Chapter 23: Lovers quarrel.
“YES,” I answered.
“Doon kayo nagkakilala ni Engineer Brilliantes?” tanong naman ni Engr. Romeo. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Mergus.
“Hindi ba dapat ang kasama ngayon ni Engineer ay ang kapatid mo, Engr. Vallejos?” curious na tanong naman ni Calveson, iyong interior designer namin.
Sinulyapan ko si Mergus na tahimik lang siyang kumakain pero alam ko naman na nakikinig lang siya. “Hindi ko rin alam sa kanya,” sabi ko dahilan na napatingin siya sa gawi ko. Kumunot ang noo niya.
“Hindi ba magseselos ang girlfriend mo, Engr. Brilliantes, kung ang kapatid niya ang kasama mo ngayon?” tanong ni Architect Larvae.
“Stop it. She’s my fiancé,” diretsong sabi ni Mergus. Nagulat ang kasama namin dahil sa sinabi niya. Hindi na nga niya napigilan pa at siya na rin mismo ang nagsabi no’n dahil wala nga akong balak na sabihin iyon. Hindi dahil ayaw ko lang, kundi ayoko siyang pangunahan kasi baka magagalit na naman siya.
“Fiancé mo na pala? May LQ kayo kaya ganito ang trato ninyong dalawa sa isa’t isa?” namamanghang tanong ni Sy sa amin. Hindi ako nagsalita. Kaya si Mergus naman ang tiningnan niya.
“I’m done,” sabi niya at tumayo na siya agad.
“Hindi pa tapos ang pagkain mo, Engineer,” sabi naman ni Engineer Larvae.
“I’m full,” seryosong sagot niya at tuluyan na nga siyang umalis.
“Kayo pala ang mag-fiancé, Engineer? Bakit iba naman ang sinabi mo sa amin kanina?” namimilog ang matang tanong ni Calveson. Dahil gusto ko lang din inisin si Mergus kahit may tendency na magalit pa siya.