"Ten months is over now Mrs. Monteneille. I hope you won't forget what we've agreed ten months ago." Sumalubong sa aking harapan ang seryosong mukha ni Mr. Madrigal at ng dalawa pa niyang kasamang pulis na nasa kaniyang likuran. Kanina ko pa sila hinihintay pagkatapos nilang tumawag sa akin na susunduin na nila ako. Sumunod sa aking likuran si Enfakid. Bitbit ang anak naming dalawa. Si Bonakid Monteneille. Napangiti ako nang mahimbing itong natutulog sa kandungan ng ama niya. Napatingin roon si Mr. Madrigal at agad siyang napangiti. "Congratulations to the both of you. But life is so unpredictable." Tumango ako. Bumaling ako sa asawa ko at kinuha mula sa kaniya ang anak namin. Kahit sa kaunting oras ay mayakap ko ito at maramdaman ang init ng anak namin. Naramdaman kong sumunod an

