Chapter 7: He’s Awake
“NO please, Kuya! I-Isama po natin siya! Isama po natin!” sigaw ko at hindi ko lang kasi alam kung bakit naiiyak ako ng sobra-sobra sa malaman na iiwan namin ang lalaki at aalis na lang kami agad-agad. Gayong hindi na maganda ang kondisyon nito. He needs our help at hindi kaya ng pasensya ko na iwan na lamang namin siya rito. “I-Iligtas na lang po natin siya, Kuya... Please, huwag po natin siyang iwan dito...” pakikiusap ko pa.
“Oh, God! Fine! Zed, tulungan mo si Jean na makasakay sa kotse! Hurry up!”
“Okay,” kalmadong saad lang nito. Hindi ko muna pinakawalan ang lalaki hangga’t hindi ko nararamdaman na binubuhat na siya ni Kuya Hart.
“Don’t cry! Bubuhatin ko na nga siya!” sambit niya dahil sa paghikbi ko. “Sige na, tumahan ka na. Ililigtas na natin siya.” Hinalikan pa niya ang noo ko kaya roon na ako naging panatag.
Naramdaman ko na ang pagbuhat niya kasabay na pag-alalay sa akin ni Ate Zed. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ipinasok din ako sa loob.
“Hart, ako na lang ang magda-drive. Bigyan mo muna ng first aid ang lalaki,” sabi ni Ate Zedian at nasa passenger’s seat na akong nakaupo.
“God, bugbog sarado na ang lalaking ito. Halos hindi na rin siya makilala pa. Kung sabagay ay hindi ko na rin naman siya kilala,” sambit ni Kuya Hart.
“Tumahan ka na, Jean. Nasa kotse na ang lalaking gusto mong iligtas natin. Uminom ka muna ng tubig, oh. Baka ma-dehydrate ka pa riyan.” Dinala niya sa kamay ko ang tumbler at nakabukas na ito kaya uminom na lamang ako. Nakakabit na rin ang seatbelt ko dahil sa tulong niya.
Natigilan ako dahil papalapit na talaga ang mga tunog na iyon. Nagiging malinaw na sa akin ang mga yabag.
“Ate, u-umalis na po tayo rito,” kinakabahan na sambit ko. Hindi lang naman iyon na isang instinct ko lang dahil sa malayo pa lang ay may mararamdaman na akong presensiya at ingay. Alam ko rin na kung may panganib ba itong dala o wala.
Hindi naman na nagpatumpik-tumpik pa si ate at binuksan na niya ang engine ng makina. Pinaharurot na niya ito palayo. Iyon nga lang ay hindi nawala ang kaba ko sa aking dibdib. Parang may nakasunod pa rin at nagmamasid sa amin.
“Wala naman akong nakitang saksak sa katawan niya. Nawalan siya nang malay pero mahina ang t***k ng puso niya,” my elder brother uttered.
“May extra kang pang oxygen mask diyan, Hart. Gamitin mo muna.”
“May fracture nga lang siya sa kanang binti niya. Punit-punit na ang pants niya at mukhang... Ilang beses siyang pinalo ng kung ano man na matigas na bagay o kaya isang tubo at kapag tumagal pa pala siya roon ay puwede niya itong ikamatay. May sugat kasi siya at marami ng dugo ang nawala pa sa kanya. Hindi na maayos ang kalagayan niya,” seryosong paliwanag pa ni Kuya Hart.
Grabe ang sinapit ng lalaki. Nabugbog na nga siya at balak pa yata nilang lumpuhin ito? Ilang beses nilang hinampas ito ng tubo?
“M-Malala po ba ang kalagayan niya, kuya?” tanong ko at napasinghot pa ako. Binalingan ako nito.
“Yes. Baka mahirapan siyang maka-recover sa binti niya. Hindi ko lang alam kung ano’ng klaseng tao ba siya at nakaya niya ang ganitong mga sugat sa binti. I can say that na malakas siya.” Lumalaban kasi siya.
Gabi na at madilim pa naman sa paligid sigurado ako roon. That’s why nag-aalangan din sila na iligtas namin ang lalaki. Bakit kasi gabi na ng mangyari ito sa kanya? Tapos dito pa sa lugar na walang katao-tao. Na wala siyang mahihingian ng saklolo.
