Christine's POV Tahimik akong nakahiga dito sa kama ko ng may biglang kumatok. Argh! Ayoko pa bumangon. Inaantok pa ako. "Nay, gising na! Sabay-sabay tayong kakain sa baba." sigaw ni Ella sa labas ng pinto. "Sige. Maghihilamos lang ako." sigaw ko rin pabalik bago bumangon. "Okay, nay. Intayin ka na lang namin sa lobby." Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at nakitang 'yung singkit kong mata ay lalong sumingkit. Naghilamos lang ako ng mabilis at lumabas ng kwarto ko. "Good morning, nay!" bati agad sa akin ni Ella pagkadating ko sa lobby. Para silang mga blooming. Buti pa sila... "Christine, anyare sa mata mo? Nakikita mo pa ba kami?" tanong sa akin ni Princess. "Oo, kita ko pa kayo. Tara na! Gutom na ako." sabi ko sa kanila bago dumiretso sa hotel restaurant. "Alam niyo an

