DEIMOS MADALING araw na at hindi pa rin nakauwi si Phobos. Nasa study table niya ako ngayon at nagsusulat muli ng panibagong kabanata sa istoryang ginawa ko. Hindi kasi ako makatulog kahit ano ang gawin ko dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano. Tumunong ang busol ng pinto, senyales na may papasok. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Napatigil lang ako nang niyakap niya ako at inalayan ng isang halik sa pisngi. "Pasensya ka na dahil nakatulog ako. Hinanap mo raw ako? Sorry talaga." "It's okay. Napagod ka raw sa pag-alaga sa kanya. Kumusta na siya?" malamig kong tanong. Hindi ko talaga mapigilang hindi magselos. "She's fine. Masakitin kasi si Virginia kaya nag-aalala ako sa kanya." "Mukha nga. Ang bait mong kaibigan. Natulog ka pa roon para sa kanya. Ang suwerte niya

