Chapter 14: Slowly Changing

1911 คำ
Ashleene's PoV: When I opened my eyes, I just found out that I'm the only one here in my bedroom. Wala na akong katabi. In short, nauna nang umalis si Freyja. Hmp. Sayang, hindi ko man lang sya nasilayan ang crush ko nang magising ako. Just kidding. Bawing-bawi naman si Freyja dahil hindi nya nakalimutang mag-iwan ng note sa akin. At eto pa, she cooked something for me. Here I am, eating happily the breakfast that she prepared. Hindi rin matanggal-tanggal ang ngiti sa aking labi. Ang sarap ng luto ni Freyja, parang sya lang. Napailing na lang ako sa kawalan. Mabuti na lang talaga at wala akong kasama dito sa unit ko. Nako kung meron man, baka akalain nilang nababaliw na ako. Aish. This is Freyja's fault! Ang lakas talaga ng epekto nya sa akin. It took a while and I'm already done eating. Kanina pa ako nakaayos at nakaligo. I still have classes for today. Social Psychology, Personal Development, at Abnormal Psychology ang subject ko for today. I took a last glimpse of myself bago tuluyang umalis sa aking condo unit. Of course, sinigurado ko na nakalock yung pintuan. Aba, mahirap na sa panahon ngayon noh. Baka mamaya ay may nakakapasok na lang na tao sa condo unit ko ng hindi ko man lang nalalaman. I quickly get inside of my car at nagsimulang magmaneho papunta sa Mitsuki University. Damn. Freyja's really rich. I guess, nakukuha nya lahat ng gusto nya ah. The ride went smooth. Ilang minuto lang ay nandito na agad ako sa University. I parked my car first before finally making my way towards the hallway of the school. While walking, isang pamilyar na tao ang nahagip ng aking mata. Wow. Ngayon ko na lang uli sya nakita ah. Matawag nga at nang makausap ko naman sya. "Bree!" I called her. Yup, it was my classmate in one of my subjects. Nakita kong napatingin ang ibang estudyante sa akin. Siguro ay dahil sa lakas ng boses ko. I just gave them a peace sign. I looked at Bree. At hindi ko maiwasang maguluhan. The looks she's giving me... Parang nakakita sya ng multo. My eyebrows knitted. May nagawa ba akong masama sa kanya? As far as I remember ay wala naman. She didn't say something and instead, nagsimula na syang maglakad papalayo sa akin. But I'm lucky, mas mahaba ang mga biyas ko kaya madali ko lang syang nahabol. "Bree what's wrong? Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko. I placed my hand on her shoulder. Hindi ko maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay may pinagdadaanan na pala sya. "I-I gotta go Ashleene. May gagawin pa pala ako." She answered and quickly averted her gaze. Aish. That was her answer nung tinanong ko sya ng nakaraan ah. Akmang aalis na sana si Bree nang mabilis kong hinawakan ang kanyang wrist. "C'mmon Bree. Let's talk. You're already my friend. Wag kang mahiyang magsabi sa akin." Mahinahon kong saad. I just hope na maramdaman nyanh sincere ako. She's still staring at me intently na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya-maya pa, narinig kong napabuntong-hininga sya ng malalim. "Okay fine. Basta wag dito. I know that she's watching us. Nandyan lang sya sa paligid." She said with a hint of nervousness on her tone. Parang takot na takot talaga sya. Napakunot-noo ako bigla. Sinong tinutukoy nya? Mabilis na inilibot ko ang aking nata sa paligid. I don't see anyone who's looking at our direction. Everyone's busy meddling with their business naman. "I understand." We quickly made our way towards one of the building of this school. Hindi pa yun tapos kaya walang estudyanteng makikita na naririto. I guess, mas safe kung dito kami mag-uusap. I held both of Bree's shoulders. "Now, pwede mo na bang sabihin sa akin kung anong gumugulo sayo? Be