CHAPTER 15

2832 คำ
Chapter 15: Manliligaw “MAY pitong taon ka ng ganyan? 7 years na wala kang nakikita?” gulat na tanong sa akin ni Miko nang magtanong siya sa akin kung kailan pa ba ako nabulag at hindi na ako nahiya pa or natakot sa mga naging trauma ko. “Yup,” I simple replied. Nasa kusina kami at naghahanda lang kami ng meryenda naming dalawa. Hinayaan niya ako na gumawa ng sandwich. Alam ko naman ang mga pinaglalagyan ng mga ito pero tumulong pa rin siya. Pinainit ko lang ang beef kanina para iyon ang maging palaman namin. Namamangha pa nga siya dahil walang kahirap-hirap kong nagagawa iyon. “Bakit hindi ka naoperahan agad?” “Naoperahan na ako, pero hindi pa rin nagiging successful. Dalawang beses na nga pero sayang lang ang mga matang na-donate sa eye-transplant ko pero hindi rin naman ako nakakakita pa. Nang pahintuin na rin ako ng doctor na huwag munang magpa-opera para maging healthy ulit ang kondisyon ko ay napunta lang ako sa huling waiting list ng hospital,” mahabang paliwanag ko pa. “What if sa ibang bansa ka magpapaopera, Jean?” suggestion niya ngunit umiling ako. “Kailangan kong magpa-check up ulit bago ako operahan pero sa ngayon. Nag-iipon pa kami ni kuya ng pera,” sabi ko at inilapit ko na sa kanya ang dalawang piraso ng sandwich. “Sa dami ng palayan at niyog ninyo? Wala kayong naitatabi na malaking pera?” “Hindi lang naman kami ni Kuya Hart ang nakikinabang niyan, eh. May mga tauhan kami. Iilan lang ang napupunta sa amin,” paliwanag ko. “Kapag ayos na ang lahat. Sumama ka sa akin sa Manila, Jean. Ako ang magpapaopera sa ’yo,” seryosong sabi niya. Para lang lumambot ang puso ko. Hindi niya kami kaano-ano, naging savior niya lang pero sobra na iyong gagawin niya para sa akin kung nagkataon iyon. “Bakit? Marami ka bang pera para sa eye-transplant ko? Kaya mo akong gawin na first priority sa hospital?” pabirong tanong ko pa na sinasakyan din ang kanyang sanabi. “Two years pa lang ako sa trabaho ko. May mamanahin din ako kay Grandpa at may shares ako sa kompanya ni Kuya Markus. Kapag kulang ang perang inipon ko ay marami naman akong mauutangan.” Mahinang natawa ako sa kanya. “Talaga? Utang? Handa kang mangutang para sa akin?” “Aba, oo. Ibebenta ko pa ang shares ko sa kompanya. May pinapatayo na rin ako na sarili kong business.” “Tumigil ka, Miko. Dapat ang pagtuunan mo muna ng atensyon ngayon ay physical therapy mo. Bago ang lahat. Pagkatapos ay ang mga taong gusto kang saktan. Iyon ang alamin mo. Huwag mo akong alalahanin. Sige na, kumain ka na.” Limang piraso ng sandwich ang nagawa ko at may orange juice pa kami. Kumagat ako sa sandwich at ngumuya. Muntik na akong mabulunan nang hawakan ni Miko ang kamay ko na nakapatong sa island counter. “Ayaw mong sumama sa akin?” “Bakit naman ako sasama sa ’yo, Miko? Kumain ka na nga lang diyan. Ang dami mong sinasabi, eh.” “Ayaw mo talagang sumama sa akin?” pamimilit niya at hinigpitan niya ang paghawak sa kaliwang kamay ko. “Miko. Bakit nga ba ako sasama sa ’yo? Nakatira ako sa Pangasinan at hindi roon sa Manila.” “Wala kang balak na tumira roon?” Napanguso na lamang ako. “Ang kulit mo, ha. Nandito ang buhay ko, Miko. Nandito si Kuya. Si Ate Zedian,” ani ko sa kanya. “Jean.” “Oh?” tugon ko. “Ang sarap ng sandwich mo. Mauubos ko yata ang dalawa o baka tatlo pa.” “Sige lang, kung gusto mo pa ay puwede naman kitang ipaghanda ulit,” nakangiting sabi ko. “Salamat, Donna Jean.” Nag-thumbs up lang ako sa kanya pero napansin ko na hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. “Miko, ang kamay ko. Namamawis na.” “Kahahawak ko lang sa kamay mo, Miss. Ano’ng namamawis na?” “Eh, bitiwan mo na kaya ako. Isusumbong kita kay Kuya Hart.” “Tss, parang