Ilang segundo muna ang lumipas, bago marahan muling tumango si Rick. Halos hindi na niya maigalaw ang kamay para pindutin ang lock ng trunk na nasa gilid ng kambiyo. Isang buntong-hininga ang ginawa ni Rick bago pinindot ang open lock. Nagpasalamat pa ang pulis at dumiretso na sa likuran ng kotse. Halos hindi na humihinga si Rick. Nagtataka naman ang katabi nitong babae dahil halatang tense ang lalaki. Napapikit nang mariin si Rick nang bumalik ang pulis sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan. Mayamaya pa ay may narinig siyang sigaw na sinasabing kung maaari raw bang buksan ang maleta. Ni hindi siya gumalaw para bumaba, mahigpit niyang hawak ang manibela at ninais na patakbuhin na lang ito nang mabilis para makaalis na sa lugar na iyon. Lumapit ng muli ang isang pulis sa gawi niya at

