Napanganga na lang ako at hindi na nakapagsalita. Gayon din si Brent na nasa tabi ko at parang estatuwang nasemento sa kinatatayuan niya. Malawak at maliwanag ang ngiti ni Juan Carlos habang nakaharap sa amin. Nagbago ang anyo niya. Nawala ang mga sugat at pasa niya sa katawan at pati ang damit niya ay naging purong puti. Kumikinang ang mga pakpak niya at nagmukha siyang anghel na nahulog sa sangkalupaan. "Holy shoot!" Kumalabog sa lupa ang dalang medicine kit ni Cynthia. Agad siyang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. "Am I really seeing this? Please stop me from freaking out! Stop me from freaking out!" Wala sa sarili kong tinanggal ang kamay ni Cynthia sa braso ko at nilapitan ko si Juan Carlos na malawak pa ang ngiti. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita ng aking mat

