Nagulantang si Patrish Jhane dahil sa lakas nang kulog na nanggagaling sa labas ng kwarto ni Theo. Nangingining siya sa takot lalo ng biglang pagkawala ng ilaw sa lampshade na nasa gilid ng kanilang hinihigaan na kama. "Mommy...!" tili ni Patrish kasabay ng Isa ulit na malakas na kulog. Iyon ang naabutan na tagpo nang naalimpungatan na si Theo Drix. Namamaluktot siya sa pagkakahiga at nangingining ang katawan sa sobrang takot dahil sa dilim at lakas nang buhos ng ulan. Liliwanag lang ang langit kung guguhit ang kidlat. "D-daddy...!" tawag naman ulit ni Patrish dahil sa hopeless na pakiramdam ng oras na iyon. Iniisip niya sumiksik sa katabing si Theo Drix dangan nga lang nagdadalawa isip si Patrish dahil tulog ito. Napagpasyahang ni Patrish na umupo sa kama. Patuloy ang kulog at kidlat

