan ang kamay ko!” kinakabahan na sambit ko. Ayokong maligaw ako rito sa hospital, ’no. Baka maiiyak na naman ako. “Miko... Wala naman akong sinabing ganoon,” mahinahon na saad ko at pilit ko pa rin siyang inaabot.
“Jean...”
“Bakit?” tugon ko at napangiti na ako nang mahawakan ko na ang kamay niya. Ini-angkla ko na lamang ang kamay ko sa braso niya para lang hindi na niya ako mabibitawan pa.
“Wala iyon. Tara na lang,” sabi niya at nagsimula na kaming maglakad ulit.