“Dadalhin na ba natin siya sa hospital, Hart?” Ate Zedian asked him.
“Oo,” tipid na sagot lamang ng kuya ko. Mas bumilis ang pagda-drive ni Ate Zed para isugod na ito sa hospital.
Hindi rin nagtagal ay inihinto na niya ito. Na marahil ay dumating na rin kami.
“Ako muna ang bababa. Kukuha lang ako ng stretcher at magtatawag ng doctor,” aniya. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Si Ate Zedian ay gumalaw siya at mukhang sinilip niya ang lalaking nasa backseat.
“W-Wait... P-Parang... Parang pamilyar sa akin ang lalaki,” she said.
“Pamilyar po?” naguguluhan kong tanong.
“G-God... It can’t be... Kasasabi lang kanina. May balita kanina na patay na siya at alam kong siya ito...” Ramdam ko ang kaba ni ate habang sinasabi niya iyon.
“Ate, a-ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong ko at maski ako ay kinakabahan na sinasabi niya.
“Kailangan nang bumalik dito ng kuya mo, Jean. Dito ka lang muna,” paalam niya at nagmamadali na siyang bumaba mula sa kotse.
Naiwan ako na kasama ang lalaking wala pa ring malay hanggang ngayon. Malamang hindi agad siya magigising. Hinintay ko lang ang pagbabalik nilang dalawa ng makarinig ako nang mahihinang pagdaing.
Napalingon ako sa backseat. Gustong-gusto ko talagang makita iyon pero dilim lang naman ang bumabalot sa aking paningin. Napabuntong-hininga na lamang ako at napapitlag ako nang may humila sa braso ko. Napahiyaw ako sa sobrang gulat ko.
Mahigpit ang paghawak niya pero ramdam na ramdam ko ang init nito but I can still feel it na mahina pa rin siya siya. Gising na ba siya?
“W-Where a-are w-we?” mahinang tanong niya. Sa boses pa nga lang niya ay nahihirapan na siya. Nauutal pa ito na halos hindi ko na rin maintindihan pa.
“N-Nasa...” Napatutop pa ako sa dibdib ko sa lakas nang tambol sa dibdib ko, eh. “Nasa hospital tayo,” sagot ko.
“Nah, I-I g-gotta get out of h-here. I-I n-need to go see K-Kuya Markus,” he said at binitawan na rin niya ako pero naririnig ko na ang mga galaw niyang mararahas. I know na nahihirapan pa siyang gumalaw. “Urgh!”
“S-Sandali lamang! Saan ka pupunta?! You can’t leave! Hey! Come back!” sigaw ko dahil bumukas na ang pintuan. Dumadaing pa rin siya.
Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko sa aking katawan at bumaba na rin ako. Kinakapa-kapa ko pa ang hood ng sasakyan para makalipat ako sa kabila. Sinundan ko lang ang presensiya niya at nararamdaman kong nasa malapit lang siya. Ako ang naiinis sa sarili ko dahil wala talaga akong makita. Wala talaga akong silbi kung sa ganitong pagkakataon.
“W-What are you doing? Nandito ako,” mahinang sambit niya.
“Nasaan?”
“Tss.” Hinila niya ang pulso ko kaya napaupo ako sa sahig. Akala ko nga ay masasaktan ako pero siya lang pala ang mauupuan ko. “Aw!”
Agad akong umalis sa ibabaw niya dahil impit pa siyang dumaing. Naupuan ko yata ang binti niyang may sugat. Bakit ba kasi nanghihila siya?
“S-Sorry...”
“W-Who are you?”
“T-Tinadtad mo na ako ng tanong,” wala sa sariling sambit ko. Nakasalampak siya sa sahig habang nakasandal sa kotse ni Kuya Hart. Iyon din ang alam ko dahil sumagi kanina ang kamay ko sa bandang ulo bandang balikat niya.
“Who are you?” muling tanong niya.
“P-Pumasok na lang tayo sa hospital. Kailangan mong—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sana nang maramdaman ko ang ulo niyang nahulog sa kanang balikat ko. I mean tila namamahinga na lamang ito sa aking balikat. “S-Sir?” Itinapat ko ang daliri ko sa ilong niya para sana suriin siya kung humihinga pa ba siya.
