"Ang tagal niyong nag-usap, huh? Nowelle's lipstick is gone too. I can smell something fishy. Hmmm..." pang-iintriga ni Kiz pagkabalik namin, abot tainga pa ang ngiti habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. Naiiling na tinawanan lang ito ni Zech. Mabuti at abala ang mga matatanda sa pagpipicture kundi lagot kami. "Gusto mong lagyan kita ulit ng lipstick?" mas lalong lumapad ang ngiti ni Kiz lalo na nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni Zech. Sinamaan ko tuloy silang dalawa ng tingin. Saan kaya nagmana ang kambal na ito? Masyadong mapang-asar! "Huwag na, Kiz. Magsasayang ka lang ng lipstick. Matatanggal lang din naman 'yan mamaya," makahulugang sagot ni Zech kaya agad kong kinuha ang kamay kong hawak niya saka siya binatukan. "Why? Totoo naman, ah? Matatanggal naman talaga 'ya

