Chapter 2 - Ang Sikreto ni Clement Dadonza

1925 คำ
Chapter 2 - Ang sikreto ni Clement Dadonza Kalina’s POV Hindi lang ang pamilya namin ang may mga tinataglay na kakaibang kapangyarihan. Marami kaming nasa iba’t ibang panig ng mundo. Kinuwento sa akin ni mama na sa aming pamilya ay may isang uusbong na may pinakamalakas na kapangyarihan. Iyon daw ang hinihintay nila na hindi nangyari kay Kuya Eldridge. Nadismaya sila na pangkaraniwan lang ang natanggap ni kuya, kaya naman inaasahan nila na ako na raw ang makakuha ng super magic na ibibigay ng aking puno. Kundi naman daw sa akin ay baka kay Ayana o Guzman. Nalaman ko rin na ang mga nararanasan ko noon sa dorm ko ay dahilan pala na malapit na akong magdalaga at malapit na akong maging isang ganap na makapangyarihang nilalang. Ang pagpapalit ng kulay ng dugo, mata at buhok ko ay ang mga senyales niyon. Kaya rin pala ako nagtatakaw sa mga prutas at gulay ay para rin mag-imbak na ng lakas ang katawan ko dahil sa mga susunod na araw ay grabe ang pagdadaanan ng katawan ko. Nawala na ang takot ko na ang buong akala ko'y may malubha na pala akong sakit. Napalitan na 'yun ng saya at pananabik.  Nag-aayos ako ng mga gamit ko rito sa kwarto ko nang pumasok si Mama. “Sa ikalabing walo ng edad mo ay lalabas ang isang kakaibang pawis o luha sa katawan mo, pagpatak niyon sa lupa ay magiging isang malaking buto ito na siyang magiging puno mo habang-buhay. Marami kang pagdadaanan para makamit ang ‘yong kapangyarihan. Hirap at pagod ang dadanasin mo, anak,” mahabang kuwento ni mama kaya namangha na naman ako. Pero siyempre, natakot din ako. “Para akong nasa isang movie ng pantasya. Hindi ko lubos maisip na may totoo pala sa mundong ito na nagtataglay ng mga totoong kapangyarihan at ang pamilya pa natin ‘yon,” sagot ko kay mama na kinangiti naman niya. Umupo siya sa tabi ko. “Ganyan din ako noong nagdadalaga ako at matuklasan ko ang kakayahan ng pamilya namin,” sagot niya. Kinuwento rin ni mama ang mga naging kapangyarihan nina lolo, lola, tita at tito ko. Lahat sila ay namangha ako sa mga naging kapangyarihan nila. Matapos magkwento ni mama ay lumabas na kami sa kwarto ko dahil nakahanda na raw ang tanghalian. Masaya kaming nagsalu-salo. Habang kumakain ay patuloy pa rin silang nagkukuwento tungkol sa aming pamilya. Pagsapit ng hapon ay inasikaso na nila mama at papa ang mga papel sa bago naming magiging school dito. Para bukas daw ay makapasok na kami at makahabol sa mga kailangan naming habulin sa school namin. At dahil wala sila, naisipan kong libutin ang Chestara para naman makibasado ko na ang bawat sulok ng lugar na ito. Binaybay ko ang daan na puro mga d**o, halaman at mga bulaklak lang ang nakikita ko. Malayo na ako sa mansyon namin. Naglalakad ako nang makakita ako ng malaking puno. Sa ginta ng katahimikan ay bigla akong nakadinig ng buma-baswit. Natakot ako dahil bukod sa mag-isa lang ako ay baka isang mabangis na hayop ‘yun kaya minasid kong mabuti ang buong paligid. “Bago ka lang dito?” Nagulat ako nang biglang bumagsak sa isang malaking puno ang isang lalaki at napunta ‘yon sa harap ko kaya’t napasigaw ako bigla. “Buwisit ka! Papatayin mo ako ba sa takot?!” inis kong bulyaw sa kaniya kaya natawa naman siya. “Kalma, ako lang ito,” pambubuska pa niya kaya lalo akong nainis. “Sino ka ba at nandito ka sa lugar na walang masyadong tao?” tanong ko. “Iyon nga ang dahilan kung bakit nandito ako. Ayoko ng maraming tao. Ayoko ng maingay. Nandito ako para mapag-isa. Nakakasawa kaya ang pagkaguluhan ka ng mga kababaihan,” saad niya na medyo kinangisi ko. Pero impyrenes, guwapo nga siya. Kung tutuusin ay kapag pumasok siya sa dati kong school ay nakatitiyak akong siya ang pinakaguwapo. “Bakit ka naman pagkakaguluhan? Artista ka ba rito?” tanong ko habang natatawa ako sa kaniya. “Bago ka nga lang siguro rito,” nakangisi rin niyang sabi. “Hindi mo ba ako kilala? Ako si Clement Dadonza,” aniya na kinanganga ko. Sino ba siya sa akala niya? Ni hindi nga siya nababanggit nila papa, mama o ni Kuya Eldridge, e. “Bakit? Anong mayroon sa iyo? Ikaw ba ang pangulo rito sa bayan ng Chestara?” tanong ko pa. Naiirita ako sa lalaking ito. Porket gwapo e, akala mo na kung sino. “Manuod ka!” Ngumisi siya sa akin. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Pagkumpas ng kamay niya ay biglang tumaas ang puno na kanina ay d**o lang. Napaatras ako tuloy bigla. A-ano ito? May kapangyarihan din ba siya? “Anong klaseng tao ka? Bakit may magic ka?!” tanong ko habang nanlalaki ang mga mata ko. “T-teka, hindi ka manlang ba natakot sa ginawa ko?” pagtataka pa niyang tanong. “H-hindi. Hindi ka naman pangit at hindi mo naman ako sinaktan, kaya’t bakit naman ako matatakot sa iyo?” Nawala ang mapanura niyang mukha. Sumiryoso bigla ang mukha niya. “Isa akong mangkukulam,” pauna niyang sabi. “Poging mangkukulam,” pandidiin pa niya sabay pa-cute. Nakuha pa niyang magpatawa. “Mangkukulam ang pamilya ko. Pero hindi kami mga bad witch na kagaya ng sa mga movie. Mababait kami at puro tungkol sa mga plants ang magic namin. Sa totoo lang, kaya ko ipinakita sa iyo ang kapangyarihan ko ay para takutin ka. Hindi ko naman inaakalang mamangha ka pa sa ginawa ko.” Totoo naman ang sinabi niya. Namangha talaga ako sa ginawa niya. Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya ang tungkol naman sa amin ay sinabi ko na. Kaya lang nangako kami sa isa't isa na wala dapat makaalam ng sikreto naming buong pamilya. “Marami na bang nakakaalam niyan?” tanong ko pa. Gusto kong malaman. Ang daya kasi. Bakit sa pamilya nila ay okay lang na ipagkalat niya ang tungkol sa kanila. Hindi ba sila natatakot na pagkaguluhan sila ng mga tao? “Actually, wala. Sinabi ko lang sa iyo para layuan mo ako, pero once na binura ko na sa isip mo ang sinabi ko at pinakita sa iyo ay makakalimutan mo na ang lahat nang nangyari ngayon. Ganoon ang gagawin ko mamaya, kaya ngayon pa lang ay i-enjoy mo na ang moment na nakausap mo ako dahil mamaya ay hindi mo na ako maalala at ni pangalan ko ay di mo na rin matatandaan,” aniya na kinatawa ko. Totoo kaya ‘yun? Pero impyernes, kakaiba ang mga magic niya. “Ang galing naman! Sana magkaroon din ako ng ganiyang mga magic,” saad ko sa kanya kaya natawa naman siya. “Sige na, masyado ka ng maingay! Oras na para kalimutan mo na ang lahat ng nakita mo.” Tinutok niya ang isang malaking dahon sa mukha ko at mayamaya ay umilaw iyon ng kulay pula. Nakaramdam ako ng hilo at mayamaya ay unti-unti na akong nawalan ng malay-tao. Nabuwal ako at naramdaman ko naman na sinalo niya ako. Pagdilat ng mata ko ay siya pa rin ang nakita ko. “Okay ka lang ba miss?” tanong niya na kinabigla ko. Dahan-dahan akong tumayo. Pero, teka, sabi niya ay makakalimutan ko ang lahat nang nangyari? Bakit sariwa pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari at sinabi niya?  