EULYN KRIS "Sh-t! Nasaan ako? Saang lugar 'to?" Nanlaki ang mata ko ng maalalang napalo ako sa ulo ng tauhan ni Jefferson. Hinayupak na 'yon naisahan ako. Umikot kaya ang paningin ko sa ginawa ng kaniyang tao. Animal ka talagang Supsup ka! Nadagdagan ulit ang atraso mo sa akin. Fvck! Sa susunod nating pagkikita Jefferson sisiguraduhin kong maibabaon kita sa hukay kasama ng mga tauhan mong mga tanga. Shitty. Peste masakit ang parteng pinalo napahawak ako sa aking ulo malapit sa batok ko roon kasi ako pinalo. Pakiramdam ko lumubo 'yon ng sobrang laki dahil nahuli ako ni Jefferson. Hinawakan ko iyon para lang mapangiwi sa sobrang sakit. "Oh my God!" napasabunot ako sa aking buhok. Bigo ulit ako na madakip ang animal na iyon. Saan ako dinala ni Jefferson at anong lugar ito? Isa ba ito

