CHAPTER 20

1896 คำ
Chapter 20: Realization “GOD, Kuya! What did you do?!” malakas na boses ang gumising sa akin in the next morning at mabagal pa ang pagkurap ng mga mata ko dahil inaantok pa rin ako. “Ano’ng ginawa mo kay Ate Francine?!” Boses iyon ni Seth at parang galit na galit din siya. Bakit ba siya sumisigaw nang ganitong kaaga? Napatingin ako sa pamilyar na kisame at pagbaling ko sa katabi ko ay ang guwapong mukha ni Kuya Khai ang sumalubong sa akin. Titig na titig siya sa mukha ko at pilit ko namang inaalala ang nangyari kagabi. Na kung bakit wala ako sa room ko at nasa kuwarto na niya ako? Birthday kahapon ng classmate kong si Sandy and invited ako. Tapos nahuli ako ni kuya. Sumama siya sa bar at nang maaalala ko na pagkatapos ng eksenang iyon ay binundol ako nang kaba sa dibdib. M-May nangyari sa amin ni Kuya Khai. Literal na ibinigay ko nga ang sarili ko sa kaniya kagabi at ilang beses niya akong inangkin. Oh, my God. Babangon na sana ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Napasandal ako sa dibdib niya. “Lumabas ka muna, Seth,” mariin na utos niya sa nakababatang kapatid niya. Sa naisip ko na nakahubad ako sa ilalim ng kama at maging siya ay nag-iinit na ang pisngi ko sa kahihiyan. Hindi ko lubos na maisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. “You take advantage of her, Kuya?!” Seth shouted again. “Shut up and get out first, Seth!” he fired back at narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto. Kumilos siya at inalalayan niya akong makabangon. Hindi ko na alam ang gagawin. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa kaniya. “Francine.” Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko at alam kong any moment ay maiiyak na naman ako. Mahigpit ang hawak ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Nang magsimula nga akong umiyak ay pati siya nataranta. Mahigpit niya akong niyakap at kinintalan ng halik ang ibabaw ng ulo ko. “K-Kuya. . .” “Don’t cry,” he told me. Paano ako hindi maiiyak sa maling ginawa namin kagabi? Masyado kaming mapusok at kinalimutan ang consequences. Nagpadala kami sa init ng katawan at bugso ng damdamin. Nagsisisi ako sa ginawa ko, ngayon ko higit na-realize ang pagkakamaling ginawa namin at parang gusto kong saktan ang sarili ko. “Please, don’t cry. It’s my fault, Francine.” He rubbed my back as he kissed my temple. Hindi na lang pag-iyak ang ginawa ko dahil literal na paghagulgol na. Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko nang umagang iyon at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin after that. Basta nagising na lang ako at may suot na akong damit ko. Namamaga ang mga mata ko at parang ayaw na ring magmulat. Nasa tabi ko na rin si Kuya Khai at nag-aalalang tiningnan niya ako. “W-What happened?” naguguluhan na tanong ko. Hinawi niya ang buhok ko at tipid siyang ngumiti. “You passed out, baby,” he answered. Nag-iwas ako nang tingin sa sinabi niya. “Are you okay?” Umiling ako. Paano naman ako magiging okay, eh malaking problema na ang haharapin namin ngayon? “I want to go home,” sabi ko at tinanggal ko ang kumot sa katawan ko. “You can’t walk,” sabi niya dahilan na kumunot ang noo ko. Hindi ko siya pinansin at sinubukan ko pa ring bumaba pero nang makatunton na ang mga paa ko sa sahig ay muntik na akong mawalan nang balanse. Kung hindi niya lang ako naalalayan. “I told you,” mariin na saad niya at napakapit ako sa braso niya. Nanghihina at nangangatog ang binti ko. Higit sa lahat ay masakit ang p********e ko. Tila nararamdaman ko pa rin siya sa loob ko. “Bakit hindi ako makalakad?!” naiiyak na sigaw ko. I heard him tsked at binuhat niya ako para ibalik sa bed niya. Bumaling siya sa bedside table niya at nagsalin siya ng tubig sa baso. Ibinigay niya iyon sa akin. Sandali ko pa siyang tiningnan at bumuntong-hininga ako. Inabot ko ang basong tubig at uminom ako. Napaigtad pa ako nang bumukas ang pinto. I glanced at the door at ang mga kapatid ko lang pala ang pumasok. Ang nasa likuran nila ay si Seth. Naalala ko naman ang nangyari kaninang umaga. Nahuli kami ni Seth na magkatabing nakahiga sa kama at alam kong halatang pareho rin kaming hubad ni Kuya Khai. “Ate, I miss you agad!” sigaw ng baby sister kong si Pressy at sumampa siya sa kama. Nang umupo siya sa tabi ko at humilig sa ’kin ay sumama ang mukha ko dahil masakit iyong flower ko at hindi ako basta-basta makagagalaw. “Uhm, Pressy. Huwag mo masyadong dikitan ang ate mo,” he said pero inirapan ko siya. Niyakap ko si Pressy at itinukod ko ang chin ko sa ibabaw ng ulo niya. Tiningnan ko pa si Cody na kunot na kunot ang noo. “You okay, Ate? Bakit ang putla mo? Tapos parang umiiyak ka pa,” nag-aalalang saad niya. Umiling lang ako at humugot nang malalim na hininga. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Seth pero hindi ko man lang magawang sulyapan siya dahil nahihiya pa ako. “She was drunk last night,” wika ni Kuya Khai. “Paano naman ang nakita ko kanina, Kuya? Hindi ba natin pag-uusapan iyon?” Doon na ako napatingin kay Seth. Ang seryoso masyado ng boses niya. Alam ko naman na hindi na talaga bata si Seth. Mature na rin ang pag-iisip niya. Kaya kung umasta ay parang kuya ko na rin. “I’m fine. What we did last night is a mistake. No big deal,” balewalang sabi ko. Hindi ko mabakasan ng kahit na ano’ng emosyon si Kuya Khai pero si Seth ay tumigas lang din ang ekspresyon ng mukha niya. “No big deal?” tila hindi makapaniwalang tanong pa niya at parang gusto pa niya akong pagtawanan. “Seth, we can still discuss this matter without them,” ani ng kuya niya sabay turo sa tatlong bata. Nandoon din kasi ang bunso nilang kapatid. “Tsk.” Para kay Seth ay napaka-big deal sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ng kuya niya. “Ate Francine, dito ka po ba natulog sa room ng kuya ko?” inosenteng tanong ni Jessey. Mariin kong naitikom ang aking bibig. I don’t know what to say. “Dalhin mo muna sila sa labas, Seth,” utos na naman ni Kuya Khai. Marahan na hinila ni Seth si Jessey at si Cody naman ay hinawakan niya sa kamay si Pressy. “Come on, Pressy. Labas muna tayo. Doon na natin hihintayin sa baba si Ate Francine,” ani Cody. Naiwan na nga kaming mag-isa at bumalik lang ang nararamdaman kong pagkapahiya. “I. . .need to pee,” sabi ko lang at gumalaw ako pero napangiwi lamang ako dahil hayon na naman ang pagkirot. “I’ll help you.” Mabilis kong tinabig ang kamay niya nang hahawakan pa lamang niya ako. “Ako na! I can handle myself alone,” supladang sambit ko at muli kong naapakan ang sahig. Sa puntong iyon ay hindi na ulit ako nakareklamo dahil nang makatayo ako ay yumakap na naman siya. Mapapayakap talaga ako sa kaniya kasi hindi ko magawang tumayong mag-isa. “What did you do to my legs, Kuya Khai?” Mahinang hinampas ko ang likuran niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga paa ko at ang sakit talaga ng ano ko. “I told you tutulungan kita,” sabi niya at pinangko na niya ako. Hindi na ako nakaimik pa at ibinaba niya rin naman ako sa banyo niya. “Kaya mo na ba?” Hindi ako umimik. “Francine.” “Lumabas ka na lang, puwede ba? Kaya ko na nga,” naiinis na saad ko pa rin at nagtama ang mga mata namin. Bakit ganoon? Bakit hindi ko man lang siya nakitaan ng konsensiya? Na parang hindi rin siya nagsisisi sa ginawa namin? Salungat sa nararamdaman ko ngayon. Sabi nga niya kanina ay kasalanan niya pero ngayon. Tsk. “Gusto lang kitang tulungan pero sinusungitan mo na ako,” saad niya at umigting pa ang panga niya. I rolled my eyes. Itinuro ko pa ang pinto. Huminga siya nang malalim saka niya ako tinalikuran. Pabagsak pa niyang isinara ang door. Muli lang umikot ang eyes ko. Nang umihi ako ay hindi ko na naman napigilan ang mapahikbi. Mahigpit ang hawak ko sa pajama ko at mariin ko na lang nakagat ang labi ko. I lost my virginity last night at parang sasabog ang ulo ko sa sakit at sa laki ng problema ko ngayon. Paano kung. . . Paano kung may mabuo agad kami? Gayong wala kaming proteksyon at ilang beses pa siyang nilabasan, sa loob ko pa talaga. Ano na lang ang sasabihin ng parents ko? At ng mga magulang niya rin? Ang girlfriend niyang si Calystharia? Nagmumukha na akong kabit sa lagay kong ito. Inayos ko na rin ang sarili ko at kahit nahihirapan akong maglakad ay nagawa ko pa rin naman. Pagbukas ko nang pinto ay siya pa rin ang nabungaran ko. “Umiiyak ka na naman.” Marahan na pinunasan niya ang mga luha ko. “Sino ang hindi maiiyak kung ang pati pag-ihi ko ay masakit din?!” sigaw ko na sinabayan pa nang paghikbi. Matiim ko pang tinitigan ang mukha niya. “Bakit parang hindi ka naman apektado?” curious kong tanong. “Do I need to say sorry for what we did? Ano pa ang magagawa ng sorry ko kung nangyari na ang dapat na mangyari?” walang emosyon na tanong niya. “Stupid. Hindi ka man lang na-guilty? You cheated on your girlfriend, Kuya Khai,” mariin na saad ko. Parang nagbago bigla ang pagtingin ko sa kaniya. Nabubuhay ang galit sa aking dibdib dahil sa walang kuwentang mindset niya. “And she as well,” sabi niya at nagsalubong ang kilay ko. “What do you mean?” nalilitong tanong ko pa rin. Nag-cheat din sa kaniya si Calystharia? “You don’t need to know that,” sagot niya lamang at muli niya akong pinangko. Dinala niya ulit ako sa bed niya. Ang labo ng memorya ko kagabi, tanging ang naaalala ko lang ay ang nangyari sa amin. “So, naghihigante ka? Ginamit mo lang ako dahil sa galit mo sa kaniya, ha?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Shut up, mali ang iniisip mo. Stay here. Dadalhan kita ng breakfast,” aniya at nagtungo na siya sa pinto pero bago pa man siya makalabas ay nagsalita na ako. “Forget what happened to us last night. One-night stand lang naman iyon,” malamig na sabi ko. Ang lakas pa nang loob ko na sabihin iyon. “I can’t believe you’re saying that, Francine. Don’t you dare try that to other man. I warn you,” walang emosyon na sabi niya rin at nagdadabog na lumabas na naman siya. “As if naman ay gagawin ko iyon,” aniko at bahagya kong iginalaw ang katawan ko. Nakapagtataka lang dahil hindi ako nakararamdam nang lagkit sa katawan ko. Gayong pinagpawisan na ako kagabi. Now, ano na ang mangyayari sa ’yo, Francine? Nababaliw ka na talaga.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม