Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Wala akong makita. Masiyadong madilim kaya wala akong maaninag. Pinilit kong bumangon. Namamanhid ang katawan ko at hindi ako halos makagalaw. I felt cold and the ground where I was lying felt cold and icy. Nasaan ba ako? Paano ako napunta rito?
I tried to reminisce what happened. Nahuli kami ni Maguayen sa pamamagitan ng mga ugat na nagsulpotan mula sa sahig ng palasyo. Ang natatandaan ko lang, nais na kaming patayin ni Dalikamata pero pinigilan siya ng ina niya. Pagkatapos hinuli at ginapos kami ng mga LiGwardiya at pinaghiwalay kami ni Juan Carlos. At pagkatapos no'n, wala na akong matandaan. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.
Nang makapag-adjust ang mata ko dilim, saka ko lang napagtanto kung nasaan ako. Nakakulong ako sa isang selda. Nakagapos ang mga kamay at paa ko. May sugat din ako sa balikat na ngayon ay humahapdi na. Pero bakit ako mag-isa? Nasaan si Juan Carlos? Only the eerie silence and droplets of water from the ceiling accompanied me.
I tried to remove my manacles binding my hands and feet but they just grew hotter and tighter everytime I try to resist. Napaiyak ako ng mahina. Does this mean that it's over? That we failed? Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat?
A part of me wants to say yes. That this is just how my life would end. I would die here in this called cell or they could have me executed by sunrise. Kahit ano pa gawin nila, isa lang din ang bagsak no'n. Mamamatay ako.
But still, the other part of me still wants to fight. I'm still thinking that this isn't over yet. Hindi ko na alam kung saan ko nakukuha ang maging matatag at maging optimistic lalo na sa ganitong sitwasyon. I just hope Juan Carlos is okay. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama. But I'm locked up in this metal cage and I'm not going anywhere.
"Ally..." a voice whispered in my head.
Agad akong napatuwid ng upo at nagpalinga-linga. Saan galing 'yon? The voice was familiar.
"Ally...n-naririnig mo ba ako?"said the voice.
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Someone was talking to me in my head. Nakaramdam ako ng takot. Only Dalikamata can control the mind. It is her trying to communicate with me? Is she going to kill me by taking over my brain? Pero hindi eh. The voice sounded masculine like that of a male.
"A-Ally ako 'to..." His voice was faint and weak it's making me hard to recognize who it belonged to. But I'm pretty sure I know who it could be. "Si Juan Carlos 'to. Naririnig mo ba ako?"
I closed my eyes and tried to listen harder. I concentrated on the voice. He sounds so much like...
"Oh my goodness Carlos ikaw ba yan? N-nasaan ka?" I called out to him in my head. Oh gosh, he was alive! Right! He can communicate to me telephatically. Ginawa niya na 'yon dati. I didn't knew that this was actually possible back then but he did.
"H-hindi ko alam. P-pero wala na tayong masiyadong oras" he replied. "Nasaan ka?"
"Hindi ko rin alam" sagot ko. "Basta nasa loob ako ng selda. Parang isang kulungan. Madilim rito at wala akong masiyadong makita. C-Carlos okay ka lang naman 'di ba?" I was already freaking out in my head. Hindi ko alam basta natatakot ako.
"Ilang oras na lang bago ang bukang liwayway. Sigurado akong hahatolan ako ni ina ng kamatayan at hindi ko na maaaring pigilan pa 'yon."
"Carlos hindi! Hindi mangyayari 'yan! Makakaalis tayo dito! Gagawa tayo ng paraan."
"Wala ng ibang paraan! Makinig kang mabuti Allysandra. Alam ko ng mangyayari 'to. Matagal ko ng alam na hahantong sa ganito pero pinilit kong dayain ang tadhana." His voice was so full of pain that I couldn't even bear it. I started crying.
"Shhhh. 'Wag kang umiyak. Makinig ka, may darating na tulong."
"S-sino?"
Hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy ang pagsasalita niya. "At kapag dumating siya gusto kong umalis ka. Lumayo ka na. Tutulongan ka niyang makaalis sa Guindara. Balikan mo ang pamilya mo..."
"Carlos pwede ba 'wag kang magsasalita ng ganyan! Sabay tayong aalis dito!" I was yelling to him in my head. Naghintay ako ng isasagot niya pero hindi niya ako kinausap pa. Napahikbi na lang ako ng tahimik. It was too hard for me hearing him speak to me like that. 'Yong parang wala ng pag-asa at talagang handa na siyang iwan ako? It was too painful. I need to find a way to escape this place. I need to find him. Hindi ko hahayaang pati siya mawala sa akin.
I pulled on the manacles pero nasasaktan lang ako sa bawat pagpilit kong mabuksan ito. It already created red marks on my wrists. My heart sunk. I'm not going out of this place. Napayuko ako sa mga tuhod ko at umiyak. Damn, why am I so useless?
Matagal-tagal din akong umiyak at nanatiling nakayuko. Napatigil lang ako ng makaramdam ako ng basa sa may paa ko. The droplets of water from the ceiling grew stronger. Malalaki na rin ang bawat patak nito at nakagawa na ng isang maliit na water puddle. Tuluyan na rin nitong nabasa ang sapatos ko. Then I noticed something really creepy on the water droplets.
Mas bumilis pa ang pagpatak nito. The puddle of water steamed kaya napatabi ako gilid. Bumula-bula ito na animo'y bino-boil. Then it rose from the ground. Hindi na ako nakapagsalita at tinitigan na lang itong lumutang sa ere.
Dahan-dahan itong nagkaroon ng hugis. Hugis tao. Then out of the water came the appearance of Sarayan. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.
When he was in full human form, agad siyang bumagsak sa harapan ko. I tried to catch him pero hindi ko siya naabot dahil nakagapos nga ang kamay ko. He looked tired and weak.
Hindi siya gumalaw. Teka, ano ang nangyari sa kanya? Tulog ba siya? O patay na? Luh, 'wag naman gano'n.
Marahan kong sinipa ang balikat niya. It was the only way I could do to wake him up. "Sarayan. Sarayan"
Hindi pa rin siya gumalaw. Nilakasan ko ng kaunti ang pagsipa sa kanya habang panay ang tawag sa pangalan niya. Sa wakas, nagkamalay din siya. He lifted his head slowly and met my gaze.
"Ally... mabuti na lang ikaw talaga ang narito. Akala ko nagkamali ako" Dahan-dahan siyang tumayo. Saka ko lang napansin ang dugo sa may dibdib niya.
"Ano ang nangyari sa'yo? Sa Guinaksilon?" Kabadong tanong ko.
"Siguro ay alam mo na ang ginawa ni Dalikamata. Pinaikot-ikot niya tayong lahat. Ang pagkawala ng malay niya at ang lahat ng nangyari sa kanya ay isa lang palabas. Ang Dalikamatang kasama natin sa Guinaksilon... ay hindi totoo. Isa lamang itong katang-isip. Ginawa niya 'yon para kontrolin tayong lahat at malaman niya ang lahat ng planong binuo natin. Nakapaloob tayo sa isang ilusyon. At ng mahuli ko siya, sinubokan niya akong patayin. Sinaksak niya ako ngunit hindi siya nagtagumpay na mapatay ako. Si Inang Alunsina ay nasa ilalim ng isang sumpa. Dinala na siya ni Ribong Linti sa Kanluran. Nawa'y maging maayos na siya"
Napailing nalang ako sa narinig. Dalikamata gave me a warning. At I never had the slightest idea that it was actually her. Siya ang tinik na dapat kong tangalin.
Lumapit si Sarayan sa akin at tinanggal ang mga posas ko sa kamay. Pero binitawan niya ito ng bigla siyang mapaso.
I sighed. "I know. I tried, it's hot."
"Sumpa. May sumpa ang kadena" he whispered. Pero bigla na lang siyang ngumiti. Topakin din 'tong kambal ni Juan Carlos eh.
"Bakit?"tanong ko.
"Kay Lalahon galing ang sumpa. At ako ang kahinaang ni Lalahon." He had a point.
Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko. The water journeyed from his hands into mine. Slowly, the water grew cold began to freeze into ice. Steam evaporated from the manacles as the ice covered them. Then in a few seconds, the manacles clinked open, freeing my hands and leaving my wrists with red burnt bracelets. Ganoon din ang ginawa ni Sarayan sa mga kadenang nakatali sa mga paa ko.
"Paano mo nalamang nandito ako?"tanong ko sa kanya.
"Nang mahayag ang tunay na kulay ng kapatid namin, hinanap ko kayo. Pero huli na ang lahat ng makarating ako rito. Nadakip na kayo ni Maguayen" paliwanag niya. "Sinubukan kong hanapin si Aglawin pero ang sumpang nakapalibot sa kanya ay napakalakas at hindi ko ito magawang baliin. Pero nakausap ko siya. At hiniling niya sa akin na hanapin ka at ilayo ka rito. Kaya kailangan nating magmadali bago pa nila maramdaman ang presensya ko."
"Sarayan, hindi natin pwedeng iwan si Juan Carlos! Papatayin siya ng ina mo!" I blurted. If I were to escape from this place alive, I need Juan Carlos with me.
"Pero Ally, mahihirapan tayong iligtas siya lalo na't tayo lang dalawa. Nilason din ako ni Dalikamata kaya maging ako ay nanghihina na rin. Hindi ko alam kung hanggang saan o kailan ang itatagal ko bago ako tuluyang manghina. Nangako ako sa kapatid ko na ibabalik kita ng buhay sa pamilya mo. At handa akong gawin ang lahat para matupad ang pangako ko dahil 'yon ang kahilingan niya. At hindi ko siya bigoin"
Napatingin ako kay Sarayan. I'm feeling very sorry that I thought of this guy as the bad person. 'Yong taong inakala kong nagdadala ng pahamak, siya pa pala ang magliligtas sa akin. I felt terrible at myself. After all the things I thought of him, I feel like I don't deserve his help.
"Patawarin mo ako" I whispered.
Gulat niya ako tiningnan, naguguluhan.
"Dahil pinag-isipan kita ng masama. I thought it was you. Hindi ko naman alam na..."
"Ally wala kang kasalanan" seryoso niyang tugon. "Lahat tayo ay biktima rito. Lahat tayo ay naging bulag. Nararamdaman ko na noon pa ang pagpapanggap ng kapatid ko pero hindi ko inakalang makakaya niya itong gawin sa amin ni Aglawin."
Natahimik siya sandali kaya napatitig ako sa kanya. Wala na akong masabi. Masiyadong maraming laman ang isip ko.
"Halika na! Wala na tayong oras!"
Tumayo siya at tinulungan ako.
"Sarayan hindi natin pwedeng iwan ang kapatid mo! Ooh at nangako ka sa kanya. Gagawin mo 'yon! Maihahatid mo ako pabalik sa mundo ng mga mortal pero sa oras na ito, kailangan niya tayo! Kailangan ka niya. We can't just turn our backs on him right now!"
It was a stupid idea. Pero hindi ko talaga magawang iwan si Juan Carlos. Tantiya ko nasa alas tres na. Ilang sandali na lang at lalabas na ang araw. That means we are running out of time.
"Sarayan... hahayaan mo na lang ba ang kapatid mo? Hahayaan mo na lang bang mamatay siya?"
Humugot siya ng malalim na hininga at hindi makatingin sa akin. Kung ako lang ang tatanongin, wala akong planong umalis na hindi kasama si Carlos. Ooh na at matigas ang ulo ko pero hindi kayang sikmurain na itakas ang sarili ko habang pinapatay nila ang taong mahal ko!
Sarayan's gaze shifted to me. Then he had a more determined expression on his face. He raised his hand near his chest and a dagger appeared on them. Inabot niya ito sa akin. I stared down at it, nag-aalangan dahil naalala ko ang punyal na binigay rin sa akin ni Dalikamata.
"Tanggapin mo na. 'Yan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Kung ililigtas natin si Aglawin, kakailanganin mo ng armas."
Tinanggap ko ang punyal at inilagay sa tagiliran ko.
"Tara na"
It was his favorite line. But I wasn't in the mood to make a stupid and silly retort kaya tumango na lang ako sa kanya. Tumalikod siya sa akin at lumitaw ang espada niya sa kamay niya. With a bang, the chains of the lock broke off when he slashed at it. The cell was now open.
Maingat kaming naglakad sa napakadilim na hallway. Nauna si Sarayan dahil mas kabisado niya ang lugar na ito. Tumigil kami sa isang tabi at tinulak niya ako papasok sa isang silid. Ng makapasok, sinenyasan niya akong huwag maingay. Nakarinig ako ng mga yabag sa may pintuan kaya dumikit kami ng mabuti sa pader. Nang makalayo ang ito ay sinenyasan niya ako ulit na magpatuloy.