At dahil natatawa ako ay pinalabas ko na lang sa kaniya na nalimutan ko ang lahat. Sumakay na lang ako sa trip niya. “Anong nangyari? Sino ka? Bakit ako nandito?” Wow lang! Pang best actress ang acting-an ko. Palihim tuloy akong natatawa sa kaniya. “Mukhang okay ka naman na ata, aalis na ako. Mag-iingat ka na lang, miss,” aniya at nilayasan na nga niya ako ng tuluyan. “Nice to meet you, Clement Dadonza. Masaya ako na hindi tumalab ang kapangyarihan mong burahin ang alala ko sa iyo. Ngayon, alam ko na ang sikreto mo,” bulong ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin. Pag-uwi ko sa mansyon namin ay tumuloy ako sa hardin namin. Pinagmasdan ko ang mga puno nila mama, papa at Kuya Eldridge. Nasasabik na talaga ako sa magiging puno ko. Sana lang ay bumilis na ang araw para birthday ko na ngayon. Hindi na talaga ako makapaghintay. “Sana ikaw na ang magtaglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa pamilya natin.” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kuya Eldridge. “Ganyan din ang inaasahan nila mama at papa,” sagot ko sa kanya. Tumabi siya sa kinauupuan ko. “Pero may dapat kang malaman,” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. “Ano ‘yun?” tanong ko. Medyo kinabahan din kasi ako. “Bawal na bawal ka munang ma-in-love sa kahit na kaninong lalaki,” saad niya na kinagulat ko lalo. Bakit naman niya nasabi ‘yun? Mukha bang nagjojowa ako? Hindi ata alam ni kuya na no-boyfriend-since-birth ako. “Ha? Bakit naman po?” Kahit alam ko namang hindi ako magbo-boyfriend ay nagtanong pa rin ako para may alam pa rin ako. “Dahil mawawala sa iyo ang kapangyarihan mo. Hindi lalabas ang puno mo at kailanman ay hindi ka magiging kagaya namin,” sagot ni kuya na kinatakot ko. Pero safe ako naman dahil wala pa naman akong iniibig. Kahit doon sa dati kong school ay pinipilahan ako ng mga manliligaw ko, pero, kina-cancel ko lang silang lahat. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay sagabal lang sa buhay ko ang mga lalaki na ‘yan. Sasaktan at sasaktan lang nila ako kaya mabuti nang sa una pa lang ay iwasan ko na sila. “Dont worry, kuya, safe na safe ako riyan. Sanay na akong tumanggi sa mga lalaki. Actually, ayoko sa mga lalaking nanliligaw sa akin. Wala akong panahon para sa kanila. Saka, ayoko ngang mawalan ako ng kapangyarihan. Ang cool kaya niyon kaya hindi ako papayag na dahil lang sa lalaki ay mawawalan ako ng puno at kapangyarihan.” “Tama! Layuan mo sila. Ikaw si Kalina Flower. Ikaw ang pinakamalakas sa pamilya natin na bibigyan ng kapangyarihan ng puno mo. Ipagmalaki mo na isa kang Flower!” Matigas niyang sabi. “Tama! Pero sana ako na nga ang isa sa pamilya natin ang magtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan. Mas astig siguro 'yun kapag ako na ang the one.” “Kapag nangyari ‘yun ay malaki ang pag-asa natin na mabawi natin sa mga black witch sina lola at lolo. Para mabuhay at makasama na ulit natin sila,” ani kuya na kinagulat ko. Napatayo tuloy ako bigla. “Ibig sabihin ay hindi pa sila patay?” “Oo, tinago namin ito sainyo para hindi kayo masyadong magtanong. Para rin sa ikakaligtas ng sikreto natin. Alam kasi namin na kapag bata ay hindi maiiwasan na dumaldal. Iyon na nga ang nangyari kay Guzman. Pinakita ko sa kanya ang kapangyarihan ko at hindi ko naman inaasahan na madudulas siyang sabihin ‘yun sainyo.” Tinawag si Kuya Eldridge ni Ayana kaya natigil ang pag-uusap namin. Naiwan tuloy akong tulala dito sa hardin namin. Ngayon, alam ko na kung bakit hinahangad nila mama at papa na sana ako na ang magtaglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa pamilya namin. ‘Yun pala ay para mailigtas na namin sina lola at lolo. Hindi pa man lumalabas ang puno at kapangyarihan ko ay kinakabahan na ako. Marami pa tuloy akong tanong sa kanila. Tulad ng saan naroroon ang mga taong may black magic? At saan nila dinala ang lola at lolo ko?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม