❀⊱Jhovel's POV⊰❀
Kanina pa ako nandito sa hideout mansion ni Kuya Orion, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Sabi nya ay may mahalaga siyang sasabihin sa amin, pero ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin siya dito. Kahit nga ang anino niya ay hindi ko pa nakikita. Hindi ko maintindihan kung saan ba palaging nagpapalipas ng oras ang kuya ko. Kung kaylan naman may sinabi siyang importanteng bagay na pag-uusapan, saka naman parang bula na nawawala. Ang hirap kaya maghintay nang ganito! Para akong tanga rito dahil ang ibang mga kaibigan naman namin ay wala pa at may mga misyon silang inaasikaso. Nasaan na ba kasi 'yon, naiinip na talaga ako dito. Nakakainis! Akala ko ba urgent ‘yong sasabihin niya? Pero bakit parang wala naman siyang pakialam?
Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa poolside, naglalaro ang mga daliri ko sa malamig na bakal ng railing. Ilang beses ko nang chineck ang phone ko, pero wala man lang update o kahit text mula sa kanya. Tiningnan ko ang entrance ng mansion, nagbabakasakaling bigla siyang lalabas mula sa kung saan, pero wala pa rin. Napatingin na lang ako sa tubig ng pool, umaasang kahit papaano ay maaliw ang sarili ko sa reflection ng buwan na naglalaro sa malumanay na galaw ng tubig. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala ang inis ko.
"Bakit ganyan ang pagmumukha mo? Problem?"
Napalingon ako sa direksyon ng boses. Papalapit sa akin sina Aja at Ynah. Mukhang kagagaling lang nila sa labas, parehong may bitbit na guitar case. I rolled my eyes. Do I have a problem? Nope, I don’t think so. Hindi ko naman problema kung wala pa dito si Kuya Orion, hindi ba?
"Wala akong problema, hinihintay ko lang si Kuya Orion. Sabi niya sa akin ay may mahalaga kaming pag-uusapan, pero hanggang ngayon ay wala pa siya dito. Napapansin ko na lagi na lang siyang late sa mga usapan namin, ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng isang 'yon?" Sagot ko habang nauupo ako sa mahabang rattan chair sa gilid ng pool. Napasandal ako at tinapik-tapik ang armrest, pilit na pinapakalma ang sarili.
Kamusta ang misyon ninyong dalawa?" Tanong ko.
Aja smirked habang naglalabas ng isang sigarilyo mula sa bulsa ng leather jacket niya. Inalis niya ang safety ng lighter at saka sinindihan ang sigarilyong hawak niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihitit niya ang kanyang sigarilyo, pagkatapos ay bahagyang tumingala at nilalaro ang usok ng sigarilyo bago nito tuluyang ibinuga.
"Our mission went smoothly... we successfully eliminated our target without any complications." Sagot niya. Walang kahit anong emotion sa boses niya, 'yung parang normal na sa amin ang pumatay ng masasamang tao. Which, to be honest, is true kasi sa mundo namin, eliminating targets is just part of the job. Tumango ako bilang sagot at saka inis akong pumadyak. Natatawa naman sila sa akin, pero ano ang magagawa ko, kanina pa kaya ako dito. Ang dami ng oras na nasayang, tapos wala naman si kuya.
"Hindi nyo ba alam kung nasaan si Kuya Orion?" Tanong ko sa kanilang dalawa, pilit kong ipinapakita ang pagkainip ko dahil kanina pa talaga ako dito. Kaninang-kanina pa kung tutuusin, pero hanggang ngayon hindi pa siya dumarating. Gusto ko na ngang umalis dahil may misyon din ako kasama si Greg, pero hindi pa ako makaalis dahil wala pa si kuya.
"Kaylan ba niya sa'yo sinabing pumunta ka dito?"
Napalingon kami nila Aja at Ynah nang marinig namin ang boses ni Noah. Nandito siya? So, ibig sabihin ay nandito na rin ba si kuya? Hindi naman kasi umaalis ang kuya ko na walang kasamang mga tauhan namin, lalo na si Noah, na palagi niyang bitbit saan man siya magpunta dahil magkaibigan silang matalik. Pero bakit si Noah lang ang nakikita ko? Nasaan ba talaga ang isang 'yon? Ang aga-aga kong nagpunta dito tapos hindi naman pala niya ako sisiputin.
