*Third Person's POV* Makalipas ang tatlong taon ay naging opisyal na grupo na ang mga prinsesa at ang tinawag sa kanila ay Princesses sa kadahilanang ang grupo lamang nila ang tanging grupo ng kababaihan na kabilang sa mataas na ranggo sa mafia world. Lahat ay hanga sa galing nila at sa ganda nila, mapalalaki man o babae, iniidolo sila. Nang nasa 13 taong gulang na si Joanna ay ipinadala sila sa isang lugar na hindi nila alam para sa isang misyon, at ang lugar na iyon ay ang mundo mismo ng mga bampira, ang mundo ni Jason. Habang sila ay naglalakbay sa mundong hindi pamilyar sa kanila ay nakalaban nila ang isa sa pinakamalalakas na bampira noon, isa sa mga may dugong bughaw na bampira. Ito ay isang bampirang nawalan ng kontrol sa sarili, lahat ng makita nitong may buhay ay agad niyang p

