Masama ang mukha at ang paligid ay napapalibutan ng masamang aura na nagmumula sa binata. Ang dalawang kaibigan, si Denrik at Denis ay hindi makapagsalita na nakatingin kay Kayde na hindi maipinta ang mukha. “Ano na naman ba ang kailangan niyo?” Naiinis na tanong ni Kayde sa dalawa. “Alam na alam niyo talaga kung anong araw puno ang refrigerator at kung kailangan ako namamalengke ‘no?!” “Hindi ah!” Mabilis na sagot tanggi ni Denis na siyang nangunguna. “Andito kami para mangamusta.” “Mangamusta?” Nangigil na tumawa saka dinuro ang mesa. “Inilabas mo lahat ng grocery sa ref ko, nakakalahati mo na ang pinamili ko. Kung ganyan ang uri ng pangangamusta na sinasabi mo, mas mabuti ng wag ka na mangamusta.” mas lalong nag-iinit ang ulo niya sa dalawang hay0p sa harapan niya. “Ang sama naman