"Kagabi. Sabi niya mahalaga ang pag-uusapan namin kaya pumunta ako ngayon dito. Why did you ask? Where's kuya?" Sagot ko, naiinis ako dahil mukhang hindi ko magugustuhan ang isasagot niya sa tanong ko.
Napatitig ako kay Noah, pero imbes na seryosong sagutin ang tanong ko ay natawa lang siya. Napakunot ang noo ko sa sobrang inis. Ano ang nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"He isn’t here right now. Didn’t you know? He left for California last night. He mentioned that it was something urgent... business-related, to be exact. That’s why he had to travel immediately. He didn’t want to waste any time, so he took his private jet and flew out as soon as possible." Sagot niya.
Naanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat ko. California? Kagabi? Wala akong natanggap na kahit anong impormasyon tungkol dito. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan, umaasang kahit paano ay may alam sila. Pero sa ekspresyon nila ay mukhang wala din silang alam tungkol sa pag-alis ni kuya kagabi. Bakit hindi niya sinabi sa akin? May itinatago ba siya sa akin?
"Wala akong alam diyan kaya huwag mo akong tignan ng ganyan. Nasa misyon kami ni Aja kaya hindi namin alam." Sagot ni Ynah habang nagsasalin ng alak sa kopita.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago muling ibinaling ang tingin ko kay Noah. Kahit pa pilitin kong intindihin kung bakit biglaang umalis si Kuya Orion, hindi ko pa rin maiwasang mainis. Hindi dahil hindi niya ako ininform, basta na lang siya umalis ng mag-isa ng walang sinasabi sa akin. Magkapatid kaming dalawa, dapat lang naman na alam ko.
"He is our leader, and he should never be left alone." Sabi ko. Nagkibit balikat naman si Noah at natawa pa ng mahina. Naupo ito sa rattan chair at kinuha ang bote ng alak at tinungga ito.
"Ang dami nating kalaban sa iba't ibang panig ng mundo na always waiting for an opportunity to strike. Kapag matunugan nila na si Kuya ay isang pinuno at nag-iisa lang, baka may mangyari sa kanya. Our entire mafia organization would be at risk. So tell me, why didn’t you go with him? Nag-aalala tuloy ako sa kanya." Naiinis kong sabi habang nakatingin kay Noah, at inaasahan ko na may matinong sagot siyang ibibigay. Kanina pa kasi siya patawa-tawa na parang okay lang ang lahat.
Imbes na sagutin agad ako ay nagsindi lang siya ng sigarilyo at saka tumingin sa akin, tila nag-iisip kung paano niya ipapaliwanag ang sitwasyon. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan siyang bumubuga ng usok sa hangin, na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Nakakainis talaga minsan kung paano ito magdala ng usapan... madalas kasi ay parang nang-iinis lang siya, tapos bibigyan ka ng sagot na may halong pang-aasar. Ganyan talaga ang ugali ni Noah, kaya magkasundo silang dalawa ni kuya.
Magsasalita sana ako, pero tumunog bigla ang cellphone ko, at nang makita kong si Red ang tumatawag ay hindi ko ito pinansin at wala akong balak na sagutin man lang. Pinabayaan ko lang na patuloy itong mag-vibrate sa ibabaw ng lamesa, walang balak sagutin kahit ilang beses pa siyang tumawag. Wala akong energy para makipag-usap sa kanya ngayon.
"You know how he is... sometimes he can be just as stubborn as you." Sagot ni Noah matapos ang ilang sandali, at katulad nga ng inaasahan ko ay may pang-aasar na naman. Pagkatapos ay napatingin pa siya sa phone ko na umiilaw sa ibabaw ng table.
Bahagya akong natawa, sarap sapakin ng isang ito. Hindi naman matigas ang ulo ko... kung minsan lang pero kay kuya lang. Sa kanila naman ay mabait ako, kaya nakakainis ang sagot niya sa akin.
