Marahas na itinapon ni Chanel ang kanyang katawan sa sofa habang pinapalis ang butil ng mga tubig na dumikit sa kanyang braso mula sa katawan ni LV na basang-basa pa rin hanggang ngayon ng tubig ang buong katawan. Walang humpay na umiikot ang kanyang namimilog na mga mata sa kanyang kasintahan na abot-tainga pa rin ang mga ngiti. Hindi niya maintindihan kung anong nakakatawa sa mga nangyari sa kanila kanina na naging dahilan nang malawak na ngisi ngayon ni LV sa kanyang harapan. Lalo na iyong muntik na silang magkasakitan ng physical ng dati nitong kasintahan. Ang mga ngisi niya ay tila nagdidiwang pa na labis siyang nagliliyab ngayon sa kanyang matinding galit nang dahil sa nangyari. Hindi niya lubos maisip na hinawakan nito ang kasintahan. Naguguni-guni na niya na kung hindi siya sumuno