Buhay pa naman siya pero mukhang nawalan na ulit siya nang malay. Bakit ba kasi bumaba pa siya mula sa kotse? Ang kulit niya, nahihirapan na nga siya, eh.
“Jean?! God, bakit nasa labas na kayo?!” Boses iyon ni Kuya Hart.
“Kuya... Nawalan na po ulit siya nang malay. Tulungan mo siya.”
“We need to get out of here, Jean,” seryosong saad pa ni kuya.
“Po?”
“Hindi siya ligtas sa hospital,” he added his words. Nagtaka naman ako.
Mabilis din kaming nakaalis sa hospital na iyon. Hindi na rin ako nagtanong pa kung bakit hindi namin iniwan sa hospital ang lalaki kahit na super curious na ako at para mabigyan na ito ng treatment.
Sa halip, kinabukasan ay umuwi na kami sa Pangasinan at kasama na namin ang estranghero. Alam kong mabigat na dahilan iyon kung bakit ginusto ni Kuya Hart na isama sa amin ang lalaking walang malay at lumalabas na itinatago namin siya.
Alam ko rin na hindi iyon magandang idea. Ang itago namin siya dahil baka may pamilya pa ito. Mag-aalala na ang mga iyon dahil hindi pa siya natatagpuan.
Kompleto ang mga gamit ni kuya sa bahay namin kaya hindi siya nahirapan na bigyan din ng treatment ang pasyente niya. Iyon nga lang ay naiiwan ito sa silid na pinagdalhan sa kanya.
Hinahabilin sa akin ni kuya na puwede kong puntahan kapag break ko raw sa on-air. Wala namang problema sa akin.
Isang linggo na kasi ang nakalipas at in coma pa rin ang lalaki. Kahit na nagising naman ito ng araw bago pa man namin siya idala rito sa Pangasinan. Sabi ni Kuya ay normal na ma-c-comatose ito dahil sa hirap na pinagdaanan nito sa mga taong nanakit sa kanya.
“Here it is, baby girl. Puwede mo siyang kuwentuhan o magpatugtog ka ng music para maengganyo siya na magising na. Ganito ang madalas na ginagawa ng mga pamilya ng pasyente kapag comatose siya. Kinakausap nila ito dahil naririnig pa rin nito ang mga boses nila,” paliwanag sa akin ni Kuya Hart sabay bigay niya sa akin ng cellphone ko.
May cellphone ako kahit hindi ko madalas ginagamit. In case emergency lang naman ito, eh. Tinuruan naman niya ako kung paano ko gagalawin ang mga daliri ko kahit hindi ko pa man nakikita ang screen nito.
“Kuya, hindi po ba mag-aalala sa kanya ang family niya? Bakit po natin siya isinama pa rito?” na-c-curious kong tanong.
“Jean, it’s complicated. Hindi natin siya puwedeng ilabas ngayon. Delikado para sa kanya. Kaya rito muna siya sa atin. Hintayin na muna natin siya na magkamalay. Alam ko na kahit siya ay mas pipiliin niya ang manatili muna rito,” he explained. Tumango-tango na lamang ako.
“Sige po, Kuya,” ani ko. Hinaplos pa niya ang ulo ko.
“Don’t worry, Jean. Katulad nga ng sinabi mo ay hindi siya masamang tao,” he said. I just smile. I know that because I can feel it.
“Okay ka na rito, Jean?” Tinanguan ko naman si Ate Zedian.
“Puwede ninyo na po akong iwan dito. Stable naman na ang condition ng pasyente ni kuya. Pero puwede ko po bang malaman na kung kilala na ninyo siya?” I asked them.
Wala pa kasi akong nalalaman, eh. Sa tuwing nagsasalita nga ako at kinukuwentuhan ko siya ng kung ano-ano ay hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Palaging sir lang.
“Siya ’yong lalaking ibinalitang namatay na, Jean,” sagot sa akin ni ate na ikinagulat ko. Dahil naalala ko kung sino nga ang lalaking sinabi roon na namatay. Kasi pareho naming napakinggan iyon.
“Iyon po ba ang engineer, Kuya? Si Miko S. Brilliantes po ba? Na apo ni Denbrill Arkun Brilliantes na mas kilalang Don Brill?” sunod-sunod kong tanong. Ni hindi ko na nga napigilan pa iyon.
“Grabe, Hart. Ang kapatid mo na talaga ang may long term memory. Naaalala pa niya ang mga pangalan na nabanggit and especially Don Brill,” namamanghang saad ni Ate Zedian.
“To be honest po, Ate. Na-meet ko na po si Don Brill sa bahay-ampunan. Siya po ang isa sa founder doon, tama?” paninigurado ko.
“Yes, tama ka nga, Jean. Kaya naisipan na lang namin ng kuya mo na dalhin na lang siya rito sa Pangasinan. Sinigurado rin namin na walang nakasunod sa amin na kahit sinong tao. Basta nang gabing iyon ay totoong may mga naririnig kang ingay sa kalayuan.”
“Nailigaw lang ng Ate Zed mo ang kotseng nakasunod sa atin. Hindi ko alam kung ano ba ang mabuting ginawa natin. Ang iniligtas ba natin siya mula sa kapahamakan? Pero itinago pa rin natin siya rito, malayo sa pamilya niya at hinayaan natin na magluksa ang mga iyon sa kaalamang patay na siya dahil sa aksidente,” problemadong saad pa ni Kuya at napabuntong-hininga siya.
“Ang mahalaga po, Kuya ay nailigtas natin siya at hindi na po siya napasakamay ng mga taong gusto siyang saktan,” saad ko.
Ilang minuto lang kaming nag-usap at nagpaalam na sila sa akin para makaalis na rin para sa trabaho nila.
Nakuha ko naman na ang pangalan ng lalaki. Miko nga ang kanyang pangalan. Ang lalaking gustong ipakilala sa akin ni Don Brill, na kanyang apo pero makikilala ko lang pala ito na nakikipaglaban na rin kay kamatayan.
Mabuti na lamang ay dumaan kami sa shortcut. Ang kaso lang ay nagdadalawang isip pa sina Kuya at Ate na tulungan siya dahil baka isa lang patibong iyon. Sa panahon kasi ngayon ay talagang mahirap ng magtiwala pa. Marami ng masasamang loob.
“Kung hindi siguro kita iniyakan na iligtas ka nila ay baka...wala ka na ngayon,” sambit ko habang minamasahe ko ang matigas niyang braso. Nararamdaman ko ang mga ugat niya. Napapangiti pa ako sa tuwing nahahawakan ko ang mahahaba niyang daliri. Na minsan ay pinaglalaruan ko iyon. “Wake up ka na. Para mapuntahan mo na ang family mo at sabihin mo sa kanila na buhay ka pero may panganib pa rin ang naghihintay sa ’yo kaya kailangan mo pa ring mag-ingat. Gumising ka na riyan para hanapin ang mga taong nanakit sa ’yo. Miko...”
Tumagal pa iyon ng three months at tulog pa rin siya. Pero hindi naman ako nabagot sa kahihintay sa kanya at sa pagbabantay. Nagawa ko na ngang hawakan ang mukha niya. Alam kong magandang lalaki siya. Dahil matangos ang ilong niya. Malalantik ang pilikmata.
Kung hindi lang ako nawalan ng paningin ay baka naging artist na rin ako. Marunong akong gumuhit at kayang-kaya ko ngang iguhit ang mukha ng engineer na ito kahit pa wala akong nakikita.
Nakatulog ako sa pagbabantay sa kanya. Nagising na lamang ako na parang may nakatitig sa akin ng matiim.
Nag-inat ako ng mga braso dahil medyo nanakit ito. Gumapang sa bed ang kamay ko para hawakan sana ang kamay ng lalaki. Napangiti pa ako dahil naramdaman ko na iyon. Ang init at malaki pa rin. Pagsisiklupin ko na sana ang mga daliri namin nang maramdaman ko ang pagkuyom nito.
Sinubukan kong ibuka pero hindi ko kaya and na-realize ko kung bakit nakakuyom na iyon, na it seems sinadya rin. Natigilan ako dahil may pakiramdam akong gising na siya. Nakatutok na nga sa akin ang dalawang pares ng mga mata niya. Tumayo ako para sana lumabas pero mabilis niyang nahuli ang pulso ko.
“Kuya Hart!” sigaw ko at napadapa na ako sa kama. “Kuy—” Tinakpan niya bigla ang bibig ko. Sa laki ng palad niya ay nasakop pati ang aking ilong.
“Psh, ang ingay mo,” narinig kong malamig na sabi niya.
I tried to remove his palm. “H-Hindi ako makahinga!” reklamo ko nang makawala ako mula sa palad niya pero nabigla na lang ako nang inilagay niya sa akin ang oxygen mask sa bibig ko. Sunod-sunod na hangin ang nalalanghap ko.
“There. You can breath na?” Marahas kong tinanggal iyon. Nakaiinis siya!
“L-Let me go!” sigaw ko dahil ang braso niya ay nasa baywang ko na.
“Who are you?”
“Pakawalan mo muna ako bago kita sasagutin at tatawagan ko pa si kuya para sabihin sa kanya na gising ka na!”
“Okay. You don’t need to raise your voice. Hindi naman ako bingi, eh,” walang emosyon na sabi niya.
Muntik na akong malaglag sa kama nang bitawan niya nga ako. Mabuti na lamang ay nahila niya ulit ako. Sumubsob nga lang ako sa matigas niyang dibdib. Amoy na amoy ko tuloy ang natural scent niya. Ang alam ko ay tatlong buwan na siyang hindi naliligo.
Tanging ginawa ko lang ay pinupunasan siya ng maligamgam na tubig at ginagamit ko rin ang perfume ni Kuya Hart. Pero hindi na rin yata iyon kailangan pa dahil mabango naman na siya.
“Ang cellphone ko?” tanong ko dahil hindi ko mahanap ang phone ko. Napaigik ako sa sakit dahil basta na lamang niyang idinikit iyon sa noo ko. “Ouch!”
“Psh, malapit na sa kamay mo ay hindi mo pa makita? Are you blind?” Dumulas sa kamay ko ang phone ko nang sabihin niya iyon sa akin.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko naman sinasadya na hindi ko iyon makita kasi wala naman talaga akong makita pa. Pero noong sinabi niya iyon sa akin ay parang nasaktan ako.
Wala naman na kasing nagsasabi sa akin na kung bulag ba ako? Dahil ni minsan ay hindi pinaramdam sa akin nina Kuya Hart at Ate Zedian na wala na nga akong silbi dahil isa akong bulag.
“S-Sorry!” sambit ko dahil parang kasalanan ko ang hindi ako makakita.
“Shìt, did you just cry?!” pagalit na sigaw niya at nang sinubukan kong lumayo sa kanya para lumabas na rin talaga ay muli niyang hinila ang aking pulso. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at pinagduldulan ang ulo ko sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako. “Nasaktan ka ba dahil sa phone mo? Tingnan ko nga kung may pasa iyan o pamumula,” sabi niya na ikinahinto ko.
Kasi bakit yata biglang nagbago ang mood niya? Parang kanina lang na mukhang may galit siya kasi malamig ang boses niya at may bahid na inis ay parang naging isa akong bata na umiiyak. Na inaalo ng kanyang ama.
“S-Sandali, hindi na naman ako makahinga, eh,” reklamo ko. Masuyong hinaplos pa niya ang noo ko bago niya ako pinakawalan. “Ang phone,” ani ko at bumaba ulit ako mula sa kama para kunin iyon sa sahig.
Umupo rin ako sa puwesto ko kanina. Hindi ako umalis kahit hindi na ako mapakali pa. Titig na titig na naman kasi siya. Tinawagan ko ang kuya ko na gising na ang pasyente niya. Nahulog ito kanina pero maayos naman na siya.
“What’s your name?” mahinahon na tanong niya.
“Uhm...” Kinakabahan ako kapag kaharap ko na siya at kinakausap. Kaya parang nahihiya akong magsalita.
“Hi, uhm...” Nagsalubong ang kilay ko.
“Hindi naman iyon ang pangalan ko. Ako si Donna Jean,” sambit ko at ngumuso pa ako.
“Donna Jean... Ano’ng nangyari sa akin?” seryosong tanong niya. Napahawak ako sa daliri ko.
“Puwede bang...hintayin na lamang natin ang kuya ko?”
“Bakit?”
“Basta,” tipid na sagot ko lamang.
“How old are you?”
“Bakit... Bakit ka nagtatanong tungkol sa akin?” tanong ko na punong-puno ng kuryusidad sa boses.
“Basta rin,” sagot niya at mariin ko na lamang naitikom ang bibig ko. Gaya-gaya, psh.