"HOW are you, Hija? You have been through a lot. Aba'y mag-isa ka lang na nagbiyahe ngunit may kasama kang kambal. Okay ka lang ba, Hija?" Hindi matapos-tapos ang mga tanong ng Ginang sa kaniya o ang ina ng mahal niyang Santiago. "Sa lahat po ng tanong mo ay okay po ako ang sagot. Maaring unexpected ang pag-alis ko rito sa Madrid ngunit naging mabait ang langit sa akin. MARGARITA INTERNATIONAL CRUISESHIP ang nasakyan ko. Hindi lang iyon, sa pamilya pa ninyo ako napadpad sa Pilipinas. Kaya't naging okay ang lahat. Kayo po rito sa Madrid. Kumusta po kayong lahat?" patanong niyang paliwanag. Wala man silang maayos at formal na relasyon ng ama ng mga anak. Ngunit aminin man niya o hindi ay miss na miss niya ito. Pero kung kailan nasa harapan siya ng mga magulang nito ay saka siya nakaramda

