Chapter 3

1576 คำ
Dahil sa nangyaring eksena kagabi sa pagitan naming dalawa ni Calvin, umiwas akong lumabas ng kwarto. Pabalik-balik ang mga kasambahay sa pagkatok mula sa may likuran ng pinto at nakailang tawag na rin, pero mas pinili kong magmukmok. Nagtalukbong ako ng kumot at saka nagpanggap na tulog kahit pa nga ang totoo ay gising na gising naman ako. “Mia!” dumadagundong na tinig ni Calvin ang sumunod kong narinig na nagtawag mula sa may labasan ng kwarto. “Nandito na ang taong may malamig pa sa yelo kung tumitig sa mga mata ko,” usal ko. Napaigtad ako dahil sa lakas niyang kumatok mula sa may likuran ng pinto, ngunit pinili ko pa rin na magpanggap. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kumot saka itinalukbong iyon ng husto sa buo kong katawan. Narinig ko ang pagpihit ng doorknob tanda na may nagbubukas ng pintuan. Kinabahan ako dahil alam kong si Calvin lamang ang may karapatang magbukas sa bawat pinto ng kwarto. Siya ang may-ari ng bahay at kahit pa ano ang gawin niya ay walang pipigil sa kaniya. Pabalagbag na bumagsak pasara ang pintuan kasunod ang malalakas na yabag palapit sa aking kinahihigaan. “Huwag kang magpanggap, Mia! Alam kong gising ka na kaya bumangon ka riyan!” punong-puno ng awtoridad na utos sa'kin ni Calvin. Pinanindigan ko ang sinimulan na pagpapanggap kung kaya tinuloy ko lang ang pagtutulog-tulugan. Pinigil ko ang paghinga at hindi ako kumilos para mas kapani-paniwala talaga. “Calvin!!!” natitilihang hiyaw ko nang buhatin niya. Inipon ko ang buong pwersa sa ‘king mga kamao saka nagpumiglas at sunod-sunod na pinagpapalo ang kaniyang dibdib. Hindi importante sa’kin kung nagusot ko man ang suot niyang long-sleeve, ang mahalaga lang naman ay mailayo ko mula sa kaniya ang sariling katawan. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing madidikit sa kaniya at hindi ko iyon nagugustuhan dahil parang pinagtataksilan ko ang sariling isipan. Umikot ang mundo ko ng pabalagbag akong bumagsak sa ibabaw ng kama. Mabuti na lang malambot iyon gawa ng makapal na kutsong nakapatong. Kung nagkataon ay tiyak na bukol at sakit ng katawan ang tatamasahin ko. “Calvin!!!” sigaw ko at kahit nahihilo ay pinilit kong umalis sa ibabaw ng kama upang sugurin siya. Pinagbabayo ko ang dibdib niya at tila balewala lamang iyon sa kaniya dahil para nga lang akong humahampas sa matigas na pader kung saan wala rin naman akong napapala. Patuloy ako sa pagwawala hanggang sa nagkusa na rin akong tumigil sa paghampas sa kaniyang dibdib. Para lang kasi akong tanga na pumapalo ng matigas na pader. Nauubos lang ang lakas at oras ko na pakiwari ko pa nga’y pinagtatawanan niya lamang din. “Are you done?” malamig niyang tanong. Matalim ang mga matang pinukol ko siya ng tingin. “Ang lakas ng loob mong ihagis ako sa kama. Ano bang palagay mo sa’kin, bola?!” Puno nang panggigigil ang bawat salitang binitiwan ko sa kaniya. Inis na tinalikuran ko siya saka inisang hakbang ang patungo sa banyo. Nasa pintuan na ako nang mahagip ng pandinig ko ang kaniyang winika laban sa akin. “Huwag kang umarte Mia na akala mo ay maaawa ako sa’yo. Tandaan mo nasa puder kita at kahit anong gawin mo ay mananatili kang bilanggo sa pamamahay na ‘to!” Nagngingitngit ang kaloobang hinarap ko siya saka iniwanan ng masamang pananda kung saan ang middle finger ko lamang ang nakatayo habang binibelatan siya. Sa labis na inis halos nakalimutan ko ang totoong sitwasyong kinakaharap sa pamamahay na ‘to. Nagdadadabog na humakbang ako papasok sa loob ng banyo saka malakas na ibinagsak ang pinto. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang intention ngunit maagap si Calvin sa pagsalo sa pintuan na naging dahilan nang pagkaipit ng mga daliri niya sa kamay. Pinagpawisan ako ng malagkit at bigla na lamang nanlamig ang pakiramdam ko nang makita ang dugong umaagos mula sa kaniyang mga daliri. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at tila anumang sandali ay bibigay na ang mga iyon mula sa matatag na pagkakatayo. “D-dugo...” nanginginig ang mga labi kong usal. Lumapit siya sa may sink at binuksan ang gripo. Hinayaan niyang umagos ang tubig doon habang nakatutok naman ang kaniyang mga daliring panay pa rin ang pagdurugo. Mas higit akong apektado sa nakikita na pagdurugo ng kaniyang mga daliri sapagkat takot akong makakita ng dugo. Lalo na kung nanggagaling iyon mismo sa katawan ng tao. “Are you alright?” tanong niya na ‘di ko sinagot sapagkat okupado pa rin ang isipan ko ng dugong nakikita. “Namumutla ka, Mia. What happen to you?” muli niyang sabi nang humarap siya sa’kin. Muling nagbalik sa isipan ko ang totoong sitwasyon namin dalawa at doon pa lang din ako nahimasmasan. Akmang aalis at tatalikuran ko na sana siya ng mabilis niya naman akong hinapit sa aking baywang. “Calvin!” bulalas ko sa kaniyang pangalan. “Where are you going?” namamaos niya ng tanong. “L-la-labas...” Ayoko man ngunit hindi ko maiwasang mautal sa pagsagot. Sa tuwing nadidikit ang katawan ko sa kaniya ay kakaibang kilabot ang dinudulot niyon sa’king pakiramdam. Parang may kung ilan libong boltahe ng kuryente ang nanunulay sa bawat ugat ko sa sandaling nagkakadikit ang aming mga balat. Sinikap kong umalis mula sa pagdikit sa kaniyang katawan, ngunit higit na malakas ang pwersa nang pagkapit ng kamay niya sa aking baywang. Gusto kong mapasinghap sa ibayong sensasyon na lumulukob sa buo kong pagkatao, ngunit pinigilan ko. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi upang huwag marinig ni Calvin ang ungol na nagpupumilit na kumakawala mula sa loob ng bibig ko. Pilit kong sinasaway nang palihim ang sarili dahil ayokong isipin niya na nagugulo ako ng kaniyang presensiya kahit pa nga iyon naman talaga ang totoo. “You’re trembling!” Ipinaharap niya ako sa kaniya at saka matiim na sinalubong ng mga mata niya ang mga mata ko upang tiitigan. Buong tapang akong nakipagtitigan sa kaniya ngunit ako rin ang unang sumuko. Hindi ko kayang tagalan ang pagtitig ng malamig niyang mga mata lalo pa at nakadarama ako ng pagkailang. Itiningala niya ang mukha ko paharap sa mukha niya kaya nasilayan ko ang pagtaas ng isang sulok ng kaniyang labi. “Now I know your weakness.” Iniiwas ko ang tingin sa kaniya pero maagap niyang nahuli ang mukha ko at saka ikinulong sa loob ng kaniyang mga palad. “Huwag kang matakot sa dugo ko dahil sa akin ka higit na kailangang matakot.” Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi matapos sabihin ang mga katagang iyon. Imbes na matakot, wala akong ibang maramdaman ng mga sandaling iyon kung hindi ang mamangha lamang sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang hatid na karisma ng ngiting inilahad niya gayong hindi naman ako dapat makaramdam ng ganitong pakiramdam sa kaniya dahil kalaban ko siya! Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang realidad na iyon. Agad ko siyang itinulak sa dibdib para mapalayo mula sa kaniya ngunit mas hinigpitan niya lamang ang paghapit sa baywang ko. Daig ko pa ang may alagang kabayo sa dibdib na panay ang takbuhan dahil sa bilis nang pagpintig ng puso ko. Ramdam ko ang malakas na kaba at matinding antisipasyon sa buo kong pagkatao nang dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. “You’re mine, Mia.” Hindi na ako nakapagprotesta o makapagreklamo man lang dahil siniil niya na ng halik ang labi ko. Nandidilat naman ang mga mata kong nakatitig sa kaniya habang masuyong hinahagod niya ang aking labi kahit pa nga wala akong pagresponde. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang gagawin dahil sa kaniya ko lamang nararanasan ang mahalikan. Siya kaya ang first kiss ko! “Open your mouth, Mia.” Tila nasagot naman ang katanungan sa aking isipan nang ibulalas iyon ni Calvin. Nanginginig ang mga labing sinunod ko siya at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang salakayin ng kaniyang dila ang loob ng aking bibig. Bawat maraanan ng dila niya ay may iniiwanang katas ng kaniyang laway na para bang sinasabing siya lamang ang may karapatan sa bawat bahagi niyon. Nakakalunod ang halik na ipinaparanas niya at hindi maitatangging bumibigay na ang sarili kong katinuan. Tuluyan na nga akong bumigay sa halik niya at namalayan ko na lamang ang sariling tumutugon sa bawat sabik na paggalugad ni Calvin sa loob ng aking bibig. “C-Calvin...” halinghing ko nang iwanan ng kaniyang bibig ang aking bibig. Huminto siya sa paghalik sa’king labi saka marahan akong inilayo sa kaniya kung kaya napamulagat ako sa mga mata ko. “Gustuhin ko man magpatuloy tayo sa ating ginagawa ay hindi ko maaaring gawin sapagkat may mahalaga tayong lalakarin.” Masuyong hinaplos niya ang labi ko ng kaniyang hinlalaking daliri. Nakaramdam ako ng disappointment at ‘di ko iyon dapat maramdaman. Inis na ibinaling ko ang ulo sa ibang direksyon upang itago ang saloobin ko. “We have more time for this, Mia. I promise! For now you need to get dress at tiyak na naghihintay na sa ating dalawa ang magulang ko. H’wag natin palampasin ang pagkakataong makilala ka nila dahil sabik na sabik na silang makita ka.” Kahit ‘di ko nakikita ang reaksyon niya ay ramdam ko ang excitement sa kaniyang tinig kung kaya nahawa na rin ako. Tumango-tango na lamang ako bilang pagtugon sa habiling isinasambit niya kahit pa nga ang totoo ay lumulutang ang aking kaisipan.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม