"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ni Stephanie. Napaigtad si Mellie. Nagulat siya sa biglang pagsasalita nito. Nakatulala kasi siya. Si Winston ang nasa isip. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaharap. Busy ito sa trabaho at halos sa barracks na tumira. Hindi naman niya ito kinukulit. Sa totoo lang ay hindi rin siya handang makaharap ito. Isang linggo na ang lumipas mula nang makaharap ni Mellie si Margaux. Dahil doon ay tila nagbalik siya sa dati. Hindi nakakatulog sa gabi. Nagpa-check up na siya at ang sabi ng doktor ay dala iyon ng labis niyang pagiisip. Pinayuhan siyang mag-relax at kalmahin ang isip. Pinipilit ni Mellie pero sa huli ay hindi niya magawa. Paano niya gagawin iyon? Laman ng isip niya na tila tinuhog sila ni Winston? At bakit hindi nito sinasabi iyon? Wala ba ta

