MAG-ISANG nagtungo sa hacienda si Rafy. Pagbaba pa lamang niya ng kotse ay natanaw na niya ang sadya. Nasa kubo ito at may kausap na tauhan. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad patungo sa kinaroroonan ito. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito nang lumingon at makita siya. Mula sa pagkagulat ay gumuhit ang kasiyahan sa mukha nito. Nagpaalam ito sa kausap at sinalubong siya. “This is a surprise, Rafy,” salubong nito at inalahad sa kanya ang kamay para alalayan siya. Hinayaan niyang alalayan siya nito dahil madulas ang lupa. Her instinct was telling her to protect the life she was carrying inside her womb. Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa kubo. Sila lamang ang naroon. Wala na roon ang taong natanaw niyang kausap nito kanina. “I’ve missed you,” sabi nito na

