Tinulongan ko siyang makatayo. I myself felt dizzy but I managed to keep his weight. Naglakad kami patungo sa isang malaking bato para makapagpahinga. Hinang-hina kaming dalawa ng makaupo roon. Naupo ako sa tabi niya na hinihingal. Mabigat kaya siya.
"Hindi ko maintindihan" sabi niya. I can still hear his rugged breathing.
Napatingin ako kanya, hinihintay ang gusto niyang sabihin. Tinitigan niya ang dalawa niyang kamay na parang may mali sa mga ito.
"Ano'ng problima?" Tanong ko ng mapansin na nakakunot ang noo niya.
Umiling siya. "Pakiramdam ko nanghihina ako"
"Carlos, nakipaglaban ka pa lang sa dalawang higanteng agila. Normal lang siguro na makaramdam ka ng ganyan" sabi ko at ipinikit ang mata. Nararamdaman ko na ang hapdi ng sugat na tinamo ko mula sa kuko ng Haribanog.
I glanced down at it. Kanina pa pala ito dumudugo. Juan Carlos noticed the wound.
"You're hurt." He opened his bag and pulled out a white cloth. "Let me bind it for you"
Kinuha niya rin 'yong bag ko kung saan nakalagay 'yong mga bulaklak na panggamot. He crushed two yellow flowers. Ipinahid niya 'yon sa sugat. Mahapdi siya na parang alcohol. Itinali ni Carlos ang puting tela sa balikat ko. I stared at him while he was doing it. He looked tired and weary.
"About what you said earlier. Ano ang ibig mong sabihin?" Umayos ako ng upo ng matapos siya.
Umiling siya. "Wala"
"Carlos, all this time palaging mo lang sinasabi 'yang word na 'yan. Palagi mong iniiwasan ang mga bagay-bagay"
"Ayoko lang mag-alala ka" he replied.
"But don't you think I deserved to know the truth?" Pinisil ko ang kamay niya. Tiningnan niya lang ako ng matagal. There was hesitation in his eyes. I pressed his hand tighter.
"Tell me what's wrong. Please." I grabbed his hand. Napatingin siya sa akin. He looked bothered, a facial expression he has been donning lately. It did not made me feel any better.
"Nanghihina ang kapangyarihan ko" he said glumly. "Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito ganito dati pero ngayon nahihirapan na akong kontrolin ang hangin. Agad na akong nawawalan ng lakas"
"Baka sa pagod lang 'yan" I said.
He heaved another deep breath. "Hindi ako sigurado pero hindi ako pwedeng manghina lalo na ngayon."
"Maybe you're body needs to rest"
Tumango lang siya. He looked really worried. Minsan ko lang siyang nakikitang nababagabag ng ganiyan. Usually kapag may kung anong keek-ekan lang akong naiisip at nagre-register 'yon sa mukha ko.
"Carlos, I-I need to tell you something" I blurted. Since kaming dalawa na lang din naman ang narito, siguro panahon na para sabihin ko sa kanya ang totoo. I can't keep this a secret for too long. He deserves to know the truth.
Nakatingin siya sa harapan at nanatiling walang reaksiyon. Hinihintay niya siguro ang sasabihin ko.
"I-I think Sarayan is betraying you." Hininaan ko ang boses ko dahil hindi ako sure sa magiging reaksiyon niya.
"Alam ko" diretsa niyang sagot.
"Ha?"
"Alam ko" ulit niya sa sinabi.
"Alam mo?"
Tumango siya. "Matagal na. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi ko siya hinayaang sumama?"
"H-how did you know?" I asked. Sa tinagal-tagal kong tinago sa kanya 'yon alam niya na pala? Pambihira!
"Wala akong tiwala sa kanya noon pa. Pinatawad ko siya at tinanggap ulit kasi ang totoo niyan umasa akong magkakaayos kami ulit. Umasa akong magbabago siya. Nagkamali ako. Hanggang ngayon, si Ina pa rin ang pinili niyang kampihan." The look on his eyes were fiery at nakikita kong nasasaktan siya.
I couldn't blame him. Wala akong kapatid pero ramdam ko ang sakit na traydorin ka ng sariling kambal. Maguayen really didn't care kung maging ganito ang mga anak niya. Siya pa mismo ang nagiging dahilan kung bakit sila nagpapatayan. I just couldn't see any logic to it. Ano'ng klaseng ina ang gugustohing mag-away away ang mga anak niya dahil lang sa hindi siya marunong magpatawad. Well, only Maguayen is capable of doing that. That old hag is beyond evil. Way beyond. It doesn't make sense to me at all.
