Pt. 056  [[***Day 21: 8:46 PM***]] Naramdaman kong humawak siya sa magkabilang braso ko at sinimulan niya akong halikan sa aking batok. Nararamdaman ko ang init ng balat ng kaniyang katawan. Dahan-dahan niya akong ipinaharap sa kaniya. "Hindi natin pwedeng gawin ito." Mahina kong sabi. "Do you love me?" Tanong niya. I already said it yesterday. At sabi niya wala na raw bawian! Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Kahit madilim dito sa loob ng kwarto ko, naaninag ko pa rin ang perpektong rehistro ng kaniyang mukha. "I do. Pero hindi pwede. Ayaw kong mawala ka sa akin, kaagad." Sabi ko. At hinalikan niya ako sa labi. Napapikit ako. Pinatikim niya sa akin ulit ang tip ng kaniyang tounge. Dahan-dahan niyang pinalayo ang mga labi namin at tila gusto ko pang habulin. "Do you trust me?" T

