CHAPTER 9

1868 คำ
Chapter 9: First kiss, First slap NOONG dinner time na namin ay tinulungan ko sa paghahanda si Ate Zedian. Paglalagay lang naman ng plato at baso sa mesa ang kaya kong gawin. Pero pumasok si Kuya Hart para lang kumuha ng pagkain para sa pasyente niya. “Hindi pa niya kayang bumangon, Kuya?” tanong ko. “Ayaw niya ring lumabas, baby girl, eh. Kahit sinabi ko na kukuha lang ako ng pagkain para sa kanya ay hindi siya nakinig sa akin. Wala pa raw siyang ganang kumain,” paliwanag ng kuya ko. “Paanong wala siyang gana, Kuya? Eh, wala nga siyang kain sa loob ng three months. Puro injection lang siya at tubig lang din ang pinapainom ko sa kanya,” nalilitong saad ko pa. Iyong injection ay ang vitamins and mga gamot niya kasi comatose nga siya. Nag-advice rin si kuya na painumin ko ito ng tubig. “Kaya nga. Mauna na kayo kumain ng Ate Zedian mo, Jean,” sabi niya at narinig ko na lang ang kalampag ng mga plato at baso. Nagsimula na nga kaming kumain ni Ate Zedian at natapos lang kami ay hindi pa bumabalik si Kuya Hart. Naisip ko na baka sinusubuan niya ang kanyang pasyente? “Mauna ka na pumanhik sa iyong silid, Jean. Ako na lang ang bahala rito,” sabi ni Ate Zedian. Tumango lang ako. “Mag-ingat ka sa hagdanan, okay?” “Opo, Ate,” sagot ko at sa halip na pumunta na nga ako sa kuwarto ko ay naisipan ko naman na magtungo sa kuwartong katabi lang nito ang room ko. Hinawakan ko ang doorknob at narinig ko agad ang boses ng aking kuya. Kinakausap pa niya ang bagong gising niyang pasyente. “Huwag ng matigas ang ulo mo, Engineer Miko. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo. Hindi ka makauuwi ng ganyan ang kalagayan mo. Kailangan mo pa rin ng physical therapy,” sermon ni Kuya Hart sa engineer. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya? Bakit ayaw niyang kumain? Wala na ba siyang balak na gumaling? “Iniisip ko lang naman ang nag-iisa kong kapatid na babae.” “Ha? Ano’ng kapatid na babae ang sinasabi mong ’yan? As far as I remember ay puro lalaki ang lahat ng apo ni Don Brill. Nasa paniniwala ninyo ang bawal na magkaroon ng anak na babae,” ani kuya. “Marami ka pang walang alam tungkol sa akin, Daizo Hart. Iwan mo na lamang ako at—” Napahinto naman siya sa pagsasalita at hinintay ko na dugtungan pa niya iyon pero wala na. Nabigla pa ako nang bumukas ang pintuan sa likod ko. Hindi naman ako nakasandal dito dahil ayaw kong mawalan nang balanse, ’no. “Jean? Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Hala nahuli ako. “W-Wala po kuya,” nauutal na sagot ko. “Kakain na pala ako, Daizo,” sabi ng lalaki. “Gusto mo pa yata ang pilitin ka talaga—” “Pero gusto ko na susubuan ako ng maganda mong kapatid,” sabat pa niya. “Tumigil ka. Hindi utusan ang kapatid ko, Engineer Miko. Sa paa ka lang may injury, hindi ang kamay mo kaya kumain ka ng mag-isa,” malamig na saad sa kanya ng kuya ko. “Sige, dalhin ninyo na lang sa labas ang pagkain dahil wala talaga akong balak na kumain niyan, eh,” sabi pa niya. Siya pa talaga ang nanghahamon? “Bahala ka sa buhay mo,” inis na sabi ni Kuya at akmang hihilahin na niya ako nang binawi ko ang kamay ko sa kanya. “Okay lang po, Kuya. Iinom pa po siya ng gamot niya, right?” I asked