"Ma'am, kasalis lang po ni Sir Winston. Hinahanap niya po kayo." ani Stephanie pagdating ni Mellie. Lihim na napakagat sa ibabang labi si Mellie dahil sinadya niya iyon. Hindi siya lumapit sa kiosk dahil nakita niya si Winston na matyaga siyang hinihintay. It was breaking her heart. The guilt was killing her. Pero hindi rin naman kasi niya magawang lapitan ito at makipagusap nang maayos. Hindi pa siya handang harapin iyon. Magmula nang magkaroon sila nang mainit na pagniniig isang linggo nang nakararaan ay umiwas si Mellie. She's worried. Now she realized that she felt something for Winston, she didn't know how to handle it. Paano kapag nalaman ni Winston ang totoo niyang naramdaman? Paano kung layuan siya nito? Paano kung negative ang mangyari? Ah, she was losing her mind. Natatakot siy