"So bakit mo siya hinayaang sumama sa atin?" tanong ko.
"Kasi tama siya. Kailangan ko siya. Kailangan natin siya sa mga oras na 'yon. Lalo na laban kay Lalahon. Naisip ko rin na habang kasama natin siya, maaaring hindi tayo tuluyang ipapatay ni Ina, pero hindi naman 'yon nangyari. Kaya palaging nalalaman ni Maguayen ang bawat galaw natin. Dahil tinutulongan siya ni Sarayan." His voice sounded more sad than mad.
Tinitigan niya ulit ang kaliwang kamay niya at bumuntong-hininga. "Pasensiya ka na"
"Ayan ka na naman eh." Pumikit ako at sinandal ang ulo sa bato. "Kung magso-sorry ka na naman dahil sa ganito ganyan, 'wag mo ng ituloy. Carlos wala kang kasalanan. Wala namang may gusto sa lahat ng nangyari"
Hindi siya sumagot kasi trip niya 'yan. Pero maya-maya magsasalita din 'yan. At hindi ako nagkamali.
"You can't stop me from feeling bad about myself Ally. Gusto ko lang protektahan ka. And looked what I've done. I almost got you killed for uncountable times. I can't help but blame myself for it."
Natawa ako ng kaunti at nilingon ko siya. "Do you remember when we first met?"
A smile slowly curved in his lips. "Noong umiiyak ka sa dalampasigan at sinundan mo ako kasi wala kang makausap?"
"No, not that!" Naalala kong ang pangit ko no'n tapos 'yon pa pala ang naalala niya. "The first time we met. Sa resort ni Tita, noong bata pa ako."
"Ah," sambit niya at lumawak pa ang ngiti niya. "Ang cute mo n'on. At ang kulit-kulit mo"
"So you remember"
"How could I forget that little girl in a yellow dress"
Napangiti na rin ako. Seeing him smile made me feel better. "You made quite an impact to me that time. Noong pinagbawalan ako nila mommy sa paglabas ng bahay, ikaw ang naging kalaro ko. You made those lonely childhood days felt livelier and brighter. You gave me good memories. At noong nalunod ako sa dagat, hindi naman talaga si Daddy ang nagligtas sa akin n'on eh. It was you. I remember you swimming after me and pulling me out of the water. I remember you calling my name as my parents rushed at me."
I kept my eyes glued in front of us. Siya rin ay ganoon lang din. Nakatingin lang sa harapan at walang emosyon, hinayaan akong magsalita.
"I kept dreaming about you when I turned 18. I had no idea who you were kasi noong nag-undergo ako ng theraphy, everything about you disappeared. Ang totoo niyan, na i-drawing ko pa ang mukha mo sa notebook ko." I laughed softly, remembering that drawing Freya and I were blabbering about in Mrs. Guzman's class.
"Then Lola Mercedes died and I needed an outlet of my emotions kaya ako tumakbo sa Dalampasigan. And I saw you there, that time I still had no idea who you were. But I was glad we met again because then you made me experience things I never thought I could."
"And when I needed you, you always showed up. Maraming beses na akong muntik mapahamak pero palagi kang dumadating at inililigtas mo ako. You have always been around for me Carlos. Hindi mo ako pinabayaan. So please stop blaming yourself because it wasn't your fault. Lahat ginawa mo para sa akin."
He stared down at his feet, still not talking. He was just listening to me, letting me talk.
"I've seen you struggle to fight for me. And I want to reciprocate that." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa'kin. I met his eyes. I want him to understand every single word that comes out of my mouth.
"Carlos, hindi ako diyos kagaya mo. I didn't have any powers, any abilities. I am just me. But I wan't you to know that I'm here and I exist. I don't give a s**t about the dangers in this world because I only care about you. I am willing to share the burden with you. You don't have to face this alone. Because I'm here and I'm not going to leave."
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I couldn't read his face. Ilang sandali lang at gumulaw siya at dahan-dahan akong niyakap. I pulled him closer as I let my head rest on his chest.
Hindi naman kasi kailangan na sa lahat ng panahon siya ang mag-protekta sa amin. Hindi porke't siya ang lalaki ay siya na lang lagi ang dapat malakas. Somehow, guys should be able to learn to give in. And a girl should learn to fight along. It's a two-way ride.
I can hear his heartbeat. They were so fast. Nilingon ko siya. His face no longer looked worried. He was calm now. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Nagising ako dahil sa liwanag ng sikat ng araw. Doon na rin pala kami nakatulog sa harap ng malaking bato. Wala si Juan Carlos sa tabi ko. Napatingin ako sa sugat ko mula sa labanan kagabi. Hindi na siya sumasakit. Dahan-dahan kong tinanggal ang telang nakatali doon at nabigla ako ng makitang magaling na ang sugat. Effective nga pala talaga 'yong mga bulaklak na dala ko mula sa kwarto ng palasyo ni Alunsina.
Bigla na lang sumulpot si Juan Carlos sa likuran ko. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya.
Tumango ako.
He just gave me a nod at inayos niya na ang mga gamit namin. "Malapit na tayo sa Guindara kaya maghanda kana"
***
Ang paglalakbay namin pabalik sa Guindara ay maayos. Wala na kaming hinarap na panganib. Nakakapagtaka lang din eh na hanggang ngayon wala pa kaming nakakaharap na kahit ano. It's not that looking for trouble pero talagang kahina-hinala na na walang pang nangyayari. Malamang alam ni Maguayen na parating kami at pinaghahandaan niya ang pagdating namin.
Naglakad and kabayo sa pagitan ng dalawang maliit na burol. May nadaanan kaming mga maliliit na batis na naniningning ang tubig at umiiilaw pa. Nadaanan rin namin at iba't ibang hayop na natitiyak kung hindi nag-eexist sa Earth.
Mga ilang kilometro pa ang nilakbay namin bago tumigil si Juan Carlos.
"Kailangan na nating maglakad mula rito. Nandiyan na ang lihim na lagusan papasok sa palasyo. Dito na natin iiwan ang kabayo" sabi niya.
I hopped down from the horse. Bumaba na rin si Carlos at itinali ito sa isang puno. Inayos niya ang bag niya bago ako hinarap.
"Are you ready?" tanong niya.
I gave him a smile. "I think so."
I tried to sound braver. Pero ang totoo natatakot talaga ako. We are literally entering the lion's den. No one knows what waiting in there for us. Pero pinilit kong maging optimistic ka kabila ng mga maaaring mangyari.
"'Wag na 'wag kang lalayo o hihiwalay sa akin naiintindihan mo ba?"
Tumango-tango. Then he grabbed my arm, pressed it and told me by the look of his eyes that we'll it.
"Tara na" he said.
Nauna siyang maglakad. Maliit lang ang kalsadang tinatahak namin. Medyo maputik din ito ng kaunti. Panay hawi kami sa mga sanga ng puno dahil mukhang wala ng gumagamit sa daraanang ito. In my guess, siguro sila-sila lang magkakapatid ang gumagamit sa daang ito.
There was a small hill infront of us. Nang makalapit kami saka ko lang napansin na isa lang pala itong dambuhalang bato. Hinawi ni Carlos ang mga damo roon at nakita ko ang isang hugis ng isang rosas na naka-carve doon. Kulay ginto ito. Nilapit ni Juan Carlos ang tainga sa gintong rosas. Pinakikiramdaman niya yata kung ligtas ba itong daanan.
Then he placed his left his hand in the golden rose and the place rumbled. Nagliwanang ang kamay ni Juan Carlos at ganoon rin ang bulaklak. Ilang segundo pa ang lumipas at bumukas ito na parang sliding door.
Juan Carlos glanced at me before entering the tunnel. Sumunod din ako sa kanya. Madilim sa loob at amoy rosas. May kung ano siyang kinuha sa gilid ng pinto. Nang mahawakan niya ito bigla na lang itong nagliyab. Sulo pala 'yon. The ground rumbled again and the entrance closed, sealing as in.
"Halika" he whispered and gestured me to follow him.
We walked along the corridors of the tunnel silently. Tanging ang sulo ang siyang nagsilbing liwanag namin sa dilim. As we went into the tunnel, I felt colder. My nerves seemed to be covered in ice. The tunnel came into a curve and soon the walls turned to stone and then bricks. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa naging red marble na ang walls ng tunnel. I continued following Juan Carlos. We must already be under the palace grounds now. Hindi ako mapakali. Everything felt strange.
Then there was a door. Pero bago pa 'yun buksan ni Juan Carlos, humarap muna siya sa akin at pinatay ang sulo.
I didn't have tom react when he pulled me close to him and kissed me. I didn't know what to do. I just kissed him back and fearing that this might be the last. God, I hope not.
I was gasping for air when he let me loose. Then in the dark, I felt him staring down at me.
"Ally" he whispered.
"Yeah?" I asked in a small voice.
"Whatever happens today-"
I put a finger between his lips, stopping him. "Don't say it. Please don't. I don't want to hear it."
I heard him took a deep breath before pulling me into a tight hug. Whatever it is that he is going to say, I know I'm not gonna like it. Because this past few days, I have been seeing visions of him again. Visions of....God please no... I won't be able to take it.
"Let's go. Sa labas ng pintuang ito ay ang daanan papunta sa silid ni Maguayen. Ang kailangan lang natin ay makapasok doon ng walang nakakakita sa atin. Darating sina Ribong Linti pero kailangan maano tayong kunin ang Tungkod ng Dilim bago pa magsimula ang labanan." He pulled his sword from it's sheath and grabbed the knob.
That was my cue. I got myself ready. Hinanda ko ang pana ko sa mga kamay ko. I took a series of deep breaths. I hope everythings goes as planned.
Juan Carlos opened the door. For what we thought would be a hallway leading to Maguayen's chambers, a throneroom emerged before our eyes.
Three loud claps echoed inside the halls. From the center on the throneroom lies a tall and beautiful woman. She had dark wavy hair. She's wearing a maroon dress and she's smirking wickedly as she clapped for our presence. The tunnel had led us straight into Maguayen's hands.
"Juan Carlos?" I asked.
"Si Sarayan" he replied bitterly. "Siya lang ang maaaring magturo kay Ina sa lagusang ito."
Tumayo si Maguayen mula sa kinauupuan niya. She was smiling so big I want to shoot her in the eyes. But even when thinking of doing it, my knees were already shaking. The goddess of death looked even more intimidating in person than in my dreams and visions. She looked ao heartless and cruel. Sana nga lang maging kasing pangit ng budhi niya ang pagmumukha niya.
"Aglawin, nagbalik ka rin sa akin anak" she said and smiled sweetly. A smiled that evil queena usually do.
"Hindi ako narito para bumalik sa'yo!" Juan Carlos shouted. I felt the air slapping at the beams of room.
"Ah, hindi ba? Sinasaktan mo ang damdamin ng iyong sariling ina Aglawin" Maguayen replied, helding her chest as if she's actually hurt.
Carlos remained firm. "Hindi kita ina. Wala akong ina."
"Totoong nasasaktan ako sa mga pinagsasabi mo. Ako ang nagpalaki sa'yo pero tingnan mo ang ginawa mo. Sinuway mo ako." Maguayen even shook her looking disappointed. "Di bale... ang mahalaga narito kana at pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo"
"Wala akong ginawang masama sa'yo alam mo 'yan! Kinuha mo na ang lahat sa akin ano pa bang gusto mo?" Juan Carlos yelled, his voice filled with rage.
Maguayen laughed wickedly. "Hanggang ngayon hangal ka pa rin! Kagaya ka ng walang kwenta mong ama! Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan kong magkaroon ng mga anak na kagaya niya!"
Juan Carlos balled his fist. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko para tulungan siya. I hope Dalikamata is here with us. Kailangan namin siya.
Maguayen's eyes turned to me. "Allysandra, ipagpaumanhin mo kung kailangan mong masaksihan ang pagtatalo namin ng anak ko. Nagtataka lang ako kung bakit hinahanap mo si Dalikamata? Ah! Hindi ko pala nasabi sa inyo agad na wala na siya sa Guinaksilon."
What? Ano'ng niyang sabihin? Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Ano ang ginawa mo kay Dalikamata?" Sigaw ni Carlos. He looked like volcano that is about to erupt any moment.
"Wala anak! Siya ang dapat mong tanongin... kung ano ang ginawa niya sa'yo. Sa inyo"
"Ano ang ibig mong sabihin?" I asked.
Maguayen gestured one LiGwardiya beside her. Tumango ito at mabilis na naglakad palayo. Naupo ulit si Maguayen sa trono niya. Hindi nagtagal lumabas sa isang silid ang isang babae.
She was pale, beautiful, covered in purple dress. She had no emotion on her face. Naglakad siya sa harap ni Maguayen at lumuhod. Then she turned around to face us.
"D-dalikamata?" I wobbled.
"Ano'ng ibig sabihin nito?"
Dalikamata's lips curved into a sly smile. "Maligayang pagdating sa Guindara Aglawin at Allysandra."