NAPAHINTO ANG ILAN noong binuhat ko sa balikat si Sebastian. "Yun oh!" They all chuckled in glee. Nang-aasar. "Oh, saan kayo pupunta?" Halatang nang-aasar ang boses ng matatandang lalaki. I smiled on them. "Lasing na po kasi si Sebastian..." "Hoy aba, tigilan niyo nga si Cara! Kayo... masyado niyong inaasar ang bata!" Suway ng isang babae. "Hoy! Sinong may sabi na inaasar namin siya? Ang bait nga namin sa batang iyan!" He said. "Mabait? Naku, tantanan niyo at matutulog sila doon sa kubo!" "Aguy, matutulog nga lang ba!?" After that, nagtulanan ang mga lalaki at tumawa. Iyong mga babae ay natawa din dahil sa gulo nila. "Hoy! Pwede mo naman sila paghiwalayin ng kubo!" Komento noong isa pa, nang-aasar. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Magkahiwalay!? Ayoko! "Aba'y bakit naman

