Para akong sira na umiiyak habang tumatakbo. Pabalik-balik sa maliit na baryo namin. Ni-report na din namin sa police ang nangyari, pero hindi nila tinatanggap na missing ang anak ko hangga't wala pa ang isang araw! "Adele... Kumalma ka," si Leo. "Makikita natin si Addison..." Umiling ako. "Hindi mo naiintindihan, L-Leo... Baka si Weiland ang kumuha sakanya! At anong magagawa ko pag kinuha niya si Adi!? Wala!" I cried. Gusto ko sabihin kanina sa police na si Weiland ang supect ko, pero sino nga naman ba ang maniniwala sa'kin? Baka magmukhang tanga lang ako doon! Kaya ngayon ay nagti-tiyaga kami na hanapin si Adi. Umiling si Leo at hinawakan ang balikat ko. "Hindi, Adele... Sayo nakapangalan si Adi. Walang karapatan si Wei kung tutuusin..." Wala akong contact ni Wei. I need to call hi

