"Ma'am, ito na po ang inventory natin." ani Stephanie at inilapag ang report sa mesa niya. Agad itong umalis. Hindi ito masisisi ni Mellie. Mainit ang ulo niya. Ilang araw na niyang napapagalitan ang mga staffs dahil na rin napapansin niyang kapalpakan ng mga ito. Maliit lang iyon pero dahil sa inis niya sa mga nangyari ay naibabaling niya iyon sa trabaho. Magmula ng hindi magparamdam si Winston ay ganoon na siya. Palibhasa ay stressed si Mellie. Hindi nakakatulog kaya tuwing day time ay nanakit ang ulo niya. Idagdag pang nagkakaproblema ang kiosk. Humina ang benta niya. Kailangang magisip siya ng magandang pakulo para tumaas ang sales. Tahimik na nagtrabaho si Mellie hanggang sa maguwian. Pagdating sa bahay ay natigilan siya nang makitang nakaparada si Winston sa hindi kalayuan. Bumilis

