CHAPTER 14

1682 คำ
Chapter 14: Competition NAKAUPO kami ni Vira sa waiting area at nanonood lang kami sa mga estudyante na paroon at parito ang paglalakad. May iba ay naghahampasan pa sa daan at nagkukuwentuhan habang naglalakad sila. Break time namin kaya nagawa naming tumambay muna. Mamayang hapon pa ang klase namin. Si Vira as usual ay kumakain na naman siya ng lollipop. Palagi siyang may baon na lollipop. Pasalamat siya at hindi nabubulok ang ngipin niya. Nakatutok naman ang atensyon niya sa phone niya at nang silipin ko kung ano ang pinagkakaabalahan niya ay pa-scroll-scroll lang naman siya ng f*******: account niya. Hindi ako gaano gumagamit niyon at maski ang profile ko ay madalas umaabot iyon ng three months bago ko napapalitan. Siya rin mismo ang nagpapalit niyon. Sinisita niya kasi ako na hindi man lang daw ako nagpapalit ng profile picture ko. Eh, siya raw ay halos araw-araw na. Kinukuha niya ang phone ko at puro siya stolen shot, saka niya i-a-upload ’yon sa social media accounts ko. Ewan ko kung bakit hindi ko rin nakahiligan iyon. Basta ang pinagtutuunan ko rin nang pansin ang pag-aaral ko dahil BS psychologist ang kursong kukunin ko sa college. Pinaghahandaan ko na rin ang entrance exam namin in the next two months. Si dad mismo ang nag-asikaso niyon. “Francine, look oh. Nag-out of town sina Kuya Khai at Calystharia,” aniya at lumapit pa siya sa akin. Ipinakita niya ang screen ng phone ko. Si Calystharia ang nag-upload ng latest pictures niya together with her boyfriend. She’s 21 years old and I heard, naipakilala na rin niya si Kuya Khai sa family niya as her boyfriend. Legal na ang relationship nilang dalawa at ang kulang na lang. . . Ang mag-settle down sila pareho. Graduating na nga rin siya at si Kuya Khai ay hindi na rin bumabata. He’s already ready to settle down, for sure. I shrugged my shoulders. “Let them be, boyfriend and girlfriend, eh,” sabi ko at napanguso siya. “Ikaw ha, Francine. Ang laki na ng pinagbago mo. Hindi ka na katulad ng dati na masiyahin at napaka-jolly. Ang matured na ng mind mo, beh!” ma-dramang sambit niya at napahalakhak ako. Ang parents ko ay isa na sila sa nakapansin sa pagbabago ko bigla. Hindi iyon dahil nasa legal age na talaga ako. That’s all because of. . .him. “Hey, Francine! Alvira!” Sabay pa kaming napalingon ng best friend ko sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Napangiti ako nang makita ko si Jessrill. Kumaway ako sa kaniya at lakad-takbo pa ang ginawa niya. “Hi, Jessrill!” masayang bati ko sa lalaki. “Hola, Jess! Naliligaw ka na naman sa school namin!” sigaw naman ni Vira. Jessrill chuckled softly. Hinagod pa ng mahahaba niyang daliri ang buhok niya. “Yeah. Sinadya ko rin naman na dumaan dito para yayain kayong manood ng competition namin next week. Sunday ’yon. Hindi naman siguro kayo busy, right?” Jessrill, naging good friend naman siya sa amin ni Vira at nakahihiya kung tatanggihan namin siya. Gayong kami pa nga ang sinadya niya rito para lang yayain kaming manood sa competition na kasama naman siya dahil siya ang team captain. “Sure, Jessrill. Count me in,” sabi ko at napangiti siya saka niya tiningnan si Vira. Inilabas nito ang lollipop. “Baka date iyon after the competition, right? Kahit hindi naman ako kasama ay oks lang, Jess. Nahiya ka pang yayain ang best friend ko. Eh, single naman na siya. Pero ligawan mo muna siya,” hirit ni Vira kaya siniko ko siya. Si Jessrill naman ay sa halip na mahiya ay napahalakhak lang din siya. “Masyado kang straight forward, Vira. Hindi ba puwedeng dahan-dahanin ko muna?” Ewan ko kung joke lang ba ito ni Jessrill pero natutuwa pa rin ako. Just like what I said ay magaan siya kausap and I like his humor. Pati kasi ako ay nahahawa sa pagngiti. “Wala ba kayong klase, Jessrill?” I asked him. “Mayroon pero exempted ako dahil sa practice namin,” sagot niya. “Goodluck, Jess! Para makuha mo na agad ang puso ng best friend ko!” pag-cheer up naman ni Vira. “Silence!” sigaw ko kay Vira na ikinatawa nilang dalawa kaya naman napairap ako. “Punta kayo, ha?” sabi pa niya at napangiti na naman ako dahil muli kong nakita ang dimple niya. “Yeah, darating kami ni Vira,” I said. “Kahit hindi na ako kasama, oks lang,” pagsingit ni Vira. “Alvira!” I called out her name and pareho na naman kaming natawa. DUMATING nga ang araw ng competition ni Jessrill. Binigyan pa niya kami ni Vira ng shirt nila. Golden team sila. Pagkarating nga namin doon ay marami na ngang estudyante. Sa field ng university nila ginanap kasi soccer naman ito. Halos nakatayo ang lahat, maliban sa unahan ay may mga chairs na para siguro sa mga players or officers na gustong manood ng competition. “Francine, Vira!” Sa dami ng tao ay nakita pa kami ni Jessrill. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Napatingin pa siya sa dala kong bouquet. Right, bumili pa kami nito ni Vira. Ewan ko rin kung bakit flowers ang napili kong ibigay o baka alam kong mananalo ang team nila. “Hi, Jess. Goodluck na agad sa competition ninyo,” ani Vira at ang dala naman niya ay cookies. “Sa akin ba ’yang mga dala ninyo? Lalo na ’yong sa ’yo, Francine?” he asked me and I nodded. “Alam kong mananalo kayo kaya congrats in advance,” I told him. “Wow, thank you, Francine. Pero mamaya ko na kunin, ha?” “Yes, sure. Goodluck!” pag-cheer up ko naman sa kaniya with a hand gesture pa. “Thank you, ikaw ang lucky charm ko,” sambit niya at nang kumindat siya sa akin ay nakaramdam ako nang kung ano sa tummy ko. Something like—there’s a butterflies on my stomach. Oh, my gosh! Did I just felt the kilig?! “Ayie! Nag-blush siya! Kilig ’yan, beh!” panunukso ni Vira sabay sundot sa tagiliran ko kaya dumoble lang ang nararamdaman ko sa tummy ko. “Oh, shut up!” sigaw ko kay Vira pero malakas na tinawanan niya lamang ako. “Oh siya, siya. Tama na ’yan. Sumunod kayo sa akin. Doon kayo sa unahan dahil may upuan akong reserba,” saad niya at siniko ko pa si Vira saka kami sumunod kay Jessrill na may multong ngiti sa mga labi niya. Nakita ko naman si Kuya Thyzer na patakbong lumapit kay Jessrill. Mas nauuna kasi itong naglakad. “Jess! Sa kung saan-saan ka na naman pumupunta! Magsisi—Francine? What are you doing here?” he asked me when he saw me. Talagang natigilan pa siya. “Is this because of you, Jess? You invited her to watch your competition?” tanong naman niya sa friend niyang si Jessrill. “Yes. I told you that Francine and I are friends, and also Vira, her best friend,” Jessrill explained. Nakakunot naman ang noo ni Kuya Thyzer. “Hi, Kuya Thyzer,” I greeted him. “Hello, Francine. Alam ba ni Khai na nandito ka?” tanong niya at ang lamig pa ng boses niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. “Need ko po bang magpaalam sa kaniya, Kuya Thyzer?” balik kong tanong at tumango siya. “My nephew is overprotective when it comes to you, Francine. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa ’yo,” sabi niya at nagdala pa rin nang kirot sa dibdib ko. Kapatid ang turing sa akin kaya nga ako nasaktan kasi iba rin ang turing ko sa pamangkin niya. “I’m already 18, Kuya Thyzer. I can handle myself alone,” I told him but he shook his head. “Jessrill,” seryosong tawag niya sa friend niya. Nagkibit-balikat si Jessrill. “Alam mo ba noong bata pa ako ay inggit na inggit ako sa pamangkin ko dahil sa atensyon ni Francine?” Napangiti ako sa narinig. Dahil naaalala ko ang sinasabi niya tungkol doon. 10 years old pa lamang siya noon, mas matanda si Kuya Thyzer. “Iyan ang hindi ko alam,” umiiling na sabi ni Jessrill. “Naku, magsisimula na ang competition ninyo, Jess!” sigaw naman ni Vira. “Mamaya ka na magreklamo, Thy,” sabi ni Jessrill at iginiya na niya kami sa upuan na tinutukoy niya. Napatingin pa sa amin ang ibang player, especially iyong mga kasama ni Jessrill. Kasi naman ay nakaupo na kami sa chair na dapat para lang yata sa kanila. White shorts ang suot ko na hantad na hantad ang legs ko. May iba pa naman akong suot na shorts sa loob. Ipinatong ko ang flower sa lap ko at excited na akong manood ng competition. “Bro, girlfriend mo?” I heard someone asking him. “Soon,” Jessrill answered. I pouted at tumingin na lamang ako kay Vira na ang lapad ng ngisi niya. “This is your chance na, beh. A sign also that you need to forget him in order to love someone,” she said and I rolled my eyes. “Tsk.” Napalingon naman ako kay Kuya Thyzer at pabagsak na umupo sa tabi ko. Hindi siya kasali sa competition kasi iba ang sports na sinalihan niya. Same lang sila ng pamangkin niya. “Are you okay, Kuya Thyzer?” I asked him. Binalingan niya ako at pinaglalaruan niya ang labi niya habang nakatitig sa ’kin. “Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamangkin ko kapag nalaman niyang nandito ka at inimbitahan pa ng kaibigan ko?” tanong niya. Bakit ba palagi na lang si Kuya Khai ang inaalala niya? “I heard po na nag-out of town si Kuya kasama ang girlfriend niya, and hindi naman po niya ako responsibilidad. I’m not his little sister,” sabi ko at napatango-tango siya. “Let’s see then,” sabi niya at nagulat naman ako nang kuhanan niya ako ng picture. Napanguso lamang ulit ako na ikinatawa niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม