Kumabog ang dibdib ko habang patungo sa ospital. Kasalanan ko 'to! Bakit ko ba kasi hinayaan si Weiland mag-isa? Lumuha na ako sa sobrang pag-aalala. Hindi naman kalayuan ang ospital kaya mabilis akong nakarating doon. "W-Weiland Vegas po," paalam ko sa nurse. Tinignan ako nito. "Sino po sila?" "Adele po... Adele Ferrer," I told her. "Oh, you're Adele," sabi noong isang doktor. May binigay ito sa nurse bago ako lapitan at ngitian. "You're my cousin's emergency huh?" Natatawang tanong niya. Wala akong balak makipagtawanan ngayon. Hindi ko din pinansin ang sinabi niya dahil gusto kong makita si Weiland ngayon! My forehead just knotted and looked at the nurse. "Ano pong room number? Ako po 'yong tinawagan kanina," I told her. Pero hindi ako sinagot nito at nakatingin lang sa doktor.