"Sagutin mo na 'yang asawa mo at baka bigla pa 'yang sumugod dito. Baka namimiss ka na. Masyado mo yatang pinapasabik sa ano mo..." Pang-aasar ni Aja habang nakangisi, mukhang ako na naman ang magiging topic namin ngayong gabi dahil sa buwisit na Red na ito. Alam naman nila ang sitwasyon namin ni Red, at alam din nilana kung pwede ko lang i-divorce si Red ay matagal ko ng ginawa, kahit na alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Hindi naman ako mahinang klase ng babae na bigla na lang iiyak sa isang sulok dahil sa lintik na pagmamahal na 'yan. Well... hindi pa sa ngayon. Ay ewan!
Inirapan ko lang si Aja bago ako umupo sa tabi nila, walang balak patulan ang pang-aasar niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang kopita ng alak ni Ynah at walang pasabing inubos ito sa isang lagok lang. Natawa sila at napatingin sa akin. Pero hindi naman ako kumibo at itinapat ko lang kay Noah ang kopita upang salinan niya ulit ito.
"Bahala siya sa buhay niya. Masyadong mayabang ang lalaking 'yon. Ewan ko ba kay Kuya, sa dami ng pwedeng ipakasal sa akin... bakit ang lalaking 'yon pa? Nakakainis ang naging kasunduan nila, wala akong karapatang umatras. Sinigurado talaga nila na hindi ako makakatanggi pa." Inis kong sagot, napapailing habang inaalala kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya. Bakit hindi na lang iba na pwede kong kontrolin? Natawa naman silang lahat sa sinabi ko, as if naman ay nakakatawa ang tinuran ko.
"Mahigit anim na buwan na kayong kasal, don't tell me hindi mo pa napapalambot ang puso ng isang Red Janus Calypso? Simple lang ang gawin mo, hubarin mo ang pantalon ng isang 'yon at saka mo iparanas sa isang 'yon ang hindi niya makakalimutan. Alam mo na ang ibig kong sabihin..." Pang-aasar ni Noah. Bigla tuloy tumaas ang kilay ko at sinipa ko siya sa tuhod.
"Pwede ba! Bakit ganyan ang sinasabi mo? Tumigil ka nga Noh! F Y I, virgin pa ako." Sagot ko, pagkatapos ay muling umugong ang malakas na tawanan sa buong paligid. Mga lintik na ito, at talagang ginawa pa akong katawa-tawa. Ano naman ang masama sa sinabi ko? Totoo naman!
"Gawin mo ang sinabi ko. Magpawasak ka na sa lalaking 'yon at luhuran mong bigla. Tignan ko lang kung hindi lumambot ang puso ng isang 'yon. Mas lalong mamumula 'yon sa sarap na ipaparanas mo sa kanya." Sabi muli ni Noah. Inis na inis ako na muli ko siyang sinipa. Bwisit talaga ang lalaking ito!
"Pwede ba tigilan na ninyo ako! Hindi na kayo nakakatuwa." Sabi ko. Natawa silang muli.
"Wala namang masama sa sinabi ni Noah. Mag-asawa naman kayo ni Red, so bakit hindi mo gawin. Malay mo lumambot nga ang puso ng isang 'yon." Sabi ni Aja.
"Kung ayaw mo namang ibigay pa 'yan sa kanya, pakisamahan mo na lang." Pakli naman ni Ynah. I rolled my eyes at her. As if I care kung lumambot man ang puso ng lalaking 'yon o hindi. Wala akong pakialam, at hindi ko rin balak pag-aksayahan ng effort ang pakisamahan ang lalaking 'yon. Kung siya nga walang effort na pakisamahan ako ng maayos, bakit ako pa ang magpapakahirap? Bahala siya sa buhay niya.
Hindi ko na sila pinansin pa. Dumating si Greg kaya inaya ko na siya na gawin ang misyon naming dalawa. After na lang ng misyon ko tatawagan ang kuya ko upang alamin ang kalagayan niya at kung bakit wala siyang sinabi sa akin tungkol sa pag-alis niya. Humanda talaga siya sa akin.