honest." She seems hesitant pero maya-maya rin ay nakita kong tumango sya. "Ashleene, she's dangerous. It's much better kung lalayuan mo na sya hangga't maaga pa. You don't have much time left. Madadamay ang mga taong lalapit sayo." Sunod-sunod nitong saad. I can see fear on her eyes. "Sino sya?" Wala kasi akong ideya kung sinong tinutukoy ni Bree. She heaved a deep sigh. "Si Freyja Akane Mitsuki. The SC President." I let out a forced laugh to ease the awkward tension on our atmosphere. "Baka naman mamaya ay nasobrahan ka lang sa kapapanood ng mga movies ha. Wait. Kumain ka na ba? I'll treat you food if you want." Napapikit ako nang mariin. I refused to believe what she've said. I know, nagkakaroon ako ng bias sa gantong sitwasyon. Pero kasi naman eh.... Hindi ko maimagine na magagawa yun ni Freyja. She's a strict SC President but when it comes to me, she's a softie. Parang hindi nga sya makabasag-pinggan. Alam kong hindi rin sya sadista. I remembered Zarrain. Why do they keep stating that Freyja's dangerous? Maybe that's true, hindi ko pa lang talaga nakikita ang side nya na yun. "Ashleene, nasa tamang wisyo pa naman ako. Alam ko kung sinasabi ko. And I'm 100% sure that she did that." She stopped from her track and gulped. Suddenly, I noticed that she's trembling. I silently cursed under my breath. This is a serious matter. Mukhang natrauma na si Bree. Marahang hinaplos-haplos ko ang kanyang likuran. I hope in this way, matulungan ko syang kumalma. "That day that I ditched you... Dapat pupunta talaga ako sa meeting place natin. But Freyja followed me. Pinagbantaan nya ako." Mabilis na napatakip ako sa aking bibig. I'm surprised with that. "She slapped me and s-strangled me. I thought that day, mamatay na ako. But I guess, Freyja gave me a chance. She said na hindi na dapat pa akong lumapit sayo. Or else.." Bree's getting pale. Mas naging grabe rin ang kanyang panginginig. "She's dangerous Ashleene! Kayang-kaya nyang pumatay kung gugustuhin nya. And she can do that for the sake of love." Dagdag pa nya. While me, I'm stunned in my spot. f**k. Kahit na sinabi nya na sa akin yun, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Naguguluhan ako. Bakit ginawa yun ni Freyja in the first place? At para saan? Obsessed ba sya? Pero kanino naman? Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Busy pa rin akong iproseso ang lahat ng sinabi ni Bree. "Do you have an evidence that she did that? Or kahit pictures man lang?" I know, nagiging hipokrita na ako. Pero gusto ko lang talagang makasigurado. Ang hirap kasing maniwala. I heard she groaned. And the next thing that I know, dumapo na ang kanyang palad sa akin. "I know that you like her or maybe, you even love her. But please Ashleene, wag kang magbulag-bulagan sa nararamdaman mo." She exclaimed. "Dito lang pala kita makikita Ashleene." Mabilis na napatingin kami sa taong nagsalita. It was Zarrain. She was giving us a confused-look. Mabilis na napalayo ako kay Bree. "I need to go now Ashleene. Think of what I've said." Tinapunan nya muna ako ng huling tingin bago tuluyang umalis. She didn't even dare to look at Zarrain. "Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong ko. Now, kaming dalawa na lang ni Zarrain ang naiwan dito sa ginagawang building. "Oh well, hindi ako dahil napag-utusan lang ako. Kanina ka pa kasi hinahanap ni F——" hindi na nya natapos pa ang kanyang sasabihin when I heard my phone ring. She motioned me na sagutin muna yun. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makita ang isang unknown number. Aish might as well answer it para nang malaman ko. "Come here at my office. Now." Was the first thing that I heard when I pressed the answer button. "Who's this?" Nakakunot-noo kong tanong. Wala man lang hello o hi. Baka naman wrong number to. "I said f*****g come here Ashleene! I'm mad right now." The person on the other line shouted. Muntik ko nanvg mabitawan ang cellphone ko nang marealize kung sino ba ang tumatawag. "Freyja ikaw pala yan. How did you get my number?" Kinakabahan kong saad. I can hear her heavy breathing. Para bang nagtitimpi na lang sya. "I'l give you 2 minutes. Kapag wala ka pa dito, malalagot yang kabit mo." She said coldly and quickly ended the call. Ramdam na ramdam ko ang awtoridad sa kanyang tono. I gulped. "Ahm... It's your cousin Zarrain. Mauuna na ako. Sa susunod na lang talag mag-usap." She nodded her head and that's my cue. Mabilis na tinakbo ko ang hallway papunta sa office ni Freyja. f**k. May kalayuan pa naman yun. I need to comply with the given time. Ayoko nang madagdagan pa ang galit nya. "I'm already here Freyja." I said while gasping in air. I looked at my watch and I sighed in relief nang makitang hindi ako late. Agad na sumalubong sa akin ang nag-aalab nitong mga mata. I was taken aback. Her eyes... I can feel the burning rage and fury on it. Mabibigat ang mga hakbang na lumapit sya sa akin. Parang may nakikita akong imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya. She quickly held my collar at mabilis na itinulak ako sa pinakamalapit na couch. Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman kong umupo sya sa aking kandungan. Nanlaki ang aking mata at napanganga. Freyja is sitting on my lap habang hawak-hawak ang aking kwelyo. "Where did you go?" She asked. Mabilis na inilingkis nya ang kanyang kamay sa aking batok. Now, our bodies are closely touching each other. Hindi ko maiwasang mapalunok. "Dyan lang." Sagot ko. "There's no such place as 'dyan lang'." She said sarcastically. I bit my lips. Damn. Ang ganda nya pa rin kahit galit na sya. "Nevermind. Si Bree ang kasama mo right? Anong ginawa nyong dalawa?" Ramdam na ramdam ko ang diin sa kanyang tono. Her jaw clenched and her eyes darkened. "W-We just talk about certain things." Nauutal kong saad. Hindi ko pwedeng sabihin ang napag-usapan naming dalawa. She leaned closer and suddenly bit my neck. "f**k. Didn't I told you na wag kang lalapit sa kanya?! Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay yung hindi ako sinusunod." Mabilis na napahawak ako sa kanyang bewang at hinapit sya papalapit sa akin. I need this. Nakakapanghina ang ginagawa nya. "I'm sorry Freyja. I'm sorry. Please don't be mad." Mahinahon kong saad. I started to gently caress her back. She stopped and looked at me. "Walang magagawa ang sorry mo. Might as well patayin ko na lang ang babaeng yun para hindi na sya makasagabal sa atin." Mariin nitong turan. Nanlilisik din ang kanyang mata. I let out a forced chuckle. "I know that you can't do that Freyja." Pero sa totoo lang ay nababahala na talaga ako. "Try me Ashleene, hindi mo pa alam ang kaya kong gawin." Walang emosyon nitong saad. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng takot dahil don. Nanindig bigla ang balahibo ko. Hindi na ako nag-abala pang magsalita. I held her chin. At mabilis na siniil sya ng halik. "Bree's just my friend okay? Walang namamagitan sa aming dalawa." Mahinahon kong saad. Wala akong narinig na response mula kay Freyja. I guess, she consider what I've said. Third Person's PoV: Little did Ashleene know, marami na palang ideya ang naglalaro sa isipan ni Freyja. She just want to murder and torture a woman named Bree. "That girl! She's a threat to us. Kailangan na syang mawala sa landas namin. Sagabal lang sya." She said in her mind. _____//______ Thank you for 15K reads!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม