Sabrina Sarmiento
Napakislot ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko.
“My gosh!” Napasobra ‘yata ako ng inom ng kape kaya bigla akong nagugulat na lang.
Kinuha ko ang cellphone sa bag. Nakita ko ang number ng kaibigan kong si Jannette sa screen kaya agad kong sinagot.
“Hello, Ja, I’m already here… And I’m nervous.” Sambit ko agad habang nakatingin sa harap ng isang private resthouse sa Tagaytay kung saan ko isusuko ang sarili ko.
Mas kinakabahan pa ako sa gagawin ko ngayon kesa nang ginawa kong pamimikot kay David. This time, totoo na talaga na mawawala ang virgi nity ko.
“Don’t be nervous. Isipin mo na lang ay pagkatapos ng ilang buwan ay mapapasa’yo na si David.” Sambit ni Jannette sa kabilang linya.
“Natatakot ako, Ja… You know that I don’t have any experience… H-hindi—”
“Tsk. Sabrina Sarmiento, the innocent babymaker.” Tukso ni Janette. “Nand’yan ka na, Sab. Panindigan mo na lang na ma-divirginize ng isang Alexander Valderama. Isipin mo na lang ay siya si David. Tsaka, remember, kailangan mong panindigan ang kasinungalingan mo. Ang totoo n’yan ay napakaswerte mo na isang Valderama ang makakauna sa’yo. Sigurado na agad ang magandang lahi ng magiging baby mo.”
I heave a sigh.
Tama si Jannette. Hindi pwedeng malaman ni David ang kasinungalingan ko. Lalo itong magagalit sa akin. Tumatakbo rin ang oras. Kailangan ko ng mabuntis at baka biglang magtanan ang dalawa. Kailangan na maikasal na kami ni David sa lalong madaling panahon.
“Thank you, Jannette… Kailangan ko ng pumasok sa loob. Tatawagan na lang kita.
Muli kong pinasok ang cellphone sa bag na dala ko. Napairap na lang ako nang muling tiningnan ang bag na ‘yon. Nakakainis dahil mumurahing bag lang ‘yon na nabili sa tiangge. Pati cellphone kong gamit ngayon ay mura. Hindi kilala ang brand. No choice naman dahil kailangan kong umasta ng mahirap kaya nagpatulong pa ako bumili kay Jannette ng mga gagamitin kong mumurahin.
Mahigit isang linggo na rin simula ng nalaman ko ang tungkol sa pagiging babymaker. Inasikaso ko agad na makausap ang babaeng aplikante sa pagiging babymaker ni Mr. Alexander Valderama. Nagbigay agad ako dito ng isang milyon na hiningi ko kay Mommy. Ang sabi ko ay may natipuhan akong bagong bag na gustong kong bilhin kaya binigyan agad ako ng pera.
Ang paalam ko kay Mommy ay magbabakasyon muna ako sa Boracay para mag-unwind. Binigyan niya agad ako ng pera at pati na rin ang stepdaddy ko na gusto ay malibang ako dahil alam na nito ang tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni David. Lahat ng simpatya ay nasa akin, bukod na lang talaga kay David na nagmamatigas pa at ayaw akong pakasalan.
Mabuti na lang talaga ay hindi na ako mahihirapan na maghanap ng bubuntis sa akin. Matapos kong kausapin ang middleman para sa lihim na paghahanap ni Mr. Valderama ng isang babymaker ay nagsimula na rin akong i-test ng kung ano-ano. May blood test, urine test, HIV at marami pa. Lahat naman ‘yon ay nakumpleto ko.
Nagkaroon din ako ng interview at tinanong kung bakit interesado akong maging babymaker. Siyempre ay nagsinungaling na ako. Nagpanggap pa akong mahirap para lang matanggap at sinabi na kailangan ko ng pera dahil may sakit ang kapatid ko.
At ngayon nga ay nasa harap na ako ng isang resthouse na as per instruction ay dito namin bubuo-in ang baby. Itsura pa lang ng resthouse ay pang honeymoon vibes na.
Hindi ko pa alam ang buong rule at mismong si Mr. Valderama ang maglalatag sa akin ng rules. Kaya may halo pang kaba sa akin. Kailangan ko rin na umastang gipit na gipit para hindi ako mahalata.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago nag-doorbell. Hindi naman nagtagal ay may nagbukas na isang may edad nang babae.
“Magandang umaga, hija.” Magalang na bati nito.
“Uhhm, Kay Mr. Valderama po.” Sambit ko.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ang ganitong attitude na magbait-baitan. Sana naman. ‘Wag lang akong ma-bwisit dahil ang hirap pigilan ng pagmamaldita ko.
“Ahh… Ikaw siguro ang hinihintay niya. Halika, pasok na at dadalhin kita sa kwarto niya.” Nakangiting sabi ng matanda.
Kwarto agad?
Sinarado nito ang gate at sumunod naman ako sa kanya pagkatapos. Nililibot ko ang tingin at maganda naman itong resthouse ni Mr. Valderama. Parang ang isa namin na vacation house sa may Baguio ang style. Kung dito ako mag-stay ng ilang linggo ay siguradong mag-eenjoy ako dahil nasa mataas na area din ito at maganda ang view.
Iginiya ako ng matanda sa second floor. Naglakad kami sa isang hallway na hindi naman kahabaan at sa may dulo no’n ay may isang kwarto. Halos walang tigil sa sa kabog ang dibdib ko hanggang sa makarating kami do’n.
Kinatok ni Manang ang kwarto.
“Senyorito, nandito na po ang hinihintay niyo.” Malakas na tawag ng matanda.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto. Parang nag-slow motion pa ‘yon sa paningin ko hanggang sa bumungad na sa akin ang lalaking ine-expect kong makita.
Natigilan na lang ako kasabay ng malakas na t***k ng puso ko nang magtama ang tingin namin ng lalaki parang kasing lamig ng yelo na tumingin. Ngayon pa lang ay parang nalulusaw na ako.
Hindi ko expected na mas gwapo siya sa personal. Hindi rin pantay ang eye level namin at bahagya akong tumingala. He’s tall. Literal na tall dark and handsome. Ang ganda ng pagka-moreno ng balat niya. Siya ‘yung tipo ng lalaki ng isang tingin mo pa lang ay manghihina ka na.
“Are you just going to stand there?” Bigla ay bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ng lalaki. Pati boses niya ay full of authority.
“M-mr. Valderama—”
“Come in, miss.”
Kinabahan agad ako sa narinig.
Start na ba agad? Hindi pa ako ready!
“Sige na, hija… Pumasok ka na… Maghahanda lang ako ng makakain niyo.” Sambit ng matanda na binaling ko ang mukha dito dahil hindi ko na natagalan ang pakikipag- eye contact kay Mr. Valderama.
“Opo,” sambit ko.
Pumasok na ako sa loob habang halukipkip ko ang bag. Pagkapasok ko ay sinara agad ni Mr. Valderama ang pinto at kasabay ng pag-lock no’n ay parang may naghabulan na kabayo sa dibdib ko.
“So, you are my babymaker.” Sambit niya na parang may dumaloy agad na kakaibang kuryente ang buong katawan ko sa salita pa lang niya.
“Opo.” Sambit ko na nakipagtitigan sa kanya.
“We’ll discuss the rules.” Seryosong sambit pa rin nito. “But before that… let me test how good you are at sucking a huge d*ck.”
“Luh!?”