Chapter 20

656 คำ
"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa. "Kilala mo ako?" tanong din ni Ella kay Taehyung na nanlalaki ang mata. "Hindi. Kapangalan mo kasi 'yong kaibigan ko. Nice to meet you rin, Ella." naiilang na pagpapakilala ni Taehyung kay Ella. "Ella, pwede bang wala kang pagsabihan ng kahit na sino na nakita mo kami?" pakiusap ni Jin kay Ella. "Bakit naman?" nagtatakang tanong sa kanya ni Ella. "Baka kasi pagkaguluhan kami pag nalaman ng iba." mahinahong sabi ni Jin kay Ella. "Okay. Your secret is safe." nakangiting sagot sa kanila ni Ella bago nag-okay sign. Mukha namang nakahinga ng maluwag si Jin at ang mga kasama niya dahil doon. "Thank you." "CZ, alis na kami ha? Magpahinga ka na rin." paalam sa akin ni Jin. "Bye din, Ella." nakangiting paalam nito kay Ella. "Bye!" nakangiting sabi ni Ella sa kanya. "Wag kang gagawa muna ng gawaing bahay baka mabinat ka." paalala sa akin ni Jimin bago ginulo ang buhok ko. Tinampal ko naman ang kamay niya na ikinatawa niya. "Nice to meet you, Ella." paalam niya kay Ella ng balingan niya ito. "Nice to meet you din. Bye!" "Byebye, ChrisTintin! Pagaling ka ha?" sabi sa akin ni Taehyung at tumango sa kanya. "Bye, Ricaella!" "Bye sa inyong lahat!" masayang pagpapaalam ni Ella sa apat. "Oo. Maraming salamat ulit sa inyo." nakangiti kong sabi sa kanilang apat. "Nay, ihatid ko lang sila sa labas ha?" paalam sa akin ni Ella. Tumango lang naman ako. Nauna ng lumabas 'yong tatlo habang itong si Jungkook ay nakatayo pa rin sa harap ko habang parang asong nakangiti tapos bigla na lang nag-straight face. Ako ang natatanga sa walking sense organ na 'to eh! "Magpagaling ka kaagad. Wag mong papagudin ang sarili mo," seryosong paalala niya sa akin bago ako tinalikuran. Palabas na siya ng bigla ulit siyang nagsalita. "May anak na pala tayo. Hindi mo naman ako sinabihan." nakangising sabi nito sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama bago inirapan. "Umalis ka na nga!" sabi ko sa kanya habang tinutulak siya palabas ng bahay at sumunod na siya sa tatlo. "Nay!" sigaw bigla ni Ella ng makabalik siya sa loob ng bahay. "Ay kalabaw mong malaki! Wag ka ngang sumigaw, Ella. Nagugulat ako eh." saway ko sa kanya. "Sorry, nay. Nay, ang gwapo pala nila sa personal 'no? By the way, nay matagal mo ba silang nakita?" tanong sa akin ni Ella. "Noong isang araw lang. Ella, promise me. Wala kang pagsasabihan ng tungkol sa BTS." seryosong pakiusap ko sa kanya. "Kahit sa tropa?" tanong nito na ikinatango ko. "Oo, hayaan mong tadhana ang gumawa ng paraan para magtagpo sila." "Okay. I promise!" sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay. "Good. Pero bakit ka ba nandito?" takang tanong ko sa kanya at dumiretso sa salas namin para umupo dahil medyo nahihilo pa ako. "Namiss lang kita, nay." nakangiting sabi niya sa akin bago ngumiti ng malaki. "Ay sus! Halos apat na araw palang naman tayong hindi nagkita." natatawang sabi ko habang naiiling. "'Di mo lang ako namimiss eh kasi nandyan si Jungkook." naka-pout na sabi niya bago ako tinusok-tusok sa tagiliran. "Kaso ang sungit naman niya. Kay Jimin ka na lang kaya?" natatawang dagdag pa nito. "At bakit napasingit sa usapan si Jimin?" tanong ko sa kanya bago humiga sa mahabang sofa namin. "Iba kasi tingin niya sayo eh. 'Yon bang pag natingin siya sayo parang inlove siya sayo." kinikilig-kilig na sabi niya sa akin sabay kumpas sa hangin. "Alam mo umuwi ka na. Gabi na oh! Kung anu-ano iniisip mo dyan." natatawang sabi ko sa kanya. "Oo, nay. Basta iba feeling ko kay Jimin. Goodnight, nay! Pagaling ka kaagad." lumabas na siya agad pagkasabi niyon. Paano nga kaya kung may gusto sa akin si Jimin? "Ang feeling mo naman!"sigaw ng isang parte ng utak ko. "Pero hindi naman imposible diba? Sabi nga niya willing siyang saluhin ako pagnahulog ako eh." sabi naman ng kabilang parte ng utak ko. Pati sarili kong utak nagtatalo na. Pero isa lang naman ang sigurado ako eh at 'yon ang kahit na magustuhan ko si Jimin ay hindi pa rin niya matutumbasan 'yong puwang ni Jungkook sa puso ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม