Tila mas mabilis pa sa subway train akong naligo at nagbihis at parang hinahabol ng aso akong tumakbo palabas ng kwarto para hanapin si JC. Nakasalubong ko si Brent sa may hagdanan na nagulat sa biglaan kong pagsulpot at pagbunggo sa kanya dahilan para mahulog ang cellphone niya sa sahig. "May giyera ba at nagmamadali ka?" Inis niya sabi at pinulot ang phone niyang sa kabutihang palad ay hindi naman nagalusan. "I need to talk to JC. Have you seen him?" Kumunot ang noo ng pinsan ko nang harapin ako. "Hanggang ngayon, kahit alam ko nang may past kayong dalawa, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya na lang palagi mong hinahanap. Ni minsan ba hinanap mo ako like 'asan si Brent? Buhay pa ba siya?" Mahina ko siyang hinampas sa pang-go-goodtime niya na tinawanan niya lang. "Joke l