Pumanhik kami sa isang kahoy na hagdanan. Then the hall splitted into two. Sarayan leaned slowly to check our path. Naglakad siya ulit at hinawakan ako papasok sa isang silid. Hindi na madilim sa silid na iyon. It looked like an abondoned stockroom of war supplies to me. Nagkalat sa loob ang mga espada na kalawangin na. Mga pana at palaso, mga armor at marami pang iba.
Naka-shelves ang mga ito. May mga libro rin na punit-punit ang nagkalat sa sahig. Sumunod ako kay Sarayan sa paglalakad. Lumapit siya sa isang shelf at may kinuha roon at inabot sa akin. Nang mahawakan ko ito saka ko lang napansin na isa itong hooded coat na kulay itim.
"Isuot mo 'yan. Hindi dapat nila tayo makilala. Makikihalubilo tayo sa mga mamamayan ng Guindara. Natitiyak kong ang hatol ni ina kay Aglawin ay ang tradisyonal na eksikusyon sa isang diyos-"
Natahimik siya. Para bang ang kasunod ng sinabi niya ay talagang hindi kanais-nais.
"Anong gagawin niya kay Carlos?"kinakabahang tanong ko.
I felt the heaviness on his face. "Igagapos nila siya sa Erenna. Tatangalan siya ng kapangyarihan hanggang sa maging isa na siyang mortal. At kapag nangyari na 'yon...p-patayin siya sa harapan ng mga diyos ng Guindara."
"Hindi natin dapat hayaang mangyari 'yon" I said.
Tumango siya. Yumuko siya at kumuha ng pana at mga palaso sa sahig. "Kailangan mo 'to! Gamitin mo 'yan para ipaglaban ang sarili mo. Ako na ang bahalang kumuha kay Aglawin"
Isinuot ko ang hooded coat. Nagsuot din si Sarayan ng para sa kanya. We gathered the stuff that we need pagkatapos maingat kaming lumabas ng silid. We crept silenlty along dark corridors hanggang sa may binuksan si Sarayan na isang maliit na pintuan kung saan may isang maliit na hagdanan papunta sa itaas. Kita na ang liwanag ng langit mula sa maliit na bintana sa taas niyon. Mukhang papalitaw na ang araw.
Papanhik na sana ako ng pigilan ako ni Sarayan.
"Tandaan mo Ally, hindi dapat nila malaman kung sino tayo. Marami ang mga diyos at iba pang mga nilalang ang magtitipon-tipon doon. Kailangan nating makihalubilo ng hindi nahahalata"
"Naiintindihan ko"
He gave me a short nod and we stepped into the stairs. Nang marating ang pinakatuktok, mayroon na namang pintuan doon. Sarayan touched the knob. Napahinga ako ng malalim ng tuluyan na itong bumukas.
The door led us into an alley. Napakaraming tao ang bumungad sa amin. Correction. Hindi pala sila mga tao kundi mga diyos at mga diyosa. Mayroon ring mga fairy, mga nilalang na kakaiba ang mga anyo at marami pang iba. Papunta silang lahat sa iisang direksiyon.
Sarayan walked along the other gods at sumunod lang ako sa kanya. Sumabay kami sa kumpol ng mga mamamayan ng Guindara habang papasok ang mga ito sa Erenna.
The Erenna looked like arena. Or they just named it such because it looks like one. It reminds me of those Roman gladiatorial shows in the ancient times. Ang ipinagkaiba lang ng Erenna ay sa halip na buhangin, ang naroon sa gitna ay isang elevated stage. Marami na ang mga mamamayan na nasa loob. Pinilit naming makisingit sa pagitan ng mga diyos at diyosa. Ang karamihan sa kanila rito ay mga pangkaraniwan lang na mga imortal at hindi kagaya ng pamilya nila Sarayan. Kinailangan niya akong hilahin para hindi ako mapalayo sa kanya dahil masiyadong maraming tao.
Ng makalapit kami gitna, saka ko lang naalala ang tagpong ito. Nakita ko na ito sa isang panaginip.
Napatigil ako ng makita siya sa gitna ng parisukat. My eyes watered as I saw him. I couldn't even recognized his face. Gaya ng nasa panaginip ko, nakakadena ang dalawa niyang kamay sa dalawang gintong poste sa magkabilang side niya. Halos maligo na siya sa sarili niyang dugo. Punong-puno ng pasa ang katawan. Nakaluhod siya sa harapan ng lahat at nakayuko ang ulo. Hindi na siya gumagalaw.
Are we... are we too late?