Storm
*
*
" Ganda pala ng Asawa ko, Unang tingin ko pa lang sakanya sa Hospital naagaw na niya ang atensyon ko. Kaya nga sinundan ko agad siya. Pero hindi ko alakain na ipagkakasundo ako ng pamilya ko sa dalaga. Hindi basta-basta ang nangyari saamin pinagplanohan ng bawat pamilya namin.
Pinagmasdan ko si Lyra habang nagluluto nakangiti siya na para bang namiss nya ang pagluluto. Kung ikukumpara sa mga Asawa ng Kapatid ko mas maganda si Lyra pang Hollywood ang Ganda nya kaso hindi ko naman siya pwede basta nalang lapitan at kausapin sa nakikita ko sakanya hindi siya interesado saakin. Hindi katulad ng ibang babae na gumagawa ng paraan para landiin ako samantala ang Asawa ko balot na balot naka Sweatpants at Sweatshirt. Wala atang kalandian sa katawan ang babaeng to kahit nang magising kami ng nakahubad Kahit nakita niya ang kahubaran ko wala siyang pakialam. Parang normal sakanya hindi manlang naakit sa Ganda ng katawan ko.
" Dibali Hahayaan ko nalang hindi ko naman siya gusto kaya business nalang ang pagtutuonan ko." Piping sambit ko
" Sir Saan ko po dadalhin ang mga bisita mo?" Tanong ni Zara kasambahay ko
" Sa Dinning Table na kakain na tapos na rin naman ako maghanda ng Lunch. Kumain na rin kayo may tinabi akong pagkain para sainyo." Sabat ni Lyra
Hinubad ang Apron na suot Tinanggal din ang Suot na Hairnet
Tumayo ako lumapit ako kay Lyra
" Tulongan na kita." Nakangiti na wika ko
Ngumiti siya bahagya ako na tulala bumilis din ang t***k ng puso ko napalunok ako habang nakatitig sa mapula niyang Labi.
" Thanks Honey. Hindi na kita masasamahan kumain May gagawin pa ako." Nakangiti na wika nito
" Sige Salamat W-Wife." Pautal na tugon ko
" Wife? That's nice to hear Honey." Nakangiti na wika nito
Tinapik ako sa balikat at Tumingala saakin napalunok ako mas bumilis ang t***k ng puso ko dahan-dahan siya tumingkayad matangkad kasi ako abot balikat ko lang siya Yumuko ako sa pag-aakala na hahalikan niya ako pero bumulong lang siya
" Ang zipper mo bukas." Bulong niya
Nanlaki ang mga mata ko nagmamadali ako sa pagsara ng zipper ng pantalon ko namumula ako sa sobrang kahihiyan. First time ko to naranasan. Hindi ko alam kung saan ako nahihiya sa bukas na zipper ko o sa pag-aakala na hahalikan niya ako.
Naglakad siya palabas ng kitchen napapakamot sa batok na dinampot ko ang Japanese dish
" Wow! Japanese dish." Mangha na wika ng mga kaibigan ko
" Chef ang Asawa ko kaya huwag kayo magtaka. Kain na tayo mamaya pag-usapan natin ang plano sa Bagong Business na bubuksan natin " Buong pagmamalaki na wika ko
" Bakit hindi namin alam na may Asawa kana?" Tanong ni jairo
" She's Freaking Gorgeous Parang Hollywood Actress." nakangisi na wika ko
" So kaya pala tinatago mo?" tanong ni Jeff
" Hindi tatagal yan! Sa Ugali mo Babaero at hanggang ngayon hinahabol ka pa ng Ex mo mamaya mapahamak pa ang Asawa mo." Seryoso na wika ni Miko
" Sa tingin ko hindi mangyayari yon! Hindi pipili ang pamilya ko ng babaeng iyakin. Sa totoo nagising ako kahapon katabi ang magandang babae hawak ang marriage certificate. Ang Angkan na kinabibilangan ko ay mga palaban ang mga babae hindi basta-basta. " Mahinahon na tugon ko
"You're right! " Pagsang-ayun ni Miko
Nagpatuloy kami sa pagkain pagkatapos kumain sa Private Office ko kami para pag-usapan ang nalalapit na pagbubukas ng Bagong Factory tinayo namin apat
" Maliit lang ang Isang factory kumpara sa mga sarili natin Business." Wika ni Jairo
" Ang purpose natin sa pagbubukas ng Factory para makatulong sa pangkaraniwang mamayan Tapos para makilala din ang Local na producto natin. " Paliwanag ko
" Bilhin mo nalang ang Share namin." Wika ni Jeff
Ngumisi ako nilabas ko sa drawer ang documents na nagpatunay na binili ko ang share ng tatlo
" Hahaha! Nakahanda ka talaga." Natatawa na wika ni Miko
" Alam ko hindi nyo pag aaksayahan ng oras ang maliit na factory kaya hinanda ko na ang documents. " Natatawa na wika ko
" Lasing kami ng magkasundo tayo. Nagulat nalang ako may nabili pala kaming Share sa pabagsak na maliit na Company." Napapakamot sa ulo na wika ni Jeff
" Actually binili ko ang Factory Footwear. " Nakangisi na wika ko
" Billionaryo kana bakit mo pa binili ang Palugi na negosyo?" Tanong ni Jairo
" Billionaryo na ako pero kumpara sa kayamanan ng mga Kapatid ko walang wala pa ako. Kaya lang naman ako naging billionaire dahil sa pamana ng mga magulang ko. " Paliwanag ko
" Ano ba talaga ang pangarap mo?" Tanong ni Miko
" Magkaroon ng Sariling cruise ship." Tugon ko
" Naku malaking pera ang kailangan mo para matupad ang pangarap mo." Tugon ni Jairo
" Iwan parang walang kakulay-kulay ang buhay ko. May Asawa ako pero hindi ko naman gusto kaya parang single parin ako. Wala din akong nagugustohan na babae na magpapabago ng buhay ko. Naiingit ako sa mga pinsan at Kapatid ko may mga Anak na sila, Ako nalang sa magpipinsan ang Walang Asawa at anak. Masaya na ang mga Kapatid ko may mga anak na." Mahinahon na tugon ko
" May Asawa ka bakit hindi mo subukan Malay mo matutunan mo siya mahalin." Wika ni Jeff
" Hindi ko nga siya kilala ang alam ko lang Chef siya. " Tugon ko
" Kilalanin mo " magkakasabay na tugon ng tatlo
" Nope maghihiwalay din kami after two years kaya Business nalang ang pagtutuonan ko ng pansin." Baliwala na tugon ko
" Ito pala Documents sa kailangan nyo Pirmahan." Wika ko
" Grabe hindi ka talaga tumigil hanggang hindi mo bibili ang share namin sa Company mo. " naiiling na wika ni Jairo
" Paunti-unti gusto ko mabili lahat ng share sa Pamana saakin ni Dad na company. Gusto ko balang araw may sariling akong company. Katulad ng mga Kapatid ko Gusto ko kasi balang araw pag nakita ko na ang babaeng gusto ko makasama habang buhay Enjoy nalang ako sa buhay. Alam mo na Kaunting Trabaho nalang maghihintay nalang ng Pera." Nakangisi na wika ko
" Naghahanap ka ng babaeng magpapatibok ng puso mo diba may Asawa ka bakit hindi mo subukan kilalanin ang Asawa mo " Wika ni Jeff
" She's too Small! Hanggang balikat ko lang siya Malaki akong tao Ayaw ko sa pandak gusto ko sa matangkad na babae." seryoso na Tugon ko
" Hahaha! Yan ang dahilan kaya kahit sobrang ganda turn off ka " Natatawa na wika ni Jairo
Napangiti ako ng alanganin dahil yon talaga ang dahilan. Sobrang ganda Talaga ni Lyra maputi at makinis ang balat wala akong maipintas tama lang ang laki ng boobies hindi sobrang laki di rin maliit. Pero kahit perfect body siya Cute sizes parin siya Sa madaling salita pandak sya. Nasa 5'3 ang taas nya samantalang 6'3 ako.
" Kung naging matangkad lang sana sya pasok sya sa tipo kong babae." Naiiling na sambit ko
" Hahaha! Dude limang million saakin after two years 100% sure inlove na yan si Storm sa Misis nya." Natatawa na wika ni Jeff
" Hoy! Tama ba na pag pustahan nyo ako?" Hindi makapaniwala na sambit ko
" Game ako d'yan! Ganito ang deal natin Ibibigay mo saamin ang condominiums mo after two years na mainlove ka sa Misis mo." Nakangisi na wika ni Jairo
" Million ang income ko sa Condominiums ko. Manahimik kayo.' Pagtutol ko
" Ganito nalang ibibigay namin sayo ang Beach Resort na Investment natin apat pag natalo kami sa pustahan." Nakangisi na wika ni Miko
Mapaisip ako magandang deal yon! May nabili kaming magkaibigan na beach resort Malaki ang pumapasok na pera don.
" Deal." Mabilis na sagot ko
" 100% sure ako na hindi ko magugustohan ang Pandak ko na Asawa." nakangisi na wika ni Storm
*
*
Lyra
*
*
" Papalabas ako ng bahay nakabukas ako balak ko kasi umuwi sa bahay tapos saka ko ipagpalit ang trabaho ko. Pero napadaan ako sa Opisina ni Storm nakabukas ito ng kaunti kaya malinaw ko na narinig ang usapan nila.
Beach Resort at Isang gusali ng condominiums ang pinagpustahan nila. Napangiti ako isang plano ang sumagi sa aking isipan two years ang usapan namin ni Storm na maghihiwalay kami kaya Isang taon kong paghahandaan ang pang-aakit sakanya sisiguradohin kong matatalo siya sa pustahan at maghabol siya sa pandak na tulad ko.
" Naku kailangan ko din nakahanap ng malaking halaga na kapustahan." Piping sambit ko
Kaya napagpasyahan ko na abangan ang paglabas ng mga kaibigan ni Storm
" Kailangan makipag pustahan ako sakanila ng malaking halaga. Sayang naman kung hahayaan kong pagpustahan nila ako tapos sila lang ang kikita. Hindi naman tama ata yon." Nakangisi na Sambit ko
Naglakad ako palabas ng bahay narinig ko kasi na nagpaalam na ang tatlong kaibigan ni Storm nagmamadali ako sa paglabas ng Gate hanggang sa makalayo ako ng bahagya sa bahay naglalakad ako sa tabing ng kalsada hanggang sa matanaw ko ang tatlong magkakasunod na sasakyan
Humarang ako sa pinaka gitna ng kalsada
Nakakunot noo na lumabas ang driver ng kotse
" Miss Are yo---
" Ako ang Asawa ni Storm Narinig ko pinagpustahan nyo ako kaya Hindi ako papayag na kayo lang ang magsaya." Nakangisi na wika ko
Napangiti silang tatlo, maputi at matangkad pang model ng underwear ang datingan nilang tatlo
Naglalakad ako palapit sa Kotse pumasok ako at naupo sa tabi ng drivers seat
Walang imik na pumasok ang driver at ang dalawa naman sa backseat
" Ano ang ganap? Jeff?" tanong ng lalaki na singkit ang mata
" Siya ang Asawa ni Storm at narinig niya ang pustahan natin." Alanganin na wika ng tinawag na Jeff
" Hi Mrs Shoun tawagin mo akong Jairo ito naman si Miko highschool Friend's kami ng Asawa mo." Wika ni Jairo
" Makikisali ako sa pustahan nyo. In two Year's mababaliw saakin si Storm Gaano kalaki ang kaya nyong ibayad saakin?" Nakangiti na wika ko
" Hahaha! Cool gusto kita miss Astig ka Sampong million saakin." Natatawa na wika ni Jeff
" Sampong million saakin." Nakangisi na wika ni Jairo
" Deal Sampo din saakin basta makita namin kung paano mainlove ang kaibigan namin." nakangisi na wika ni Miko
" Sige magkita-kita tayo sa Second anniversary namin at doon nyo ibigay ang 30 million Cash." Nakangisi na wika ko
" Hoy Hindi naman ata tama Yan ano ang ibabayad mo saamin kung mabigo ka?" Tanong ni Jairo
" Wala akong Pera Hindi ako mayaman. Ang lahat ng pera ko napupunta sa pagpapagamot ng kakambal ko. Pero para maging patas ang pustahan natin sasayaw ako sa harapan nyo ng Hubot-hubad." Nakangiti na wika ko
" Hahahaha! Sige Deal! Mukhang nakahanap ng katapat ang kaibigan natin." Natatawa na wika ni Miko
Lumabas ako ng kotse nag flying kiss pa ako sa tatlo pakanta-kanta ako na naglakad pabalik sa Bahay
" Paano ko paiibigin si Storm? " Tanong ng isipan ko
" 30 million pwede na ako makapag patayo ng sariling restaurant at sarili bahay. " Masaya na wika ko
" Akala ko Umalis ka?" tanong ni Storm nakaupo sa sofa natigilan ako sa akmang pag-akyat sa hagdan
" Kararating ko lang mamayang gabi nalang ako Aalis." Tugon ko
Pagpasok ko sa kwarto ko Agad ko tinawagan si Daiki kasamahan ko sa Barko at Best friend ko
" I'm So Sleepy Honey." Bungad na wika ni Daiki ka video call ko siya nakadapa siya sa kama kalahating katawan ang kuha sa video call
" I made a bet of 30 million in two years." Masaya na wika ko
Parang nawala ang antok ng kaibigan ko
" Where will you get the money?" Tanong nito
" I made a bet that they would pay me 30 million if I won. But if I lost, I would dance naked in front of them.." Paliwanag ko
" What? Are you out of your mind?" Hindi makapaniwala na tanong ni Daiki