Lyra
*
*
" Tahimik lang ako nakatuon ang pansin ko sa ginagawa ko. Wood curving ang ginagawa ko maliit na Sculpture ang ginagawa ko dalawang dangkal ang taas nito kamukha ko ang ginagawa ko. Gusto ko ito ibigay sa Birthday ni Storm Gusto ko gumawa ng Dancing sculpture na kamukha ko.
" Honey! Boring inaantok ako sa kakatitig sayo. Hon! ilang araw na tayo walang ganap! Hindi mo ba ako namimiss?" Parang bata na tanong ni Storm
" Bakit naman kita namimiss? Magkasama lang naman tayo, At isa pa magkatabi tayo matulog." Tugon ko
Patuloy lang ako sa ginagawa ko madungis na ako pero wala akong pakialam dahan-dahan at maingat ang bawat galaw ng kamay ko.
" Maglalakad lakad lang ako sa labas. " Paalam ni Storm
Hindi ako sumagot pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko namalayan kung Anong oras na nagulat nalang ako ng magsalita si Storm
" Hon! 7pm na nakaluto na ako kain na tayo." Wika nito
Napatingin ako sa Asawa ko nakasimangot siya agad ako tumayo napangiti ako kaunti nalang matatapos kona ang ginagawa ko.
" Gagawa ako ng Dancing Sculpture na kamukha ni Storm. Dapat pares ang dancing sculpture ko.." Piping sambit ko
" Tika lang! Bakit kulay pula ang ulam? " Nagtataka na tanong ko
Hindi ko maintindihan kung anong klasing luto ito. May talbos ng kamote, Karne at sabaw kaya sa tingin ko siningang ito pero bakit kulay pula
" A yan ba? Siningang yan." Napapakamot sa ulo na tugon ni Storm.
" Kangkong ang dapat nilagay mo, At bakit kulay pula yan?" Tanong ko
" Iwan bakit naging pula yan." Paliwanag ni Storm
Tinikman ko ang alat pero nagkunwari ako masarap
" Hmmm! Sarap naman pala Hon. " Magiliw na sabi ko
Lumapit siya kumuha ng kutsara nagsandok ng sabaw
" Yoohoo! ang alat." sigaw niya
" Hahaha." Tawa ko
Kinuha ko ang Karne ng hinugasan ko at saka ko prinito.
" Ayan kain na tayo." Wika ko
Pritong karne ang ulam namin. masarap naman kahit maalat
Pagkatapos kumain naglinis ako ng Kusina Naligo narin ako.
" Hon! Balik na tayo sa manila May gaganapin na Birthday party sa kaarawan ko. Gaganapin sa Hotel na pag-aari ko imbitado ang lahat ng kamag-anakan ko. Dapat nandoon ka." Seryoso na wika ni Storm
" Tatapusin ko lang ang ginagawa ko.. Next week pa naman Birthday mo mauna kana muna susunod ako. " Tugon ko
Tumayo ako naglakad ulit ako palabas ng bahay pumasok ako sa kabilang bahay sa workplace ko. Naupo ako at pinagpatuloy ang Wood curving
" Ilang buwan nalang maghihiwalay na kami. Gusto ko maging masaya ang Natitirang buwan ng pagsasama namin. After nito kakausapin ko si Daddy tatanungin ko sa tunay kong Ina. Hahanapin ko ang Pinagmulan ng aking Ina. Pakiramdam ko kasi hindi ako anak ni Daddy. "
Natigilan ako sa pag-iisip
" Bakit hindi ko naisip ang DNA test? " Sambit ko
" Hon! Gabi na tama na yan! Pahinga kana." Malambing na wika ni Storm
" Sige lang! Pahinga kana kailangan ko matapos to ." Wika ko
" Hon! Gusto ko pag nandito ako saakin lang ang atensyon mo." Wika ni Storm
" Naku Storm baguhin mo yang Ugali mo. Ayaw ko ng Controlling husband . At isa pa ihanda mo na ang Divorce natin para maayos na Ilang buwan nalang maghihiwalay na tayo. Malapit kana lumaya makakabalik kana sa dati mong buhay. " Mahinahon na Tugon ko
" Aalis ako bukas ng Umaga Papasundo kita dito Text ka lang kung kilan ka babalik. " Mahinahon na tugon ni Storm
Tumalikod na siya napangiti ako
" Hindi ako papayag na matulad sa Asawa ng mga Angkan nila. Kailangan maganda palagi kailangan present sa mga akasyon. Kailangan magaling makipag laban kailangan halang ang kaluluwa handang pumatay at mamatay. Lol! Wala pweding dumikta saakin at hindi mahalaga saakin ang kayamanan. Mayaman o mahirap pareho lang naman ang sukat ng lupa pag namatay. Hindi rin madadala sa hukay ang Kayamanan. Tungkol sa pamana sa anak kailangan lang Mag-aral ng mabuti at matutong tumayo sa sariling paa. Para mabuhay siya ng naayun sa kanyang kagustohan. Ganyan lang naman pasemple ang buhay."
Habang nagsasama pa kami ni Storm sasamantalahin ko ang pagkakataon. Dapat mabuntis ako sa lalong madaling panahon. Meron akong 30 million mabubuhay ako ng maayos. Mahahanap ako ng bansa na maganda tirhan. Pero bago yon dapat malaman ko muna ang totoong pagkakilanlan ng aking tunay na Ina. Aalis ako ng walang paalam magpakalayo-layo ako at mamumuhay ng tahimik.
Madaling araw natapos ko ang isang sculpture na ginagawa ko natutuwa ako dahil Kamukha ko talaga siya. Nakataas ang dalawang braso at nakataas ng kaunti ang isang paa. kung Pagmamasdan sumasayaw ang sculpture.
Tinago ko ng maigi ang sculpture bago nagbihis pantulog. Sa kabilang kwarto ako natulog hindi ako tumabi kay Storm. Hindi naman ibig sabihin na nagtatalik kamo e okay na kami. Gusto ko si Storm Gusto ko nga siya makasama sa pagtanda pero ang tanong Kaya ko ba makibagay sa mundong ginagalawan niya.
Angkan ng Shoun Babaero. Magaling lang siya magpaikot ng Asawa nila. Kaya inakala ng babae nagbago na ngunit nagkamali sila.
Kinabukasan nagising ako mag-isa sa bahay. Walang paalam na umalis si Storm hindi rin nagtext o tumawag.
" Mabilis lang magbago ang pakikitungo nila sa oras na hindi masunod ang gusto. Hindi ako tutulad sa ibang babae. " Kausap ko sa sarili ko nagtimpla ako ng kape habang nagkakape ako nagluluto ako ng Tirang ulam. At kanin.
Pagkatapos ko magluluto nagpatuloy ako sa Wood curving.
Lumipas ang mga araw walang paramdam si Storm.
Nakatitig ako sa Malaki gate ng bahay ni Storm Magdadalawang isip ako kung tutuloy ako. Bukas na ang kaarawan niya.
Huminga ako ng malalim tumalikod ako sumakay ako ng taxi pagkalipas ng ilan sandali nakatayo na naman ako pero sa pinto ng bahay ng magulang ko..
" Talaga Anak! Invited tayo sa kaarawan ni Storm." Masaya na wika ni Mommy
" Hindi sumasagot si Lyra sa mga tawag ko." Nag-aalala na wika ni Layda
" Daddy! Kanino ba talaga anak si Lyra? Hindi mo naman siya anak hindi nga natin siya kamukha. Morena ang lahi natin Dad kahit mata niya hindi saatin nakuha. Hazel eyes si Lyra malinaw na Brazilian ang kanyang lahi." Wika ni Lyra
" Ano kaba? Anak siya ng Dad mo sa Brazilian na babae nakilala sa Trabaho. Naghiwalay kami ng Dad mo pero nagkabutihan ulit kami ng malaman niyang buntis ako, Ilang buwan din kami naghiwalay. May taning ang buhay ng ina ni Lyra kaya namatay sa panganganak. Anak Wala naman kasalanan ang Dad mo Ako ang nakipag hiwalay nagkaroon kasi ako ng job offer sa ibang bansa Paalis na ako nalaman ko buntis ako. Sayang nga e gwapo pa naman ng manliligaw ko kaso ang Dad mo binuntis ako bago nakipag hiwalay." Mahabang kwento ni Mommy
" Ang Ganda at sobrang bait ng ina ni Lyra. Kaya nainlove ako sakanya, Naging kaibigan pa nga siya ng mommy mo. " Nakangiti na kwento ni Daddy
" Bago siya nawala hinabilin saakin si Lyra. Nag-iwan ng sapat na pera para kay Lyra pero naubos ng panahon nagkasakit ako. Kaya anak mahalain mo ang Kapatid mo. Wala siyang kasalanan, Ako ang nakipag hiwalay sa Dad mo. Tumanggap ako ng manliligaw kahit mag-asawa na kami. Kaya ako ang may kasalanan ako ang unang nagloko." Mahinahon na Paliwanag ni Mommy
Dahan-dahan ako tumalikod sapat na ang mga nalaman ko. Pero huminto ako pinakinggan ko ang huling usapan nila
" Mommy anak parin ng kabit si Lyra." wika ni Layda
" Kasal si Daddy at Ina ni Lyra. Live-in partner lang sila ni Mommy. Kaya kung tutuusin Si Lyra ang Legitimate Daughter ni Daddy. Sampong taon palang nakalipas simula ng pakasalan ni Daddy si Mommy." Sabat ni Kuya Lowel
Natahimik si Layda
" Hindi ako anak ng kabit. Pinakasalan pala ni Daddy ang tunay kong ina.
" Daddy! Bakit Hindi mo pinakasalan ng maaga si Mommy?" Tanong ni Layda
" Malandi ang mommy mo! Nanlalaki na naman yan! Kahapon lang nakita ko yan lumabas ng hotel kasama ang ninong mo " Galit na bulyaw ni Daddy
" What?" Gulat na sigaw ni Layda
" Kaya ko pinakasalan ang ina ni Lyra dahil malinis siyang babae. Virgin siya ng makuha ko Ang mommy mo 25 years ko na yan hindi tintabihan. Nandidiri ako sa mommy mo. Umuuwi lang ako dito dahil sainyo ni Kuya mo." Pagalit na Paliwanag ni Daddy
Tumalikod na ako ng tuloyan gumaan ang pakiramdam ko. Kahit nalaman ko ang katutohanan mahal ko parin sila. walang nagbago matagal ko nang alam na nanlalaki si Mommy at nanbabae si Daddy. Labas na ako sa set-up nila ang mahalaga mabuti silang magulang sa kabila ng ginagawa nila.
Sakay ako ng Taxi nagpahatid ako sa Hotel na pagdarausan ng party ni Storm pagkatapos ko mag check-in agad ako naligo.
" Bakit pakiramdam ko wala akong lugar sa bahay na kinalakihan ko? Bakit nahihiya ako umuwi sa bahay ni Storm. Hindi sapat wild na namagitan saamin para magkaintindihan kami. Walang halaga ang Virginity ko, It's okay buhay pa naman ako." Sambit ko
Kinabukasan nakatayo ako sa damit na nakakalat sa kama Dalawang peraso lang ang
gown ko.
Pinili ko ang red off shoulder dress with slit. Ako narin ang nag-ayos sa aking sarili 10 pm Dahan-dahan ako lumabas ng hotel room ko.
Pagkalabas ko naghihintay pala si Storm sa labas ng hotel room ko Nagdadalawang isip kung kakatok o hindi
Inabot ko ang Box
" Happy 27 Birthday Storm." Kalmado na wika ko
Nakatulala siya nakatitig saakin nakaawang pa ang bibig niya
Para bang Gustong-gusto ko siya Yakapin namiss ko siya, Pero pakiramdam ko wala akong karapatan gawin yon. Iniwan niya ako sa Probinsya walang paalam at walang tawag at text. Kahit kasal kami at may namagitan saamin pakiramdam ko wala parin akong karapatan sakanya.
Hindi niya tinanggap ang Regalo ko tumalikod siya nakatayo parin ako nahihiya na umatras ako ng dahan-dahan.
" Pangit siguro ako at ayaw niya sa Regalo ko. " Piping sambit ko
" Fvck." Mura ni Storm
Dahan-dahan ako umatras hanggang sa dahan-dahan ko din sinarado ang pinto
" Honey! Sandali lang buksan mo." Taranta na sigaw ni Storm
Pero hindi ko binuksan naupo ako sa kama nakatitig ako sa malita ko.
" Aalis nalang siguro ako ng bansa. Sa Ibang bansa nalang ako mag apply ng Trabaho pansamantala. Nakakahiya dapat hindi na ako pumunta dito. Nanatili nalang sana ako sa Bahay ko sa Probinsya. " Kausap ko sa sarili ko
" I'm Half Brazilian. Kaya pala maputi ako at kakaiba ang Ganda ko. Hazel eyes daw ako." Kausap ko sa sarili ko
Tinapat ko ang sarili ko sa malaking Salamin sa loob ng hotel room ko. Binuksan ko ang phone ko hinahanap ang picture ni Daddy sa gallery. Tiningnan ko ang mata ko at Pinagmamasdan ang mata ni Daddy
" Hindi ko nga kamukha si Daddy Black Eyes si Dad." Hindi makapaniwala na bulalas ko
Napailing ako sayang ang ayus ko hindi nagustohan ni Storm
Napatingin ako sa pinto nagtataka na binuksan ko ang ingay kasi parang may nag-aaway
Pagbukas ko bumungad saakin si Storm galit na pinapabuksan ang pinto ko
" Sa wakas lumabas ka! Hon Pasensya ka kung tinalikuran kita kanina. Nagulat ako ng makita ka ang Ganda at sexy mo kasi." Nahihiya na Paliwanag ni Storm
Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang Dugo ko sa narinig ko
Binigyan ko siya ng isang flying kick dahilan para bumagsak siya
" Siraulo ka! Three Weeks ko pinaghirapan gawin ang regalo ko sayo. Nagpaganda pa ako tapos tatalikuran mo lang ako! Lintik ka! Tapos hihingi ka ng tawad. Pagkatapos mo umalis ng walang paalam." Galit na galit na bulyaw ko dito
" Nagmamadali ako ng umalis at sobrang busy ako nakalimutan kita tawagan." Paliwanag ni Storm
Lumapit ako sakanya ubod ng lakas ko siya binatukan
" Nakalimutan mo ako tawagan? Hindi mo ba ako naalala sa tuwing matutulog ka o kaya Paggising mo? " Galit na tanong ko