him. “Yes,” sagot niya na alam kong may kasama pang pagtango. “Madali palang kausap ang kapatid mo, Daizo, eh.” “Kung hindi ko lang kilala ang clan ninyo ay baka isipin ko na isa kayong—” “Kuya.” Hinawakan na lamang ako ni kuya sa likod ko at iginiya na niya ako papasok sa loob ng kuwarto ng lalaki. “Huwag mong sayangin ang ginawa sa ’yo ng kapatid ko, engineer,” babala pa ni Kuya Hart. “Pagkatapos niyang kumain ay nandito lang ang mga gamot niya, Jean,” paalala pa sa akin ni kuya at iginiya niya rin ang kanang kamay ko sa tray at naramdaman ko ang maliit na plato na may laman na ilang kapirasong gamot. “Sige po, Kuya.” “Lalabas na muna ako para kumain na rin,” paalam pa niya. Inilapit ko ang mesa na pinaglalagyan ng pagkain niya pero hinila niya ang pulso ko kung kaya’t napaupo na lamang ako sa gilid ng bed niya. “Bakit ka ba nanghihila?” naiinis kong tanong sa kanya. Inayos ko pa ang sarili ko kasi muntik na rin akong mapahiga. “Oh, sorry. Dito ka kasi sa tabi ko para hindi ka mahirapan,” sabi niya at napatikhim na lamang ako. Kinuha ko na ang tray and I placed it sa lap ko para hindi naman na ako mahirapan pa. Mabuti na lamang ay ginisang gulay at manok ang ulam namin. Kanin muna ang una kong isinubo sa kanya. Malakas naman ang sense ko at alam kong nakatapat na ito sa bibig niya but he still stared at me. Ramdam na ramdam ko iyon. “Kain na,” ani ko. Narinig ko pa ang pagtikhim niya bago niya sinubo ang kanin at mabilis kong sinunod ang ulam niya. Napaubo pa siya kaya nagmamadali kong kinuha ang basong tubig saka ko ibinigay sa kanya. “Dahan-dahan naman kasi,” marahan na sita ko sa kanya. “You didn’t answer me, Miss. How old are you?” he asked me. Kahit mabigat masyado ang kanyang presensiya at may kung ano pa akong nararamdaman towards him ay isinantabi ko muna ang feelings na ito. Kailangan niyang maubos ang pagkain niya para makainom na rin siya ng tubig. “Ikaw muna,” sabi ko lang. “Pero ako ang unang nagtanong,” sabi niya sabay pitik sa noo ko. Napadaing pa ako sa sakit. Hinimas-himas ko ito. “Ba’t ka ba nananakit?” naiinis kong tanong. “23 years old. That’s my age,” he stated. Tumulis ang labi ko sa nalaman kong edad niya. “Huwag mo na ulit gagawin iyon. Dahil mas matanda ako kaysa sa ’yo. 24 years old na ako,” ani ko at ipinagpatuloy ko ang pagsubo ko sa kanya. Alam kong natigilan pa siya sa nalaman niya. “November 28 ang birthday ko, sa ’yo?” tanong niya at ako naman ang napahinto. Kasi iyon din ang birthday ko. Hala naman. “Ba’t ba natin ito pinag-uusapan?” tanong ko na lamang at hindi ko na siya pinansin pa. “Sabihin mo na lang sa akin,” aniya pero umiling lang ako. “Kailangan mo itong ubusin at saka hindi ka pa nagpapakilala sa akin, ha. Pasyente ka lang ni Kuya Hart,” sabi ko. “Akin na ang kamay mo,” utos niya. “Ano ba kasi ang gagawin mo?” “Akin na lang.” Nagpakawala ako nang malalim na hininga saka ko ibinigay ang kamay ko sa kanya. Napapitlag pa ako dahil sa naramdaman kong malambot na bagay na dumapo sa likod ng aking kamay. Bumilis ang t***k ng puso ko sa napagtanto kong ginawa niya. “Ano...” Hinalikan lang naman niya ang kamay ko sa marahan na paraan. “I’m Engineer Miko S. Brilliantes, thank you for saving my life, Miss,” sabi niya. Ano ba iyan... Bakit lumalakas ang tambol sa dibdib ko? What happened to yourself, Jean? “D-Donna Jean V. Lodivero ang ngalan ko,” sabi ko lang na nautal pa ang boses ko. Hindi pa niya binitawan ang kamay ko hanggang sa kinabig niya ang batok ko at nanlaki ang aking mga mata nang dumampi naman sa labi ko ang malambot na bagay na iyon. Ni hindi ako nakakilos dahil sa sobrang gulat ko na ginawa niya. Mabilis lang ang halik na iyon pero nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Parang napaso lang ako at nag-init ang magkabilang pisngi ko. Itinaas ko ang palad ko at malakas na dumapo ito sa pisngi niya. “What the—” “You’re so bastos!” sigaw ko at umalis ako sa kama para lumayo sa kanya. Dahil sa sobrang inis ko ay hindi ko na nga namalayan pa ang mesa at doon ako bumagsak. Napadaing ako sa sakit at nag-init ang sulok ng mga mata ko. “Tang-ina naman!” malutong na mura niya. Ang sakit ng balakang ko dahil tumama iyon sa mesa. “Okay ka lang?! Bakit ba kasi pabigla-bigla ka na lang tumatayo at hindi mo pa nakita ang mesa?!” pagalit na tanong niya sa akin. Doon na bumuhos ang mga luha ko dahil wala naman talaga akong nakikita! Natural na mabubunggo ako ng mesa dahil bulag ako! “Ikaw kasi! Why did you kiss me?!” frustrated na tanong ko sa kanya at hinampas ko ang dibdib niya. “Aw, Miss... Hindi pa ako magaling. Mahina pa nga ang katawan ko at ang paa ko,” reklamo niya. Mabilis niya kasi akong dinaluhan at kinalong pa niya ang ulo ko na dinala sa dibdib niya. “Kasalanan mo naman!” “Sorry na nga!” Malakas kong hinampas ulit ang kanyang dibdib. “Aray!” he groaned. “Ano ba ang masakit sa ’yo, ha?” tanong niya na nahihimigan ko ang pag-aalala niya. “Iyong likod ko... Ang sakit!” naiiyak na sigaw ko. Hinaplos niya nga iyon at hinawakan niya ang ilalim ng binti ko para buhatin ako pero naririnig ko ang pagdaing niya. Nagawa niya akong ilapag sa kama kahit ang sabi niya ay mahina pa nga siya. “Akala ko maganda ka! Ang pangít mo palang umiyak!” sigaw niya na mas lalo kong ikinaiyak. Hinawi pa niya ang bangs ko. “Hayst, kamukha mo na iyong aso sa lansangan! Sige ka! Umiyak ka pa at nagmumukha ka ng aso!” “Isusumbong kita kay Kuya Hart!” asik ko sa kanya. “Parang bata naman ito, ay. Sige, magsumbong ka. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit bumagsak ka sa sahig!” “What’s going on here?” Boses iyon ni Kuya Hart. “K-Kuya.” “Ano’ng nangyari, Jean?” nag-aalalang tanong sa akin ng kuya ko at naramdaman ko ang paglapit niya. “Jean?” tawag naman ni Ate Zedian sa akin. “Nadulas lang siya dahil hindi niya nakita ang mesa. Ang clumsy ng kapatid mo, Daizo,” malamig na sabi niya. “Natural na ganoon siya,” mahinang saad ni Kuya Hart. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap pa niya ako bago niya ako pinangko. “Eh, bakit nakatayo ka na? Hindi ba mahina pa ang katawan mo? Hindi ka pa gaano magaling, Engineer.” “Yeah. Ang bigat nga ng kapatid ni Daizo.” Sumiksik lang ako sa dibdib ni Kuya at tumutulo na ang mga luha ko. Wala siyang utang na loob! Ninakaw pa niya ang first kiss ko! Tapos sasabihan niya lang ako na pangit at mukhang aso?!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม