Makalipas ang isang linggo... Balik sa normal ang buhay-estudyante. Na-present naman nila nang maayos ang group project nila. Sila nga ang nakakuha nang mataas na marka. Pero imbes na magsaya, hindi na nagpapansinan ang magkaka-grupo. Na labis na ipinagtataka ni Carmela. Si Johnny lang ang hindi nagbago. Kaibigan pa rin ang turing sa kaniya. Lalo pa nga silang naging close na siyang ikinasiya niya. Pero ang nakapagtataka sa lahat, ang pagbabago ng kani-kanilang buhay. Si Shelley, biglang naging mayaman. Hindi lang basta mayaman, pinakamayaman sa eskuwelahan nila. Nagkaroon ng maraming business ang pamilya nila. Ang sabi-sabi, tumama daw sa lotto. Pero imposible naman na magkaroon kaagad ng 100 business sa loob lang ng isang linggo? Pumasok siyang nakakotse. 'Yong latest model pa, with

