"You're not afraid to try again, you're just afraid of getting hurt for the same reason..." -Text Quotes Chapter 39 "I love you, mahal na mahal kita kaya please lang Sky hilingin mo na lahat sa akin wag lang ang pakawalan ka," napatigil ako sa pagpupumiglas sa pagkakayakap sa akin ni Cloud ng marinig ko ang sinabi niya. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.Hanggang sa pakiramdam ko tumigil ang inog ng mundo at ang nangingibabaw lamang ay ang malakas na t***k ng puso ko. Tug.Tug.Tug.Tug.Tug Ilang beses nga ba akong humiling noon na sana mahalin din ako ni Cloud. Na sana dumating yung panahon na yayakapin ako nito ng mahigpit at sasabihing mahal na mahal ako nito. Hindi ko na mabilang sa sobrang daming beses ko itong inisip. Marahil dahil sa sobrang tagal ko siya