bata. Sige magsumbong ka. Hahalikan ulit kita.” “Hindi ka na talaga nakatutuwa pa, Miko. Nag-t-take advantage ka lang sa akin,” nakasimangot na sabi ko. “Oy, hindi, ah,” mabilis na depensa niya. “Bakit ka nga pala takot sa mga aso?” “Ang kulit mo. Huwag mo na akong tanungin pa. Ayokong maalala ’yon, eh.” “Please, Jean...” “Ayaw ko nga. Huwag kang makulit diyan.” “Fine! Itatanong ko na lamang ang kuya mo.” “Bahala ka.” *** Simula nga ng malaman ni Miko ang kalagayan ko ay palagi na lang siyang nakadikit sa akin. Tapos kung aakyat ako sa hagdanan ay nakasunod agad siya kahit na nakasaklay pa nga siya. Kung tutuusin ay siya ang dapat kong alalayan. “Miko naman. Kapag ikaw ang nahulog sa hagdanan ay hindi kita matutulungan! Sige ka! Madadagdagan ang pilay mo!” I warned him. “Hayaan mo na ako dahil kapag ikaw ang mahuhulog ay parang nahulog na rin ako.” I let out a deep breath. “Ewan ko talaga sa ’yo!” Noong kumain kami ng hapunan namin kasama si Ate Zedian dahil siya naman ang nagluto ay tahimik pa siyang nagmamasid. Ramdam ko na iyon ang ginagawa niya kanina pa. “Parang may kakaiba sa inyong dalawa, ah.” Finally ay nagsalita na siya. “Ano naman po, Ate Zedian?” inosenteng tanong ko pa. Since wala naman talaga akong idea sa napapansin niyang kakaiba sa amin ni Miko. “Tumawag kanina sa akin si Hart. Sinabi niya ang nangyari sa hospital kanina. Okay ka lang ba, Jean?” Tumango ako dahil wala na iyon sa akin. “Wala lang po iyon sa akin, Ate Zed,” sagot ko. “May binili ka raw kaya nagkagulo?” “Ako ang nag-utos sa kanya na bumili ng maiinom,” sabat ni Miko. “Ha? Bakit mo naman siya inutusan? Alam mo naman na wala siyang nakikita?” “Exactly. Wala siyang nakikita pero wala man lang akong kaalam-alam. Hindi ninyo kasi sinabi sa akin ang tungkol sa kalagayan niya.” “You mean? Wala kang alam tungkol kay Jean? A-Akala ko pa naman... God...” “Tss.” Halatang nainis nga si Miko. “Kung ano-ano pa naman ang sinabi ko sa kanya,” sabi pa niya. “Uhm, sorry. Akala namin kasi ni Hart ay napansin mo na ang bawat kilos ni Jean. H-Hindi pa pala.” “Hindi nga halata.” Napatungo ako nang maramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. “Sorry talaga. Kaya naman pala parang aso’t pusa kayong dalawa. Ngayon ay alam mo na ang totoo kaya tigilan mo na rin ang asarin siya.” “Ikuwento mo sa akin ang nangyari sa kanya kung bakit siya takot sa aso.” “Hmm, wala ako sa posisyon para ikuwento iyon sa ’yo,” tanggi ni Ate Zedian. “Ang dadamot ninyo naman. Sigurado ako na pati na si Daizo Hart. Isa pang madamot,” naiinis na sabi niya. Naiiling na lamang ako sa kanya. Buwan pa ang lumipas saka naka-recover si Miko. Ang kaso lang ay pinag-iingat pa siya ng doctor niya na maglakad sa malayo dahil hindi raw puwedeng pagurin ang binti niya. Posibleng sasakit pa raw ito. May pagbabago man sa relasyon—I mean hindi literal na relationship na romantic. Iyong turingan namin sa isa’t isa ay may nagbago pero siya pa rin ang Miko na una kong nakilala. Pilyo at joker pero hindi na siya nang-uutos pa sa akin. Naiwan kami sa bahay namin nang araw na iyon dahil narinig ko na lumabas ang dalawa at sila na pala, meaning may relationship na sila. Kung hindi ko pala sila tinakot ay baka hindi pa sila magkaaminan sa isa’t isa. “Jean. Ikaw ba talaga ang gumuhit sa akin?” tanong niya habang nasa harden kami. Nagdidilig ako ng mga halaman namin. Ipinakita ko kasi iyon kung tama ba ang pagkaguhit ko sa face niya. “Doctor si Kuya, mahusay lang siya sa operasyon, at si Ate Zedian naman ay writer siya. So, sino ang inaasahan mo na guguhit sa pagmumukha mo?” balik na tanong ko. “Pagmumukha talaga? Parang hindi kasi ikaw.” Nabigla na lamang ako nang agawin niya sa akin ang host tapos ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko. “Look at me.” “Eh, ano ba, Miko? Wala nga akong nakikita,” ani ko at pilit kong iniiwas ang mukha ko pero pinipihit pa rin niya ako na harapin siya. “Miko. Haist ang kulit-kulit mo talaga!” ani ko at mariin kong pinisil ang magkabilang pisngi niya. “See? Alam mo kung saan dadapo iyang kamay mo,” sabi niya at napapikit ako nang lumapit ang mukha niya sa akin. “Miko.” “Pumikit ka kahit noong lumapit ang mukha ko sa ’yo.” “Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Bulag nga ako. Miko!” naiiritang sigaw ko sa kanya dahil bigla na lamang niyang hinalikan ang labi ko na may tunog pa. “Jean.” “Ano?!” Napahalakhak siya nang tumugon ako sa kanya nang pasigaw. “Puwede ba kitang ligawan?” Mabuti na lamang ay hindi ako slow. “Hindi puwede,” mabilis na sagot ko at hinanap ko ang host. “Why? Don’t tell me may boyfriend ka?! Sino iyon?! Isa ba sa listeners mo?!” I slid my finger sa loob ng tainga ko dahil nanakit iyon sa kasisigaw niya. “Miko, kung balak mong manligaw sa isang babae ay hindi sa akin. Humanap ka ng babaeng kaya mong ipagmalaki at hindi mo siya ikahihiya,” ani ko at nanlaki ang mga mata ko nang itapat niya sa akin ang host. Nabasa tuloy ako ng tubig. “Miko, isa!” “Ikaw ang gusto ko, eh,” sabi niya at tumigil na rin siya sa ginagawa niya pero hinapit na naman niya ako sa baywang ko. Sinapo pa niya ang pisngi ko at napapikit ako sa mainit na hatid ng palad niya. “M-Miko, what are you doing?” kinakabahan na tanong ko at nautal nga rin ako. Pinaglalaruan niya kasi ang butones ng suot kong blouse. “Gusto kita.” “Parang kailan lang noong nagkakilala lang tayo, ah,” sabi ko at napapikit ulit ako ng dumapo ang mainit at malambot niyang labi sa pisngi ko. “Eh, basta gusto kita,” pag-uulit niya pero ang isang kamay niya ay nagsimula nang pumisil sa baywang ko. “Sabi mo... manliligaw ka pa lang pero may physical touch ka na... Miko...” Napakapit na ako sa dalawang braso niya nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. Malambing at may suyo ang paraan nang paghalik niya. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko at ang lakas na ng kabog sa dibdib ko. “Yeah? Para mapilit kita...” sabi niya at kinapos agad ako nang hininga dahil gumuhit ng pabilog ang isang daliri niya sa gitna ng leeg ko tapos dumausdos iyon pababa. “O-Oo na. Oo na, Miko. Tigilan mo na iyan...” Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ko kasi kaya ang sensasyon na iyon. Nanginginig ako sa kaba. Hinalikan na niya ako sa noo at niyakap ako nang mahigpit. “Hindi ko alam kung saan nagsimula ito, Jean. Basta ang gusto ko ay ligawan ka. Hindi ito dahil nag-t-take advantage ako sa ’yo kasi marami akong puwede gawin sa ’yo tapos ikaw ay walang takas at wala ka ring nakikita na kahit na ano. Basta gusto kong alagaan ka at protektahan,” seryosong sabi niya. “Pero...huwag na muna nating sabihin ito kay Kuya, ha? Baka kasi palayasin ka niya. Wala kang mapupuntahan kapag ganoon,” sabi ko at pinakinggan ko ang heartbeat niya. Parang iyong heart ko rin sa bilis ng t***k nito. “Okay. Saka na natin sasabihin kapag sinagot mo na ako.” Namanhid ang batok ko at parang hinipan ako ng hangin. “Ang bilis mo, ha.” “Siyempre naman. Hindi mo pa nga ako sinasagot ay gusto na kitang bakuran.” “Ano naman ang ibig mong sabihin?” Nagulat na naman ako nang binuhat niya ako at ibinaba sa table. “Ano ka ba?! Ang binti mo.” “Puwede ba akong mag-advance kiss? Don’t worry, ibabalik ko naman iyon sa ’yo.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Ha?!” “Ha?” At ginawa pa niya ako. “H-Hoy...” nauutal na sabi ko dahil pumuwesto pa siya sa gitna ng mga hita ko. “Hoy.” Mariin akong napapikit. “Ang kulit mo.” “Ang kulit mo.” Nang hampasin ko siya sa balikat niya ay malakas na tumawa na naman siya. Maya’t maya kung halikan ako ni Miko. Take note, nanliligaw pa lamang siya sa akin pero kung maka-kiss na siya ay parang kami na at boyfriend ko na siya. Wala nga akong nagagawa kapag pinapahinto niya ako basta isa lang ang napagtanto ko sa ugali niya. Mahilig siya sa kiss. “T-Tama na... Kanina ka pa...” humihingal na suway ko sa kanya. Nasa studio kami at lumapit lang siya sa akin para lang humalik ulit. “Jean...” Pinagdikit niya ang aming noo. “Ano?” “Ang hirap magpigil.” “Alin? Ano ang mahirap na pigilan?” nagtatakang tanong ko. “Ang halikan ka nang paulit-ulit,” sabi niya at pinagkiskis niya ang mga labi namin. Nakita ko na lamang ang sarili ko na hinahalikan na naman ako ng manliligaw ko. Dalawang linggo pa ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasagot si Miko. Paano ko kasi siya sasagutin, eh panay ang kiss niya sa akin? Namanhid nga ang mga labi ko nang halos hindi na niya ako pakawalan pa. Until one day ay nag-announce si Kuya ng wedding day nila ni Ate Zedian. Na-surprise man ako ay masaya naman pala talaga ang malaman na ikakasal na sila. Simpleng kasal lang naman iyon at ayaw nila ng enggrande. Na isa pa hindi rin puwedeng lumabas si Miko. Hindi pa namin tiyak ang kaligtasan niya pero palagi siyang nagkukuwento tungkol sa nakababatang kapatid niya. Alam niya raw na baka sobra itong nasaktan ng nawala siya. Siya pa naman daw ang inaasahan nito. Hawak ni Miko ang kamay ko habang naglalakad kami sa harden. Pinipitas niya ang bulaklak na binibigay sa akin. Minsan sinuway ko siya pero nalaman ko na lamang kay Ate Zed na tumutulong daw ito sa kanya. Kaya hinayaan ko na lamang siya. “Jean.” “Hmm?” “Paano kung may aso tayong masalubong?” bigla ay tanong niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Napansin niya iyon kaya pinisil niya ang aking palad. “Nasa harden tayo. Unless dinala mo ako sa labas, Miko,” mariin na sabi ko. Naramdaman ko ang pagtango niya. “Ganoon na nga,” sabi niya kaya kumapit na ako sa braso niya. “Miko, bumalik na tayo sa bahay!” “Ayaw ko nga. May aso tayo sa daraanan natin. Aw, aw!” Napaigtad ako sa sigaw niya kaya hinampas ko ang braso niya. “A-Ang tunog ng aso ay hindi aw aw. Arf, arf iyon, eh,” pagtatama ko sa kanya. “At ginawa mo lang sosyal na pakinggan. Sige, arf arf!” “Miko!” “I was just kidding! Nasa bahay pa tayo,” natatawang sabi niya at mariin na hinalikan ang sentido ko. Kasabay na naamoy ko ang mahalimuyak na bulaklak, ang tulips. Kinuha ko iyon at napangiti pa ako. “Thank you. Kahit na minsan ay nakaiinis ka.” “Jean. Kaya mo ba akong sundan?” “Sundan? Bakit? Aalis ka na ba?” Nang binitawan niya ang kamay ko ay nakaramdam naman ako ng kaba at takot sa dibdib ko. “Miko?” tawag ko sa kanya at pilit ko siyang inaabot. “Jean...” “Nasaan ka ba? Bakit ka lumalayo?” nag-aalala kong tanong. “Jean...” “Bakit ba tawag ka nang tawag sa akin?” Nang maramdaman ko na siya ay hinanap ko pa ang kamay niya. Hinawakan naman niya iyon at hinalikan ang likod ng palad ko. “I like you, Donna Jean.” Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. “Siguro may lahi kang mangkukulam, ano? Ginayuma mo ako, Jean.” “Mukha ba akong mangkukulam?” tanong ko at nakasimangot na naman ang mukha ko. “Sa ganda mong iyan ay oo naniniwala na ako puro magaganda ang mga mangkukulam.” “Bola. Walang ganoon sa atin, Miko. Ano ka ba?” ani ko. “Jean?” “Ano na naman ba? Jean-Jean ka riyan!” “Donna?” “Oh?!” He chuckled again and he rested his chin on my shoulder. “Will you be my girlfriend, Donna Jean?”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม