ILANG ARAW na ang lumipas. Patuloy pa rin ang transaction nila tiyo sa sindikato. Kasama na kami nila Mildred at Cassy. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin sa araw na ito. Nakalugmok lamang ako sa mesa habang pinagmamasdan ko ang pagpapakulo ko ng tubig. Ako na lamang ang mag-isang naiwan rito sa apartment naming tatlo. May pinuntahan kasi ang dalawa kong kasama. Paniguradong inutusan na naman sila ni tiyo. Mabuti na lamang at hindi ako nabigyan ng misyon ngayong araw. Malaya ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. Tulad na lamang sa kung papaano ko maitatakas ang aking sarili mula sa kadiliman. Pakiramdam ko ang sama-sama ko nang tao dahil sa ginagawa ko. Oh, sadyang masama nga talaga ako noon pa man. Lahat naman ng tao sa mundo ay may taglay na kasamaan.

