Ella's POV "So, what's the plan?" "Can you pleash shut up, hyung? My nosh ish bleeding." Bakit kasi kasama pa namin 'tong badjao na englishero? Nakakaubos ng dugo ha! Idagdag mo pang may elyen kaming kasama. "Wag nga kayong mag-english. Baka bumaha ng dugo dito." saway ko sa kanila. Nandito kasi kami sa Hotel Garden. Nagpaplano kung anong pwedeng gawin para magkabati si Christine at Jungkook. "Kantahan niyo na lang si Miss Cute!" suhestiyon ni J-hope. Napairap naman ako sa sagot niya. "Luh? Masyado ng common. Lagi niyo ng ginagawa 'yun." pagkontra ko sa kanya. "Eh ano? Paglulutuin natin si V? Pagsasayawin natin si Rapmon Hyung at Jin Hyung? Oh my gosh! I cannot. That's so impossible!" Ang O.A talaga ng kabayong 'to. Sarap lunurin eh. "Alam ko na!" tuwang-tuwa na sigaw ko. "Gani

