Chapter 64: Attack on the Dead Valley

1893 คำ

"Paano nangyaring naaalala mo na ang lahat?" tanong ni Lalahon kay Juan Carlos. Nasa terrace na kami ngayon ng kwartong tinutuluyan ko. "Hindi ko natitiyak," sagot ni Juan Carlos na nakaupo sa metal na upuan sa tabi ko. "Basta nang hawakan ako ni Allysandra parang hinampas ako ng malakas na hangin. It was like a surge. It happened so fast." "Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay na nagsasalita ka ng wikang banyaga." Tinaasan siya ni Lalahon ng kilay kasabay ng pilyang ngiti. Mahinang tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya. Her red highlights looked so nice on her fair skinckaya hindi ko maiwasang hindi pansinin. Napakamot si JC sa ulo at sumilay sa mukha ang ngiti. "Ewan ko. Sanayin mo na lang siguro ang sarili mo," pilyo nitong tugon. "Hindi ko pa rin maintindihan,"

อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม