Punung-puno ng determinasyon ang boses ni Faizal nang sabihin niya ang mga katagang: "Ipapatong natin ang mga bangkay sa lata." Ngunit hindi iyon nagustuhan ni Mayta. Napatayo ito mula sa marumi at malamig na sahig. "Nababaliw ka na ba?" Galit na hinarap ng babae si Faizal. Mahigpit nitong hinawakan ang leegang parte ng damit ng lalaki dahil sa narinig. "Gusto mo na ba talagang mamatay ha?" "Ano ba ang sinasabi mo, Mayta? Gagawin natin ito para pare-pareho tayong mabuhay." Hinayaan lamang niya ito kahit na nasasakal na siya sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kwelyuhan niya. Tinitigan ni Faizal si Mayta diretso sa mga mata nito upang iparating na sigurado na siya sa kanilang gagawin. "Alam mo ba kung gaano karaming oras ang kailangan para mabuhat ang lahat nang mga iyan? Akala mo ba, na

