Kabanata 30 "Hindi mo 'ko kailangan tutukan ng baril," malamig na untag ko. "Kusa akong sasama sayo, Hattie." Dumiretso ako ng tayo habang iniinda ang sakit ng naramdaman sa likod. Nanlaki ang mata niya at takang napatingin sa 'kin. She got the gun again. She's holding it while shivering and with those dagger eyes. "You should be angry!" Hattie exclaimed. "I'm your friend, but..." "Bakit ako magagalit?" I smiled at bit. "Gaya ng sabi mo, kaibigan kita. Kaya bakit?" Kilala ko siya. Kilalang-kilala Dismayado siyang umiling sa akin. Napalingon ako ulit sa likod at nakita si Primo na may hawak ding baril. Mukhang iyon ang inihampas niya sa akin kanina. Pero kulang... ni hindi man lang ako nawalan ng malay. May mali sa lahat. At kailangan ko 'yon alamin. Kailangan ko maging kalmado.

