Para akong sinaksak ng ilang beses ng magsalubong ang tingin namin ng lalaking kahit kailan, hindi ko na inaasahan na makita. Sa dami ng lugar, taon, at panahon ngayon pa kami nagkita. Nakaramdam ako ng takot at galit. Ang mga ginawa niya sa'kin ay bumalik. Isa-isa. Dahan-dahan. DUMATING si Weiland sa apartment. Kung hindi ko pa ito pagbabantaan, hindi pa siya babalik! Pero kailangan ko na maging totoo. Bago pa may mangyari na naman. "Ano ba 'yon, Adele? I have so much things to do..." Pero natameme ako ng makita ang pagod sakanya. Ako pa ang na-konsensya sa lagay nito. "I... Ano bang nangyayari? Can you explain ito to me?" Simula ko. Lumapit ako dito at hinawakan ang kamay niya. I miss his hands and warmth so much. Ang hirap ng walang kasama sa doctor para magpatingin. Naiing

