"Paano kung sawa na siya?" dismayadong tanong ni Zimry nang malaman ang desisyon ko. "Wala akong paki-alam, kahit maging cobra pa siya." Inis kong tiningnan si Zimry. Kung anu-ano ang sinasabi, ano naman ngayon 'di ba? 'Tsaka sawa naman na talaga 'yon sa akin. May Kara na nga siya e! Humagalpak naman ng tawa si Lewisse sa sagot ko. Totoo naman kasi, mahal ko siya pero hindi ako maghahabol. Pupunta lamang ako roon para kamustahin siya at itatanong lahat ng kung ano man ang gumugulo sa isip ko. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging sardinas, 'no! Bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa damuhong 'yon? Matapos niya akong ipagpalit kay Kara? Masuntok ko pa silang dalawa! "Kara and Kuya are not together. Sadyang madikit lang si Kara." Tinaasan ko ng kilay si Kiz. How sure

