Hindi ko alam kung bakit sobrang tanga ko. Alam ko namang wala na talaga kaming pag-asa, pero heto pa rin ako, kumakapit. Patuloy na umaasang baka bumalik na siya sa dati, at maisip niyang ako pa rin ang gusto niyang makasama hanggang sa huli. Kaya ko naman sanang maghintay kahit ilang taon pa 'yan, ang tanong, may hinihintay ba ako? Babalik pa ba siya sa akin despite of everything? I know Zech loves me ngunit matapos ko siyang ipagtulakan palayo, nagbago siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sino nga ba naman ang patuloy na kakapit kahit ilang beses na siyang ipinagtutulakan palayo? Marahil ay kakapit sa una ngunit tao lang din naman siya, nasasaktan, napapagod, at nawawalan ng gana. At kung napagod man siya, hindi na niya 'yon kasalanan. Sinunod nito ang gusto kong tapusin niya an

