CHAPTER 3

1346 คำ
Chapter 3: Her friend “MAIBA po ako, Kuya. Malapit na po ang birthday mo,” I uttered at napatingin siya sa akin habang nag-d-drive siya. Nag-open topic lang ako kasi tumatahimik siya after naming mag-usap. Gusto ko ay hindi kami nauubusan ng topic. Iyong parang nag-uusap lang kami palagi. Gusto ko rin kasing sulitin ang maikli naming oras. “Yeah. May gusto ka bang ipabili?” tanong niya at tumulis naman ang labi ko. Nang makita niya iyon ay napahalakhak pa siya. Ganito na siya kapag birthday niya. Parang ako ang mag-b-birthday kung tanungin niya nang ganoon. Nasanay rin naman kasi ako, noong bata pa ako ay palagi niyang tinatanong iyon. Nadala niya tuloy hanggang sa pagtanda namin. “Hindi po ba dapat ay ako ang magtanong niyan sa ’yo, Kuya Khai? May gusto ka po bang bilhin ko para sa ’yo?” I asked him. Ako ang magreregalo sa kaniya. Hindi siya mismo. Marahan pa niyang tinapik-tapik ang kamay niya sa manibela ng car niya at nakataas ang sulok ng mga labi niya. Ano naman kaya ang iniisip niya? “I want something, Francine. I don’t think kung kaya mong ibigay iyon sa akin gamit ang allowance mo,” naaaliw na sabi niya na mas napanguso ako. Ipamumukha niya talaga na nanggagaling sa allowance ko ang mga regalong binibili ko. “Ano naman po ’yon, Kuya? Try me, puwede akong humingi kay dad. You know,” I said and shrugged. “I want a new car,” he answered. “Eh? Too expensive. But kakayanin ko naman siguro dahil sa allowance ko kay mom, iba ang kay dad,” I told him and he shook his head. “Kidding aside, Francine,” aniya. Sabi na nga ba at nagbibiro lamang siya. “Sabihin mo na lang po kung ano ang gusto mo, Kuya,” sabi ko. “I want your painting.” Napangiti ako. He adore my masterpiece so much. Kaya mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya. “Okay po. Kailan mo gustong i-paint ka?” I asked him. “I want your baby painting. Noong five years old ka pa lamang. Can you give me that, Francine?” Napakamot ako sa kilay ko. “Po? Bakit naman ’yon?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Basta, iyon ang gusto ko. Kaya mo bang ibigay kay kuya?” Napatango na lamang ako. Iyon lang naman ang gusto niya kaya ayos lang. Saka kinikilig ako dahil hinihingi niya ang baby painting ko. Ang sweet niya talaga. Miss na niya yata ang batang ako. “Mabuti ka pa, Kuya. Tumataas ang edad mo. Samantalang ako ay 15 years old pa lamang,” reklamo ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Malapit na kami sa school ko. Maghihiwalay na naman kami. “Ano naman ang connect doon, Francine? Nagmamadali ka ba? Grow up so slowly, baby,” he uttered. Hala siya, hindi niya alam ang sinasabi niya. May batang kinikilig dito dahil sa pagtawag niya ng baby. “Yeah, yeah,” sabi ko na lamang. Mayamaya ay huminto na ang car niya. “Huwag ka nang bumaba, Kuya. Oks na po ako here,” aniko at mabilis kong kinalag ang seatbelt ko pero hindi niya ako pinakinggan dahil narinig ko na ang pagbukas ng pinto ay umibis na siya mula roon. Hinintay ko na lamang na pagbuksan niya ako. Sinukbit ko na ang backpack ko at agad siyang naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at inalalayan niya akong makababa. Tinulungan pa niya akong ayusin ang backpack ko. Alam ko kung ituring niya ako ay parang nakababatang kapatid niya. Nasasanay na rin naman ako sa ginagawa niya pero iba na ang dating no’n sa akin. Kasi alam ko na ang feelings ko towards him. Hindi na lang basta friends or something na kuya ko. Nakikita ko siya bilang isang ganap na lalaki. “Send me your schedule later through messenger, okay?” paalala pa niya na agad kong tinanguan. “Hindi ka ba busy, Kuya? Graduating ka na, ’di ba? Puwede naman akong magpasundo kay daddy kapag uwian na namin,” I told him. Marahan lang siyang umiling. “Wala naman kaming masyadong ginagawa sa university. Marami pa akong oras. Sige na. Pumasok ka na bago ka pa ma-late,” sabi niya sabay tapik nang marahan sa ibabaw ng ulo ko. Madalas niyang gawin ito. “Sige po, Kuya. See you later po!” paalam ko at naglakad ako nang patalikod kaya sumenyas siya. Kumaway lamang ako sa kaniya at ginawaran pa niya ako nang matamis na ngiti. Just like that, buo na agad ang araw ko. Thanks to him. Hindi ako aloof sa school pero kung sino-sino na nga lang din ang nagiging friends ko at alam ko rin naman kung sino ang tumatagal. Kung sino ang totoo at hindi plastic na tao. Ang best friend kong si Alvira Montenegro. Anak ng mag-asawang laywer at nasa pamilya na nila ang nagkakaroon ng isang abogado. I don’t doubt na kung someday ay iyon na rin ang course na kukunin niya. “Huhulaan ko kung sino ang naghatid sa ’yo,” agad na salubong niya sa pintuan pa lamang. Ang pretty na naman niya ngayon. As usual ay may pink headband na naman siya at kumakain pa siya ng lollipop. Dark blue ang skirt namin tapos white naman ang blouse na may necktie pa. Private school din kasi ito kaya expected mo na maraming rich kid and mostly mga anak ng artista or artist mismo ang nag-aaral dito. May sariling parking lot ang school namin. Hatid-sundo pa ang iba. “Sino pa ba ang maghahatid sa akin kung hindi si Kuya Khai?” nakangiting tanong ko at agad akong yumakap sa braso niya. Malaki ang campus namin at hiwalay ang building namin sa senior high school. Nag-iisa lang din ang cafeteria namin dito kasi isa na iyon sa malaki na may fourth floor pa. Doon lang kami nagkikitang mga senior. “Tsk. Kaya ka hindi naka-m-move on dahil palagi mo siyang kasama. Tanggapin mo na lang ang panliligaw sa ’yo ni Herodes. Para makapag-move on ka na for real sa first love mo,” sabi niya at naramdaman ko pa ang mahinang pagkutos niya sa akin. “Hindi puwede iyon. Fifteen pa lamang ako at pagbabawalan ako ni daddy kapag tumanggap na ako ng suitor ko, Vira. Isa pa, magagalit si Kuya Khai kapag nalaman niya iyon. Kanina nga ay kinuha niya ang lipgloss ko. Ayaw niya akong gumamit no’n. Magsusumbong na rin ’yon kay dad mamaya at mawawala na ang mga binili ni mommy na make up for me,” mahabang sabi ko. Balak ko pa naman sana na i-try kong i-apply ’yon sa face ko kapag free time ko na. Noong grade 8 pa ako ay gustong-gusto ko na talagang subukan iyon. Ayaw lang ni dad kasi nagagalit siya. Na ngayon ay binigyan na rin ako ng permiso ni mommy na gumamit ng mga iyon. So, hindi ko na mapapalampas ito. Kakampihan naman ako ng mommy ko. Therefore ayos lang naman. “Are you sure about that, Francine? Kinuha niya talaga ang lipgloss mo? Hindi pa ’yon literal na makulay like lipstick,” namamanghang saad niya na tinanguan ko. “Pinunasan niya rin ang nasa lips ko,” sabi ko pa sabay turo sa labi ko. Napatango-tango siya. “Don’t worry, i-apply natin mamaya ang bagong bili ng ate ko. Ibibigay ko sa ’yo ang isa,” sabi niya at natuwa naman ako. “Thank you! You’re the best, Vira!” masayang bulalas ko at nagawa ko pa siyang halikan sa pisngi niya. Natawa na lamang siya sa tinuran ko. Nasa loob na kami ng classroom namin at hinihintay na lamang namin ang teacher namin para sa klase namin. “Hi, Francine,” bati sa ’kin ng mga classmate kong lalaki. “Hello,” I greeted them back. Naghiyawan na naman silang lahat. Wala na talagang bago sa kanila. Magkatabi kaming nakaupo ni Vira at naglabas agad siya ng notes niya. “Gusto mong makita, Francine?” I nodded and smiled at her.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม