Prologue

586 คำ
Prologue "Your Majesty, father is currently not around. He went to the imperial palace to attend an urgent meeting." Augustus said using a gentle voice that also shows respect towards the Emperor. Kahit na nagtataka ay pinilit pa rin ni Augustus na huwag ipahalata ang pagkalito. He's confused because the Emperor who's currently sitting on their couch was the one who call his father. Nagpadala ito ng Knight at sinabing pinapatawag ng Emperor ang kaniyang ama para dumalo sa biglaang pagpupulong sa palasyo, ngunit eto ang Emperor, nakaupo sa kanilang sofa habang ang dalawa nitong personal knight ay nakatayo sa likuran nito. Diretso ang tingin ni Augustus sa Emperor na nakabaling ang tingin sa labas ng bintana. Nakasandal ito sa kinauupuan at abala sa pagtingin sa puno na malapit lamang sa bintana, sa mga dahong nalalaglag sa tuwing kumukumpas ang hangin at nagtatama ang sanga sa isa't-isa. He's emitting a mixed of calm and tense aura. Napalunok si Augustus. Bakit narito ang Emperor? Gayong may pagpupulong na nagaganap sa palasyo. Tapos na ba sila? Ngunit hindi pa lumilipas ang isang oras mula ng umalis ang kaniyang ama. Sa ikalawang pagkakataon ay napalunok si Augustus. May kakaiba siyang nararamdaman. Parang may hindi magandang mangyayari. Mariing at saglit na nakagat ni Augustus ang labi. Kung ano man ang mangyayari, he needs to stay calm and keep on showing his respect to the Emperor. Hindi dapat siya makagawa ng pagkakamali, kahit na maliit na pagkakamali pa dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ng pamilya nila, and he will not let that happened. "Please prepare a tea for his highness." Utos ni Augustus sa tagapagsilbi. Agad naman itong yumuko bago lumabas ng library room. "We're very sorry his highness, we didn't prepare anything." Yumuko siya kasabay ng paghingi niya ng paumanhin.  Nahihiya siya dahil hindi man lang sila nakapaghanda ng kahit ano, na hindi nila napaghandaan ang biglaang pagbisita ng Emperor sa kanilang manor. Muli, umayos ng tayo si Augustus "Mother will be here in a minute, Your Majest—" "Close the door and don't let anyone in." Putol ng Emperor sa sinasabi ni Augustus bago itaas ang kanang kamay atsaka itinuro ang nakabukas na pinto.  Hindi nakagalaw si Augustus sa kinatatayuan, huli na rin nang mapagtanto niya na tuluyan ng isinara ng Knight ang pinto. Nanlamig ang kamay niya. The servant forgot to close the door, hindi man lang niya napansin. Nagsimulang manlamig ng sobra ang kamay ni Augustus sa puntong itinago niya na lang ito sa kaniyang likuran at palihim na naiyukom. He's dead.  "Why don't you take a seat..." Sumilay ang ngiti sa labi ng Emperor nang sabihin niya 'yon. "I'm Augustus Lionel, your Majesty." Pagpapakilala niya sa Emperor.  "Augustus, what a nice name."  Sa hindi malamang dahilan ay biglang binundol ng kaba si Augustus. Mas tumindi ang kaba na nararamdaman niya nang sumilay ang ngiti--- hindi, isang ngisi ang sumilay sa labi ng Emperor. Pinilit ni Augustus na ngitian pabalik ang Emperor, natatakot kasi siya na baka magalit ito kung hindi niya ito ngingitian pabalik.    "What about your other name, Augustus?" Nakapamulsa itong tumayo.  The Emperor's black cape sways as he walk towards the Marquis' son who's now confused. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ng Emperor nang makita kung paano pilitin ni Augustus na itago nag pagtataka at kaba na nararamdaman nito.  "Pardon?"  Huminto sa harap ni Augustus ang Emperor. Napatingala naman siya ng bahagya dahilan para magsalubong ang tingin nila. Nakangiti ang Emperor ngunit ang mga mata nito ay hindi nababahiran ng galak, what Augustus saw in the Emperor's eyes is nothing but coldness.  "Why don't you introduce your other name... September."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม